My weird sister-in-law and her bestfriend 10: Umbra populo
Wag nyong pansinin yang umbro umbro na yan hahaha sila nakaisip nyan.
Kevin ulet to hahaha.
Sinabihan ako ni Kiel sabihan sila Cas na magpuntang manila pagkatapos ng pasko. May passes kasi sya para mmff, sais lang babayaran namin, movie marathon mga brad. Si Dean hindi sumama, nasa manila rin sya nun pero nasa kanila, bonding sa mga anak nya. Si Cas hindi din, pati yung iba hindi din makapunta. Kami lang ni Sam, Carl at Balthazar yung nakasama.
Una, ayaw pa ng papa ni Kiel na dun kami sa kanila. Kasi puro kami lalaki tapos si Kiel babae. Utak ng mga magulang e no hahaha de jk. Buti na lang dumating yung panganay na kuya ni Kiel, si Kuya Benny, kasama nya yung gelpren nya. Pero alam ko rin na papayag yun kahit hindi dumating kuya nya, kasi sabi rin ni Kiel.
Isa kwarto sa baba, dalawa sa taas. Ang usapan, dun kami nila Sam sa bakanteng kwarto. Si Kiel, sumisiksik sa kama ng kuya nya hahaha. Kaya yung mag syota sa sahig. Sa baba kwarto ng magulang nila. Pero di gaanong nagagamit kasi madalas wala mama at papa nya.
December 27, birthday ni Kiel. Unang beses kaming gumala. Match money syempre ilan nagbigay sa kanya, bunso pa naman, parang ako hahaha. Swerte nya galante mga kuya nya. Nagluto muna ng palabok, kain kain kwento kwento. Pagkatapos tanghalian, umalis papa at mama nya, sa barracks daw matutulog.
Si Kiel naman nagpaalam sa kuya nya na aalis kami. Hulaan nyo san kami nagpunta? Sm -----a, nood daw kami, treat nya. Kaya malakas loob na manlibre kasi sais lang yung bayad kasi may passes. Akala namin ang haba ng pila. Nagulat kami, walang gaanong tao. Si Sam tapos Balthazar bumili ng makakain. Pagbalik nila sa taas, tawa kami ng tawa nila Kiel, andaming biniling pagkain. Picnic hahaha. Tapos nagsisi kami bat pa kami bumili, may nagbibigay ng libreng martys hahaha tig dalawa pa binigay samin, kinindatan kasi ni Sam yung nagdidistribute.
Pagpasok sa loob, ang dilim, malamang. Tapos ang onti ng tao, hindi napuno yung mga upuan. Wala sa bandang harap. Seklusyon pinanood namin. Nasa pinaka taas kami, nasa gitna na ng pelikula nung parang lalong lumamig. Naka jacket na ko nun, pati si Carl napansin. Pinakalabit ko si Sam. Tapos sinindi nya cp nya sa tapat ng nukha nya. Muntik na kong mapasigaw nun, kasi nandun na sa part na may lumabas na maitim na bata sa ilalim ng kama, ay kennat.
'Wag nyo na kasing pansinin. Ang pogi pogi ni Miguel di ako maka concentrate' Durog na durog na ang puso ni Sam sa sinabi ni Kiel hahaha.
Hinayaan na nga namin. Ako yung nasa dulo, may apat pang upuan na hindi naupuan sa gilid ko. Tapos may umupo, di ko pinansin, madilim kasi. Maya maya si Carl parang nasisilihan tumbong, hindi mapakali.
'Brad brad brad lipat tayo' Sabi nya.
'Bakit?'
'Gilid brad. Sa gilid mo'
Pagtingin ko sa gilid napasigaw ako. Yung umupo sa gilid ko nakaharap sakin tapos pula yung mata. Ay kennat. Buti na lang nasakto pagsigaw ko sumigaw din mga tao pati sila Sam. Kasi yung rebulto sa kwarto ni Miguel gumalaw. Napakandong ako kay Kiel ng wala sa oras. Si Carl naman hindi gumagalaw. Andun pa rin yung pulang mata. Tapos si Balthazar nakita rin nya, sa takot nya siguro binato nya ng piattos hindi pa bawas, sayang. Yun nawala. Pero lumipat na kami ng upuan ni Carl. Si Sam lumipat dun sa nabakanteng upuan ni Carl, katabi ni Kiel, hokage diba? Hindi man ganun nakakatakot yung seklusyon, muntikan na kong matae sa takot dahil sa nangyari. Binangungot nga ko buti nalaglag paa ko sa kama nagising ako.
December 28, sinundo namin si Dean kasama din namin nun yung boypren ni Kiel, double kill sam. Pinilit namin syang sumama. Dati pa rin. Sunod naming pinanood, babae sa septic tank. Laptrip. Pero dahil natrauma ako sa nangyari nung una, nung naiihi ako inaya ko si Balthazar. Wala namang nangyari sa cr. Pero nung pabalik na kami sa upuan namin, katulad ng dati ang onti ng tao. Nasa tuktok kami ulit. Nauna na si Baltazar kasi napatigil ako sa bandang gitna, yung hanay ng upuan malapit sa hagdan. May lalaki, matangkad na nakatingin dun sa babae. Madilim kaya kitang kita ko na pula yung mata nung lalaki. Tapos dahan dahan lumingon sya sakin. Takbo ako agad. Sinabi ko kay Kiel. Hayaan ko na daw muna. Nood lang muna kami.
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)