Chapter 20

2.1K 47 17
                                    

Deal and dare

"Your highness, I really think you should visit the palace."

"Tell them I won't."

"But Master Tinio really want to talk to you---"

"Colt!"

"Pero gusto ka niyang makausap dahil nasa kanya na ang resulta."

Hanggang doon lang ang narinig kong usapan ni Colt at Jacobi, nakalayo na kasi sila.

"Elly, imposible talagang wala kang kaibigan.... I mean, humans maybe crazy for being fake to their friends but there is really you can call bestfriend."

Nakaupo kami ngayon sa dining at nagkakape, she's asking me about my "human life".

"None Vennise, friends meron pero wala mabilis din silang nawawala. My classmates think of me as a weirdo and because of that I gain no friends...."  pero ayos lang nandyan naman ang mom ko. She's enough. Until that night..

"Oh Elly, Huwag kang mag-alala ayos lang iyon. I can be your bestfriend." She smiled widely at me.

Ngumiti din ako sa kanya. She's like the bestfriend I never had.

"Yeah sure."

Nilingon ko ulit kung nasaan sina Colt at Jacobi.

"Hmmmn...." napatingin ako kay Vennise. Uminit ang pisngi ko, nakita niya siguro ang pag baling ko sa kanila.

"It's okay Elly."

Vennise' smile could brighten your whole day.

Pilit din akong ngumiti, siguro ay may nahihinuha na sila ni Colt. Based on their bets. They are playing with us. Or maybe just their pass time.

"You know what, may napansin kaming kakaiba sa hari namin.." she started. "He's not that talkative, tahimik nga lang yan eh. Mahal lahat sa kanya, ngiti, salita... tsk, pero noong dumating ka. He even la-"

"Vennise! Out!"

Pareho kaming napalingon kay Jacobi nang magsalita siya. Vennise smirked.

"Oh I'm so sorry your highness." Bumaling siya sa akin at bumulong. "Look, Sinadya kong marinig niya." aniya bago ako kinindatan.

Tumayo si Vennise at lumapit kay Jacobi.

"Pakisabi na lang kay Colt hihintayin ko siya labas." And with her vampire speed she's gone.

Asar itong si Vennise eh.

Dahan-dahan akong bumaling kay Jacobi. His deep eyes look at me intently. His frame. His face. Screams fatal. Tumikhim ako at inabala ang sarili sa kape.

"Colt lumayas ka na rin dito. Magsama kayo ng tao mo." Narinig kong sinabi niya. I heard Colts laugh and the thud of the door.

Tao mo. Napangiti ako sa katagang iyon. Vennise was turned right?

Narinig ko ang mga yabag niya papunta sa akin. Tumuwid ako ng pagkaka-upo at bumilis ang tibok ng aking puso, hindi ko alam kung bakit.

"Are you bored?" he asked.

"H-Hindi ayos lang."

"Sumama ka sa amin mamaya nila Colt maglalaro kami." And with that, he left.

Ano kayang lalaruin nila? Pabilisang tumakbo? Masaya yun.

Inaantok na ako..

Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa mesa at narinig ko ang pagtama ng bracelet rito. Tinignan ko ang bracelet na nakasuot sa akin. Bakit hindi ko ito naisipang alisin noong una pa lamang? Galit ako sa kanya noong sinira niya ang bigay ni Mama. Inalagaan ko iyon ng ilang taon at sa isang iglap ay pinigtas lang ito ng isang estrangherong lalaki. Bampirang lalaki.

Bloody Thirst [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon