Chapter 7

3K 69 11
                                    

Dante

Nagising ako nang tumigil ang sasakyan. Sa sobrang tahimik ng biyahe namin ay nakatulog ako... sige.. ulit.

Kinusot ko ang aking mga mata at tumingin sa kanya, inaalis niya ang kaniyang seatbelt. He said we will go to his palace. I rolled my eyes to him. Palace my foot.

Inalis ko narin ang aking seatbelt akmang bababa na ako ay hinawakan niya ako. I look at him.

"Wear this." he command.

Inaalis niya ang kanyang leather bracelet. It's color black and a gold dragon embroided on it. It looks fascinating. Ang simple lang at parang nabibili lang sa tiangge, but there's something on it.

I laugh at that. Sobrang yaman niya tapos ganito lang bracelet niya?

Siya mismo ang nagsuot sa akin ng porselas na iyon. The movement made me taken aback. His big calloused hand over my soft and small hands makes me shiver. This cold immortal man will make every girl turn to him.

Nang natapos na siya ay tinignan niya ako sa mata. Natigilan ako ng konti sa atensyong ibinigay niya sa akin.

"Kailangan mo 'to para maprotektahan ang dugo mo. You know your blood is different right? Thousands of people died because of the compatibility in their blood. That experiment kills all your kind. How did you survive?" curiosity etched on his face.

Hindi ko naman alam ang mga sinasabi niya but my curiousity started to consume me. How did I survive? Wala naman akong naalala na na-amnesia ako ah. Teka naaalala ba iyon, amnesia nga diba?

Akmang ibubukas ko pa ang aking bibig ngunit itinikom ko na lang ito.

Kung lahat ng ito ay may ugnayan sa pagkatao ko I think I just cooperate then. Bata pa lang ako alam ko ng iba ako sa lahat, my mother also told me that. Pero paano kung kalokohan lang ito?

Binaba niya ang aking kamay at bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin ako. Madaming puno ang lugar, parang rainforest sa dami ng puno. Ang daanan lang ng sasakyan ang sementado.

Vampires shouldn't have any palace. Kahit sabihin mong monarkiya ang pamamahala nila. What if may makakita ng palasyo nila? At anong sasabihin nila tourist attraction? The palace of blood sucking creature? The fastest human? The high tech contact lens? I just rolled my eyes at that thought.

Mukhang nakita niya ang pag ikot ng aking mata. His piercing eyes darted on me. Ako naman ay parang pusang yumuko, he's really in control huh?

"Come here."

No.

Lumapit ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang hilain ako para maglakad. Are we going to hike? Heck I've never hike!

Habang naglalakad ay dumapo ang aking tingin sa kamay niyang nasa palapulsuhan ko. Hindi naman ako tatakas. Ngunit pirmi ang pagkakahawak niya. Malabong makakatakas ako dahil mabilis siya. So what's with holding my wrist?

Pagkalipas ng ilang minuto ay napagod na ako kakalakad sa masukal na kagubatang ito. Pagod na ang aking mga binti kaiiwas sa mga halaman. Pwede naman niyang sabihin na wala talaga siyang palasyo. Ayos lang naman sa akin iyon.

Nagnakaw ako ng buntong hininga. I don't want him to be piss at me.

Habang tinitignan ko ang kanyang malapad na likod hilahila pa rin ang aking kamay ay may nasagi ako sa isang halaman na may tusok, nasugat ang binti ko.

"Ouch!" Tumigil ako sa paglalakad ganoon din siya.

Tinignan ko ang aking binti at nakitang may sugat iyon at dumudugo. Malamang sugat nga edi dudugo.

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon