Someone
Hawak hawak pa rin niya ang aking kamay. The paper he was holding was already crumpled.
Hinila niya niya ako patungong elevator. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang nangyayari sa kanya. O saakin?
Tumunog ang elevator at hinila niya ulit ako palabas. Nasa parking lot kami ngayon. Pinatunog niya ang kanyang sasakyan.
"Uh saan tayo pupunta?"
Natigil siya sa tanong ko at humarap sa akin. Damn! He's really intense!
"Sumama ka nalang Elly."
Akmang hihilain niya ako nang pilit kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.
He look at me irritatedly.
"What?" he asked.
"About the kissed."
Dahan ko itong sinabi at biglang yumuko dahil sa init ng aking pisngi. Naramdaman ko din na natigilan siya.
Napasinghap siya sa sinabi ko.
"We can do it again Elly just not now."
Uminit lalo ang pisngi ko sa sagot niya. Dahil doon ay
napaangat ako ng tingin."No! I mean... anong, bakit mo yun ginawa?"
Imbis na sagutin ako ay hinawakan niya ng mahigpit ang palapulsuhan ko at hinila patungong sasakyan niya.
Siya na mismo ang nagseatbelt sa akin at gamit ang kanyang bilis ay naka ikot at nakasakay na siya sa sasakyan.
Nagsimula na siyang magdrive. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ayos lang kasi kasama ko naman siya.
I looked at his veined forearms, his sleeves were folded near his elbow and he's dwarfing the steering on his strong hands. That strong arms always carry me am I right?
Gabi na. Ang tinatahak naming daan ay hindi pamilyar sa akin.
Tinignan ko ang aking palapulsuhan na hinila hila niya. May mga pulang marka roon pero wala pa namang pasa. Hinawakan ko ito at agad na napangiwi sa sakit.
Ibinaba ko ang aking kamay at tinignan ang labas, masyadong madilim. Saan ba talaga kami pupunta?
"Bakit hindi tayo bumalik sa condo mo?" tanong ko habang nakatingin parin sa labas.
"Hindi na ligtas doon."
"Ano? Saan tayo pupunta?"
"One of my resthouse."
Hindi na ako nagsalita pa. Paano niya nasabing hindi na kami ligtas doon? Wala namang ibang nangyari.
Isinandal ko ang aking ulo sa upuan. Masyadong madilim ang labas kaya wala akong makita.
Unti unti kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi naman ako inaantok. Tahimik ako ganoon rin siya. It's not an awkward silence though.
Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Iminulat ko ang aking mga mata at tinignan siya, nakatingin siya sa akin.
Inalis ko ang aking seatbelt at lumabas ng sasakyan.
Ang malamig na simoy ng hangin ay humaplos sa aking balat. At dahil madaling araw, walang laban ang suot ko sa lamig. Niyakap ko ang aking sarili at tinignan si Jacobi na nakatingin sa akin. I saw him unzipping his jacket. Inilahad niya sa akin iyon at hindi na ako nagsalita pa.
Tinanggap ko ito at agad na isinuot. Sa laki nito ay nagmumukha akong batang binihisan.
Tinignan ko ang sinasabi niyang resthouse. Nasa gitna kami ng daan at puro puno ang makikita. Kumunot ang noo ko dahil wala naman ni isang bahay rito.
BINABASA MO ANG
Bloody Thirst [Completed]
Vampire"The blackhole is not scary as what you think. His kind of blackhole is I want to fell for." Elly an ordinary girl who has a dark past meets the king of darkness. Filipino story. Jacobi and Elly Warning: Matured Content. Read at your own risk.