Chapter 26

1.9K 46 11
                                    

Life

Hindi ko alam kung gaano kalayo ang resthouse niya sa palasyo. Wala naman akong malay nung napunta ako sa palasyo niya. Lagi nalang walang malay tapos magigising sa kama. Ngayon ko lang nararanasan 'to. Hindi na ako magtataka kung mangyari ulit sa akin 'to.

I just wish that Jacobi will always there to save me. Nababaliw na ata ako, magpapakidnap para iligtas niya. Tsk! Inlove na ata ako sa bampirang 'to.

Nauna siyang naglalakad at palabas kami sa kanyang palasyo.. palasyong hindi ko pa nalilibot, palasyong totoo nga ba, palasyong mukha namang palasyo.

Ang kanyang malapad na likod ay nakaharap sa akin. He is wearing a dark brown jacket, ganon din sa akin na  hanggang hita ang haba. Wala kasi akong damit roon kaya pinahiraman niya ako. At kagaya niya ay ganon din ang pabango.

Naalala ko nung binigay niya sa akin ito.

"Uh Wala akong susuoting damit, wala naman akong damit dito."

Nasa kwarto niya ako at naka-upo sa kama. Kanina ay sinabi niyang aalis na kami. Nakatayo siya sa tapat ng kanyang malaking cabinet at naghahanap ng kung ano.

His tall and lean figure is always a woman's temptation. Ang kanyang likod ay nakaharap sa akin at kitang kita ang kanyang tikas, likod pa lang alam mo na. Kahit siguro hindi siya bampira ay malakas siya.

May kinuha siyang jacket, lumapit siya sa akin. Tumuwid ako ng pagkaka-upo.

"Wear this." Inilahad niya sa akin iyon. Tumango ako. Tinanggap ko iyon at agad na nagtungo sa kanyang restroom.

This will fit, at sigurado akong magmumukha akong batang binihisan. His strong, large frame is very opposite to mine. Masyadong mahaba ang manggas nito kaya kinailangan ko pang itupi.

Lumabas ako roon at nakitang naka-upo siya sa dulo ng kama. Lihim naman akong napangiti dahil parehas ang kulay ng aming jacket, dark brown sa kanya brown ang akin.

Nauna siya sa paglalakad. Wala namang sasakyan dito. I mean kalsada!

Bigla siyang umupo sa harapan ko, ngayon naman ay nakaharap sa akin ang malapad niyang likod, nagtaka ako nung una ngunit sumunod rin lang. Siguro'y sasakay ulit ako sa likod niya.

Dahan-dahan akong yumuko upang abutin ang leeg niya. I smelled his manly perfume. Or personal scent I guess.

Nang makakapit na ako sa leeg niya ay dahan dahan siyang tumayo. I wrap my legs on his waist, he held both of it, firmly. His big rough hands send warmth on my skin.

He smells good, amoy nakakatakot. I want to burry my face on his neck. Pero hindi ko gagawin iyon.

Diniretso ko ang tingin ko sa kagubatan na matataas ang puno.

"Could you open your eyes while I'm running?"

Bahagya siyang nakalingon sa akin. Hindi ko alam kung oo ang isasagot ko. Hindi naman nakakakatakot, actually nakaka-enjoy nga iyon.

Tumango ako. Tumingin ulit siya sa daraanan namin. Niyakap ko ang kanyang leeg nang maglakad siya. Ang kanyang malalaking hakbang ay nauwi sa mabilis na pagtakbo.

Sobrang bilis niya, halos hindi ko makita ng maayos ang mga puno dahil sa sobrang bilis. Ang tuyong dahon na naaapakan niya ay gumagawa ng ingay.

Instead of watching the view, I close my eyes to feel him. Its like hugging him from the back. Isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya. Hindi ko alam kung inaantok ako o ano.

Ilang sandali lamang ay tumigil na siya. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang malinis na kalsadang walang ni isang sasakyang dumadaan. Pati ang inaakala kong sasakyan niya ay wala rito.

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon