Hierarchy
Pagkatapos ng tatlong araw ay makakalimutan mo siya. Sumpa ba yun? Malapit na ang araw na yun. I mean bukas na iyon!
"Mauuna na ako kamahalan." Yumuko siya at umalis na sa harapan namin. Ang ganda nung kamahalan ah.
"Anong sinabi niya sayo?" biglang tanong niya sa akin.
"Uh.. W-wala naman."
Tumango siya sa aking sinabi.
"Eat, I just need to do something in my office." Umalis rin siya sa harapan ko.
Pumunta akong kusina at nakita ang niluto niya? Marunong siyang magluto? Given that he's a blue blood.
Mukhang masarap nga ito. Ganito ba sa kanya ang "breakfast" parang sobrang esepesyal kong panauhin sa isang mataas na pamilya.
I took my fork and knife. Hiniwa ko ang karne at kumuha ng sauce. Sinubo ko ito at nginuya. Napapikit ako sa sarap. The best! I savored the flavor on my mouth! He cooked deliciously. This is the best food I ever ate.
Magana kong kinain ang lahat ng kanyang niluto. Kapuri-puri siya. Masarap siyang magluto.
Uminom ako ng tubig at sumandal sa upuan. Lumipad ang utak ko sa sinabi ni Sabrina. Makakalimutan ako ni Jacobi pagkalipas ng tatlong araw. Napakaimposible n'on. But hey Elly you're in their world where impossible things is possible. And she's a mage. A witch. Mangkukulam pa nga lang sa mundo ng mga tao eh nakakatakot na.
What if Jacobi really forget me? Ano nang mangyayari sa akin? And that day asan ako? I will lost my consiousness because of Master Ronald's bite. Paano ko maipapaliwanag lahat kay Jacobi? What if Jacobi will get mad to me? Nakakapagtaka lang at hindi niya ako tinanong kung saan ako galing noon.
He's a King. He's powerful. I don't know about that Council but somehow it scares me.
Bumukas ang pintuan, pumasok si Colt. Ang alam kong masiyahin niyang mukhang bubungad sa akin ay napalitan ng pagkaseryoso. Nang magtama ang aming mata ay tipid siyang ngumiti malayo sa inaakala kong masiyahin niyang ekspresyon.
"Elly, nasaan siya?"
Kumunot ang noo ko ng may naalala. Something about what he said triggers something on me. Parang may biglang lumitaw sa utak ko na hindi ko maindindihan.
"U-Uh.." Tinuro ko ang taas.
Tumango siya at pumunta roon. Bumuntong hininga ako at hinilot ang noo. Na s-stress na ata ako.
Tumayo ako at inayos ang pinagkainan. Pagkatapos ko itong hugasan ay nagtungo ako sa library niya. Meron siyang library rito at malaki iyon. Puro luma nga lang ang libro. Siguro'y makakakita ako roon ng libro tungkol sa mga bampira. Meron siya no'n sa palasyo niya.
Umakyat akong hagdanan. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay narinig ko silang nag-uusap.
"Nagtataka na ang mga Council. May hint na sila,"
"Then let them know I don't care. Hayaan mo sila,"
"Nababaliw ka na? Alam mo naman siguro ang kaya nilang gawin,"
"I don't let them touch her, Colt." Jacobi's deep voice.
"You know na dati akong Council alam ko kung paano tumakbo ang utak nila. Ngayon alam ko ang gagawin nila! They will do everything to destroy you! At pag nalaman pa nila kung ano ang dugo ni--"
Bigla siyang tumigil sa pagsasalita. Katahimikan ang narinig ko pagkatapos non. Hindi ko alam kung ano nang ginagawa nila. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang tenga ko sa pintuan at pinakikinggan silang nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Bloody Thirst [Completed]
Vampire"The blackhole is not scary as what you think. His kind of blackhole is I want to fell for." Elly an ordinary girl who has a dark past meets the king of darkness. Filipino story. Jacobi and Elly Warning: Matured Content. Read at your own risk.