Chapter 30

1.7K 34 9
                                    

Baby

"Nakakainis hindi tayo pwedeng lumabas. Wala pang magawa dito sa kwarto mo."

She's really bored. Ayos lang naman sa akin kahit hindi ako lumalabas. I've been introverted person all my life. Talagang magkasalungat nga kami ni Vennise.

Humiga ulit siya sa kama bago bumuntong hininga.

"Elly..." frustrated niyang sabi. Ang lumalabas lang sa bibig niya ay kung gaano daw siya kabored.

Asan ba kasi si Colt?

At parang may nakarinig ng munti kong tanong.

"Vennise!" Tawag ni Colt sa labas.

Tumuwid siya ng upo at tinignan ang pintuan.

"It's Colty!"

Tumayo siya, pinagbuksan ng pintuan si Colt. Colt on his dashing dark blue button down sleeve and his black pants. And his new hairstyle! Kung noon ay blonde siya ngayon ay kulay itim na ang kanyang buhok! He look more handsome on his army cut! Damn ang gwapo ni Colt.

Ngumiti siya kay Vennise at ipinakita ang dalawang papel.

"May Race car tournament, malapit dito. Guess what?"

Iwinagayway niya ang ticket.

"Oh My Gosh ang gwapo mo Colt!" Vennise ignoring Colt's invite.

Ibinaba niyang kanyang kamay at pinasadahan ng daliri ang kanya buhok. He bite his lower lip.

"Oh My! I'm falling Colty!!" Vennise looking like a number one fan of a celebrity.

"Uh-uh remember our Rule Ven " Sabi ni Colt.

"Yes.." malungkot na tugon ni Vennise.

My lips formed an "O". Anong meron sa dalawang 'to. Sumilip siya sa akin at ngumiti.

"I'm sorry Elly, your majesty told me you can't come. Si Vennise nalang ang inaya ko."
Ngumiti ako at tumango sa kanya. For sure pag sumama ako magiging third wheel lang ako, unless of course pag kasama ko si Jacobi. Maglalandian din kami.

Hinawakan ni Colt ang bewang ni Vennise. He crouched and whispered something to her that makes her giggle. Lumingon sa akin si Vennise.

"Mauuna na muna kami Elly. Bye!"

Ngumiti ako sa kanila na parehong umalis na sa aking paningin. Now Im left alone. Ako naman ang mabobored. Sana magpakita din sa akin si Jacobi na may hawak na ticket at yayain ako.

Bumuntong hininga ako. Napagdesisyonan kong bumaba nalang at guluhin siya kung ano man ang ginagawa niya.

Akala ko ba hindi mabobored Elly?

Pagkababa ko sa kanyang hagdanan ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nagtitipa sa kanyang laptop. He look like a business man whenever he is glued on his laptop. Not a king vampire or what.

Nang maramdaman ang presensya ko'y nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagpatuloy ako sa pagbaba hanggang makarating ako sa harapan niya. His intense stare look at me. O hindi ko nga alam kung intense nga iyon, basta't yun ang nararamdaman ko pagtumitingin siya sa akin.

Tinapik niya ang kanyang tabi, sinasabing umupo ako sa tabi niya. Huminga ako ng malalim at umupo. He's like a boss. No. He's a boss. Nakalimutan ko na kung bakit ako pumunta rito. Ah oo guguluhin siya.

Ang kanyang laptop ay nasa kanyang hita. Muli siyang nagtipa habang nasa tabi niya ako. Seryoso siya sa kanyang ginagawa. I feel more attracted whenever his serious. The way he creased his brow and clenched his jaw. He is so manly.

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon