Chapter 50

3.2K 75 25
                                    


Bloody thirst

"Your name is not just a name. It's a flower, flowery word. Your name is like a poem and song combined in one word. Your eyes is not just an eye, it's honesty reflecting your feelings. Yeah. Honesty. When you smile. It's your eyes that persive. Your lips is no longer a lips. It's the softest and out of the word kind of feeling when we kissed. You are not a human. You're an art with a heart.."

"Hmmm that's so romantically written Jacobi."

Isinara niya ang libro at kumuha nanaman ng isa.

"I never know that these romance books can be this fulfilling."

"Fulfilling for what?" I asked.

"I mean.. I can feel it."

Tumawa ako sa kanya habang nakahiga ang aking ulo sa kanyang hita, nilalaro ang kanyang daliri at pinakikinggan siyang nagbabasa. Naiintindihan ko naman siya kasi sabi niya sa akin hindi talaga siya nagbabasa ng romance. Ang sabi niya, "I'd rather learn how to kill than to read  silliness." Well to tell him, his the real silly because he thinks that romance is silly.

This house it exactly look like his resthouse. Sinabi niya sa akin na sira sira na daw ang dati niyang resthouse. Sinabi ko sa kanyang pwede naman naming ayusin ngunit ayaw niya. Sabi niya dito na lang kasi malapit daw sa falls. Matagal na niyang pinatayo ito... para daw sa amin. Paano siya nakakasiguro diba? Atsaka tinanong ko siya kung bakit hindi nalang sa palasyo niya, tinanong niya ako kung gusto ko ba do'n pero sinagot ko siya ng simple lang ayos na. His palace is now open for everyone. He rarely go there and I can attest with that.

Nasa malaking library niya kami ngayon. As usual. Matataas ang bookshelves at puro luma ang libro. Sinabi ko ngang itinda namin para magkapera kami. Saan niya ba talaga kinukuha kayamanan niya? Noong tinanong ko sa kanya yan ang sabi niya boss siya at madami siyang negosyo at nagtratrabaho sa kanya. Well, nakikita ko siyang naglalaptop. Siguro yun. Hindi naman siguro siya nanonood ng porn eh.

"I told you. Romance is the best. Nilululong ko nga sarili ko diyan."

Inalis niya ang librong nakaharang sa mukha niya at yumuko para tignan ako.

"Do you read poems?"

"Oo naman."

"Proverbs?"

Umiling ako sa kanya.

"Philosophies?"

Yung mga libro kila Ven. Hindi ko na nga matandaan eh. Umiling ako sa kanya.

"Don't focus on romance only Elly. Madami pang iba diyan,"

"Eh sa gusto ko eh. It's entertaining."

"Oh yeah. Do you read jokes and riddles?"

"Hindi rin."

"Entertainment lang ba ang habol mo?"

"Jacobi! Hindi mo kasi ako naiintindihan. Sa isang romance book nando'n na ang lahat! Lessons, jokes, meron pa ngang poetry! Sa isang romance story kasi nando'n na ang lahat. Atsaka alam mo pa yung daloy ng story kaya nakaka-enjoy talaga. You don't know the feeling kasi eh!"

Jacobi can't ignore me now. I ask him hundreds of questions Every. Single. Day. Hindi ko alam kung pasensyoso siya o minsan naiirita na siya sa akin. Tinatanong ko siya dahil sa pagiging bampira ko. I'm sure books can answer me but I'd rather ask Jacobi.

"Jacobi lalabas yung pangil ko pagkakagat ako diba? I mean pag-iinom."

"Jacobi may kapangyarihan ba ako? Meron diba?"

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon