Chapter 17

2.1K 52 7
                                    

Falls

"Bakit hindi ka nasusunog pag nasisinagan ng araw?"

"Tinatamad akong ipaliwanag."

"Bakit parang hindi ka naman hari? Parang ordinaryo ka nga lang eh. Nababasa mo ba yung isip ko? Pwede mo ba akong gawing bampira?"

Tumayo siya at nawala na sa aking paningin ko.

Pwede niya kaya akong gawing bampira? Teka gugustuhin ko nga ba? Tingin ko hindi.

Napapalibutan kami ng kagubatan kaya wala talagang magawa dito, pero ayos lang dahil maganda naman dito. It's kind of instagramable but I'm not a social person. I dreamed about having this kind of house in this location.. at ngayon tinupad nga niya ito.

It's isolated here. Malayo sa sibilisasyon.

Umupo ako sa duyan at pinagmasdan ang kalikasan.

"May malapit na falls dito, gusto mong maligo?"

Nakasandal siya sa pintuan at ang mga braso ay nakakrus sa dibdib. He's wearing a white T-shirt that hugged his ripped tanned muscles, his denim pedal pants were rugged and he looks like he's modeling it while he's leaning to the door. Idagdag mo pa ang background niyang puro matataas na puno. Instagramable indeed.

"Wala na akong damit."

Tumango siya. Wala na akong ibang damit dito kaya hindi ko alam kung paano, kahit gusto ko.

"Ako ng bahala."

Anong ipapagamit niya sa akin? Pero bahala na gusto ko ding maligo.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tumalikod siya at umupo. Ngayon naman na nakalahad sa akin ang malapad niyang likod.

"A-Anong..."

Nilingon niya ako at nagsalita.

"Sumampa ka sa likod ko." his low baritone voice were always sexy.

Suminghap ako at dahang dahang ipinulupot ang aking kamay sa kanyang leeg. I smelled his manly scent. His muscular body over mine makes my heartbeat fast.

Tumayo siya at napahawak ako ng mahigpit sa leeg niya.

I wrap my legs on his waist. Bakit na a-awkwardan ako dito. I like bridal style more than this piggy back ride.

Hinawakan niya ang magkabila kong binti at inayos ang pagkapulupot nito sa bewang niya. Bahagya akong napataas dahil sa ginawa niya.

Ang puso ko ay gusto ng lumabas sa katawan ko! Hell this is just so... awkward!!

I think he can feel it my heart pounding so hard breaking my ribcage. God what did you do to me vampire?!

Hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga binti. His warm rough hands on my skin makes me want to hug him more.

Nagsimula siyang tumakbo ng mabilis. I tightly close my eyes. The wind caress my skin.

Mabilis ang kanyang takbo at paminsan minsan ay tumatalon ng malakas. Para siguro iwasan ang mga puno o bato.

Ilang sandali pa ay tumigil siya. Rinig ko ang lagaslas ng tubig.

Iminulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang munting paraiso.

Mabagal lamang ang daloy ng tubig at kita mo ang mga bato sa linis nito.

Ibinaba niya ako at napansin kong nakatungtong kami sa isang malaking bato.

Napakaganda, madaming bato. May malalim na parte, meron ding mababaw. Mahaba ang pinagdadaluyan ng tubig. At may hindi gaano kalakas na falls. It's perfect here.

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon