Chapter 21

1.9K 46 7
                                    

Smile

Baseball ang lalaruin nila. Colt is holding a baseball bat. Nagtataka ako kung paano sila maglalaro  eh iilan lang sila. The werewolves, Rhona and Axel were here too. Sa tingin ko kasali sila sa laro.

Lumilipad pa rin sa isip ko ang pustahan nila. Ba't ba yun yung naisip ni Colt. Si Colt ang iche-cheer ko.

Go Colt!

Nag-uusap silang lima at ako naman ay naka-upo sa malaking bato. Pinagmamasdan sila. Paano silang maglalarong lima? Nakita kong hinanap ako ni Jacobi at nang nagtama ang aming mata ay ngumiti siya at ibinalik ang atensyon sa kanila.

Ngumuso ako at ipinasok ang dalawang kamay sa suot ko. Just a simple gesture right? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. When Jacobi kissed me. I know it's  not just a kiss. Bakit niya naman ako hahalikan ng walang dahilan diba? What about me? May nararamdaman din ba ako sa kanya? Or its just a simple attraction?

"Nice to see you again Elly."

Isang boses ang nagpatalon sa akin sa gulat. Tinignan ko ang pinanggalingan ng boses. And then I saw a handsome man. Topless. Matangkad siya. He has abs, tanned muscles. Wiw. Kayumanggi ang kanyang kulay. I think he is not a vampire. Itim ang kanyang buhok at mata. Matangos ang ilong at mapula ang labi. He look like an old fashion model.

Gulat ako dahil alam niya ang pangalan ko. Nagkita na ba kami dati?

He smiled at me.

"Weylan." Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

Oh he is Weylan, the brown werewolf! Nanatili ang tingin ko sa kanya. Gulat pa rin. Tinignan ko ang kamay niya at tinanggap iyon.

"Pasensya kana at natakot kita sa huli nating pagkikita." aniya.

"A-Ayos lang iyon."

Ngumiti siya sa akin. Gusto ko mang mag-usap pa kami ay naiilang ako.

"Kukuha lang ako ng damit"

Nakahinga ako ng maluwag. Muli nanaman akong nagulat nang nasa harapan ko na si Jacobi. Madilim ang kanyang mukha at matalim ang ipinupukol na tingin sa akin.

"What?"

Without saying any word he scooped me from the ground and run, hanggang sa nakarating kami kina Colt. Ibinaba niya ako at di na muling pinansin. I look at him curiously. Binaling ko naman ang tingin ko kay Vennise, she smirked at me. I want to ask Jacobi but not infront of them.

Tss.

Bakit niya ako dinala dito gayong may kausap pa ako?

Tinignan ko ang lugar kung nasaan ako kanina. Nakita ko si Weylan na nakasuot na ng damit. Nakatingin siya sa direksyon namin. Nang mahanap ako ay tumakbo siya.

Nang makalapit na ay nagtanong siya sa amin.

"Maglalaro kayo?" he asked.

"Oh tamang tama nandyan si Weylan. Isali natin siya." Yaya ni Axel na hawak hawak ang bewang ni Rhona.

"Sure!" Colt agreed.

"Okay, ang magkakampi si Cobi, Rhona and Weylan. The rest kakampi ni Colt."  si nAxel.

Tinignan ko si Vennise na iniirapan si Rhona. I also saw Rhona raising her eyebrow.

Kumunot ang nuo ko. Anong meron sa dalawang ito?

"And you Elly, you'll be our audience."

I smiled at them.

Pumunta sa tabi ni Colt si Vennise at Axel. Naghalikan muna sila ni Rhona at Axel bago naghiwalay.

This two. Tsk. PDA's.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano sila maglalaro. Baseball should consist of nine players. Bahala sila. Nag-usap usap sila kanina tungkol sa laro, hindi ko alam pero siguro ay may binago sila.

Pumunta akong gilid at sumandal sa malaking bato. Hapon na at malamig ang simoy ng hangin.

Si Weylan ay naka gloves, sa harapan niya ay si Colt na may hawak-hawak na baseball bat. He is smiling while waiting for the ball. Mahigpit ang hawak niya sa bat at naghahanda sa paghampas. Jacobi is there, waiting.

Itinapon ni Rhona ang bola at malakas na hinampas ito ni Colt. The small ball flew so high. Itinapon agad ni Colt ang bat. Jacobi run fast as hell. Tumakbo siya ng sobrang bilis ganon din si Colt.

Jacobi now is nowhere to be seen. Tumakbo siya sa direksyon ng bola. Ilang sandali pa ay ang bola ay lumipad pabalik at mabilis itong sinalo ni Rhona. Amazement consumed my brain. This baseball game is extremely extra-ordinary!

Rhona steps in one of the bases. She looked at Axel then smirked. Napangiti na rin ako.

Tumigil si Colt sa pagtakbo. He is also stepping in one of the bases. Nakabalik na sa dating pwesto si Jacobi.

Ngayon si Axel naman ang titira. He tightly grip the bat. He is smirking while looking at Rhona. Hinagis ito ni Rhona at malakas namang hinampas ni Axel. Tumakbo agad si Colt at Axel sa dapat na direksyon.

Jacobi catched the ball and throw it to Weylan. Sinalo din ito ni Weylan nang nakaapak sa isang base. Isang takbo na lang kay Colt at mananalo na siya. Siguro ay ito ang game nila.

"Go human!" Colt cheers Vennise.

Seryosong hinintay ni Vennise ang bola. Hinagis ni Rhona ang bola at hinampas ito ni Vennise.

Parang slow motion ang nangyari dahil pagkahampas ni Vennise ng bola ay agad na nasalo ito ni Jacobi na sa isang kisap mata ay nakaapak na sa isang base. Si Colt ay kalahati pa lang ang natatakbo. I heard him groaned.

Jacobi won. I sighed.

Bakit parang malungkot pa ako?

Siguro ay may isa pa silang laban. Pero siguro yan na yun kasi pagabi na rin.

Umupo si Colt sa damuhan. Lumapit naman sa akin si Vennise.

"Hayy talo kami." 

Sumandal din siya sa batong sinasandalan ko. Nakita kong sumulyap siya sa akin.

"Oh bakit parang malungkot ka? Gusto mo bang manalo si Colt?"

Lumaki ang mata ko sa tanong niya. Uminit ang aking pisngi. Parang sinabi niya na rin na gusto kong magpahalik kay Jacobi. Luminga linga ako at baka may nakarinig.

Medyo malapit sa amin si Jacobi. Narinig niya kaya?

Nakatagilid ang katawan niya sa amin. I saw him slowly smirk.

The hell!!

Narinig niya!

"Uuwi na kami! Bye guys! I enjoyed the game. Your highness." It's Rhona. Tumakbo sila at sa isang kisap mata ay wala na sila. Same with Weylan.

Humiga si Colt sa damuhan.

"Saka na ang deal Colt. Uuwi na kami." ani ni Jacobi kay Colt.

Colt nodded.

Lumapit sa akin si Jacobi.

Mabilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam. Wala pa naman siyang ginagawa.

"Tara na?"

Tumango ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Tumikhim si Vennise at nagsalita.

"Doon muna ako kay Colt." Maligaya niyang sabi.

Lumapit siya kay Colt at nakita kong tumabi siya sa pagkakahiga. Nakita kong pinisil niya ang ilong ni Colt at nagtawanan silang dalawa. I smiled at them.

"It's always your smile then.." narinig kong bulong ni Jacobi ngunit ipanagkibit-balikat ko na lang ito.

-----
Warmestfart

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon