Not mine
They told me he changed. Anong nangyari sa kanya?
"Actually Elly kailangan mo ng sumama sa amin,"
"G-Ganon ba? Ngayon na talaga?"
Sabay na tumango si Colt at Vennise. Bumuntong hininga ako. I'm going to hurt him. For his sake. Again! Pilit kong isinisiksik sa isip ko na para sa kanya rin lang naman ito kaya sasama na lang ako sa kanila. I'm worried about it.
"Magpapa-alam lang ako."
"Yeah sure!"
Tumayo ako at pumuntang opisina. Nakita ko si Rica.
"Rica!" tawag ko.
Lumingon siya sa akin at lumapit.
"Bakit po Ma'am. Ayos na po ba yung dalawang customer?"
"Ah oo, may sasabihin lang sana ako. Mawawala ako ng..."
Ilang araw ba? Linggo? Sa tingin ko, sa tingin ko lang naman. Magtatagal ako ro'n.
"Ilang linggo, may aasikasuhin ako. Pasensya na kung biglaan, importante kasi."
Nagulat si Rica sa sinabi ko.
"Pwede bang ikaw na muna mag-handle nitong resto?"
"G-Ganoon po ba Ma'am? S-Sige po,"
Meron pa kayang oras kung magpapaalam ako sa iba? Sa tingin ko matatagalan ako roon.
"Pakisabi na rin sa kanila na mawawala ako ah,"
"S-Sige po Ma'am."
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Naglakad ako papuntang opisina at kinuha ang gamit ko. Tatawagan ko pa si Adam. Binuksan ko ang phone ko at tinawagan siya. Nagriring naman ngunit hindi niya sinasagot. Makalipas pa ang ilang sandali ay naiinip na ako kaya naman nabuhay ako nang sinagot na niya ito.
"Adam!"
"Hello, this is not Adam." isang babae ang sumagot sa kabilang linya. Her voice were hoarse. Nanindig ang balahibo ko.
"Uhm.. nasa'n siya pwede ko ba siyang maka-usap?"
"He's sleeping beside me." Pumikit ako ng mariin. Something about her voice made me think worldy things.
"Ah O sige pakisabi na lang na tumawag ako." Mabilis kong pinatay at iniligay sa bag ang cellphone ko. Hinilot ko ang sentido ko. Iba talaga. May aasikasuhin huh? ADAAMM!!
Dumiretso ako kina Colt. Nakita ko silang nagkwekwentuhan.
"Tara na?" tanong ni Colt nang makita ako.
"Uhm magdadala pa ba ako ng damit ko?" Hindi naman sa nag-aasume na matagal ako roon but incase lang naman.
"Tingin ko Ven kailangan niyang magdala ng damit."
"A duffel bag will do." Vennise rolled her eyes.
"Magtatagal siya do'n!"
"Well as if! Aalis siya agad pag nalaman niya ang ugali ni Cobi!"
Patuloy sa pag debate ang dalawa. Vennise seems bitter to Jacobi. Ano ba talagang nangyari sa kanya?
"Colt magtetestify lang siya! Sasabihin niyang wala naman talaga silang relasyon then shoot, tapos na!"
"Magtatagal yon ng ilang araw! And who knows baka.."
"Baka mapa-amo niya ang haring yon? Oh God! He changed!"
Tumayo si Vennise at patuloy na pinupunto ang sasabihin.
"Then let's do the bet again!"
Natahimik si Vennise sa sinabi ni Colt. Tumayo si Colt at humalukipkip, nakangisi.
BINABASA MO ANG
Bloody Thirst [Completed]
Vampire"The blackhole is not scary as what you think. His kind of blackhole is I want to fell for." Elly an ordinary girl who has a dark past meets the king of darkness. Filipino story. Jacobi and Elly Warning: Matured Content. Read at your own risk.