Hug
"May problema ba sa school?" tanong sa akin ni mama habang kumakain kami ng almusal.
"Wala naman Ma."
I lied. Always.
"Kung merong problema Elly sabihin mo sa akin. I will always be here."
Ngumiti ako sa kanya at tumango. My mother is always be my everything.
"Ingat ka." she kissed my forehead and I waved my goodbye.
Tumalikod ako sa kanya at inayos ang bag. Naglakad ako palayo.
Ano nanaman kayang pambu-bully ang gagawin sa akin nila Marga. Tapos na dalawang araw kong paglilinis. Sana wala ng kasunod iyon.
Narinig ko ang tunog ng bell hudyat na magsisimula na ang klase. Ang iba ay tumakbo dahil siguro male-late na. Pero karamihan ay walang pakialam. They are talking to their friends, siguro ay yung mga kaibigan nilang hindi nila kaklase.
Ang eskwelahang ito ay karamihan para sa mayayaman. This school is exclusive. Makikita mo palang sa malayo. Ang mga estudyante ay hatid sundo ng kani kanilang kotse. Pati rin ang mismong estudyante, mukhang alagang alaga sila.
Binuksan ko ang locker ko. Yes isa ako sa estudyanteng hindi sumusunod sa bell na yan. Marami pa ngang tao sa corridor na 'to.
Isang papel ang nahulog galing dito at agad ko namang pinulot. It's a note.
"Ready for today Elly?"
Walang iba kundi si Marga ito. Ibinalik ko sa locker ang note at kumuha ng libro, agad ko itong isinara at pumunta ng klase.
Late nanaman ang aming Science teacher kaya nagsisidaldalan ang mga kaklase ko. Isinandal ko ang aking likod sa upuan at bumuntong hininga.
"Elly!" Marga again. Hindi ako tumingin.
Nang nasa harapan ko na siya ay saka ko lamang siya tinignan.
"Wala naman atang klase. Sumama ka sa amin." In her friendly fake tone.
Umupo siya sa mesa ko, she gave me a chilling gaze.
"Sumama ka sa amin." Ngayon wala na ang pakikipag kaibigan sa tono niya. Inuutusan na niya ako ngayon.
Tumayo siya at lumabas. Kasama ang mga kaibigan niya.
Ilang minuto pa ako sa upuan ko bago nagpasyang sumama sa kanila.
Katulad ng dati sa likod lang ng school. Tinatanong mo siguro kung bakit ako sunod sunuran sa kanila. Well sabihin nalang natin na kapag hindi ako susunod maki-kick out na ako. Ilang buwan na lang matatapos na rin ako rito. Just Endure Elly. Konting tiis na lang.
"Girls nandyan na ang laruan natin." Fiona said.
Marga look at me and smiled widely. Napatingin ako sa hawak niya. Malaking bote iyon ng alamang.
"Time to play Elly."
Napatulala ako sa pinapanuod kong cartoons. Si Jacobi ay nagluluto. You see. I've grown. Lahat naman nakaranas ng pambubuy. Am I too weak? OA ba ako? Pero tingin ko, kahit sinong nasa posisyon ko noong araw na yun ay hindi malilimutan ang pagbuhos ng alamang sa uniporme at buhok.
Kung ano man ang nakaraan ko tapos na yun. Might focus on the future right? With vampires...
Yeah with vampires...
"Jacobi..." I whispered. I'm not sure if he heard it. He's vampire and yeah! In a blink of eye he's infront of me.
I'm proud of myself. Hindi ako nagulat o siguro inexpect ko na.
BINABASA MO ANG
Bloody Thirst [Completed]
Vampire"The blackhole is not scary as what you think. His kind of blackhole is I want to fell for." Elly an ordinary girl who has a dark past meets the king of darkness. Filipino story. Jacobi and Elly Warning: Matured Content. Read at your own risk.