The predator
His room ceiling is a night sky. Ang buwan at ang mga bituin ay parang totoo. Para akong nakahiga sa rooftop at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
Nanghihina pa rin ang katawan ko. Kagigising ko lang at ito ang bumungad sa akin. Ibinaba ko ang tingin ko sa aking braso. Wala akong sugat. Walang bakas ng mga kuko o kahit man lang pasa. Kumunot ang nuo ko. Imposibleng naghilom ito agad-agad.
Itinaas ko ang kamay ko at inabot ang isa, tinignan kung totoo bang naghilom na. Ngunit wala talaga. Totoo bang nangyari iyon? And Yes! I know I'm not hallucinating.
Did Jacobi just confess?
I remember his soft whispers last night. Alam kong kahit nanghihina ay klaro ang kanyang mga sinabi.
I'm inlove with you...
I'm inlove.
Ewan ko kung ano ba talaga ang magiging reakyon ko. Matutuwa ba dahil gusto niya ako o malulungkot dahil
pinaglalaruan niya ako? I'm scared. Well, dapat bang maniwala ako sa kanya.Eh ako? Sa tuwing nakikita ko siya bumibilis na agad ang tibok ng puso ko. Elly, Is the feeling mutual? Yes. No.
Hindi ko naman alam na ang simpleng atraksyon ay mauuwi sa ganito.
"You're awake." His deep voice startled me.
Nakatayo siya sa kung saan at nang nagtama ang mata namin ay agad akong nag-iwas ng tingin. Lumaki ang mata ko at nag-init ng husto ang aking pisngi.
Hindi ko alam pero simula nung nangyari kagabi ay parang hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. I swallowed hard, anong nang mangyayari ngayon?
"U-Uh..."
I gasped when he use his vampire speed. May upuan sa tabi ng kamang ito at doon siya umupo. Bakit may upuan? Umuupo ba siya diyan? My cheeks heatted when I realize that what if he watches me as I sleep.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Isinandal ko sa headboard ang aking likod.
Hinawakan niya ang kamay kong nasugatan pero ngayon ay naghilom na. My heart beats so fast when I felt his big calloused hand on my skin.
Itatanong ko sana kung paanong naghilom agad-agad pero hindi ko alam kung kaya ko ba.
Marahan niyang hinaplos ito. Pumikit ako ng mariin pilit na pinapakalma ang pusong nagwawala.
"Elly..." he called.
Huminga ako ng malalim.
"My Elly."
Napamulagat ako dahil don.
Sumalubong sa akin ang nang-uuyam niyang mukha. He looked amuse but he tried to conceal it with serious expression.
"You look tense." He said as he look at deep in my eyes.
"You want me to comfort you?" He asked.
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Dumoble pa ang tibok ng puso ko. He's enjoying this one. He's enjoying my reaction. Paano kung pinaglalaruan niya lang ako? Paano kung kasali doon ang pagtatapat niya kagabi? Niloloko niya lang ba ako? May dumaang sakit sa aking puso. If ever man na hindi yun totoo, anong dahilan niya? I still don't know.
Nang makita niya ang ekspresyon ko ay ngumuso siya at nagbaba ng tingin. Kumunot naman ang nuo ko.
"L-Last n-night... you.." hindi ko matuloy tuloy ang sinasabi ko.
"I confess?" Tanong niya sa akin. Tinanong niya pa talaga ako. Damn this vampire!
"I'm inlove Elly." Nag-angat siya ng tingin sa akin. Para siyang malaking batang umaamin ng kanyang kasalanan. Well except na kasalan ang inlove siya... sa akin.
BINABASA MO ANG
Bloody Thirst [Completed]
Vampire"The blackhole is not scary as what you think. His kind of blackhole is I want to fell for." Elly an ordinary girl who has a dark past meets the king of darkness. Filipino story. Jacobi and Elly Warning: Matured Content. Read at your own risk.