Chapter 39

1.3K 27 39
                                    

Be alright

Everything is temporary I guess I hope even the pain in my heart. Time heals. One disastrous chapter can change a story. I may have blur vision looking for the lucky side of my life but still I will hold the light just to look for the brighter side of it. Sobra sobra akong nasaktan nang iwan ko siya. But it's clear, kahit na maulit iyon yon pa rin ang gagawin ko.

My life sucks but I know God has always a plan. Hindi naman pwedeng tungkol sa paghihirap ko na lang ang pagtuonan ko ng pansin. Kailangan ko din bumangon at magsimula muli. Tuloy pa rin. It's okay to be alone. It's okay to face everything alone. Braver, stronger that's what I get... even the bullet pain in my heart.

Beautifully struggle everyday Elly!

May kumatok sa pinto ng aking opisina.

"Pasok,"

Narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi ko na ito pinagtuonan ng pansin. Nanatili ang tingin ko sa aking ginagawa.

"Ma'am idi-deliver na daw po yun mamayang eight," Ibinaling ko ang aking atensyon kay Rica, may hawak-hawak siyang mga papeles.

"Okay sabihin mo kailangan ko ng resibo do'n,"

"Sige Ma'am aalis na po ako."

"Ah Rica sandali!" tawag ko sa assistant ko. Lumingon siya sa akin.

"Maaga akong aalis may aasikasuhin pa kasi ako eh, ikaw na mag-receive n'on,"

"Ah gan'on po ba, sige ma'am sasabihin ko na lang po sa kanila." Ngumiti siya sa akin bago siya umalis.

Muli akong nagtipa sa aking laptop. Madami pa akong gagawin. Siguro ay i-uuwi ko nalang ito. Hinugot ko ang flashdrive bago pinatay ang laptop at isinara.

Kinuha ko ang aking bag at ipinasok lahat ng kakailanganin ko bago ko ito isinabit sa aking balikat. Hapon naman na kaya pwede na akong umuwi.

Kinuha ko ang aking cellphone na nasa aking mesa. Nakitang kong may mensahe iyon kaya binuksan ko ito.

Adam:

Hinihintay kita dito sa parking lot. Maaga out mo right?

Tinignan ko kung anong oras niya ito ni-send at nang makitang kakasend niya lang ay nagtipa din ako ng sagot.

Ako:

Palabas na ako.

Pinatay ko ang aking cellphone at inilagay sa bag. I already told him about this but I hope he's just being friendly.

Lumabas ako ng aking opisina at binati ako ng aking mga empleyado kahit abala sila sa mga customers.

Isang restaurant ang naipatayo ko. Sapat ang pera na naipon ko sa pagtratrabaho ko kay Sir Dela Cruz ng ilang taon. Nalaman ko din na ang anak na niya ang naghahandle sa kompanya niya since nawala si-Ughh! Past.

"Bye, Ma'am alis na po kayo?"

"Oo eh,"

"Bye Ma'am!"

"Si Ma'am oh! Laging blooming!"

"Ma'am may naghihintay pong gwapo sa inyo sa labas," humagikgik si Sally.

Ngumiti ako sa kanya. I waved a goodbye to them. I sighed. Nakakagaan sila ng loob. The ache in my heart could atleast felt warmth, hearty and good. Yeah good. Just good.

Lumabas ako at nakita ko si Adam na nakasandal sa pintuan ng kanyang sasakyan. He's wearing his white polo shirt and his striped khaki pants and a pair of his street casual shoes. I smirked. Parang nagmomodel lang ng brochure ah. Nang mamataan ako'y ngumiti siya. I smiled back at him. Nang makalapit na ako ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. I playfully glared him.

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon