NSNMMM?

57 0 0
                                    

Ordinaryong buhay, ekstraordinaryong mga tao II

Alam ni James yung mga nakikita ni Eyah. Pero para sakanya, dahil lang sa bata pa at malakas pa ang imagination. Gusto ko sanang isipin na ganun, kaya lang madalas natatakot o namamangha ako sakanya.
Ako ng naghahatid sundo sakanya, kasama ng mga pinsan nya sa school. Para na rin hindi mahirapan si nanay, maaga kasing umaalis si James.

Grade 1 si Eyah. Katabi ko ang mga iba pang magulang sa waiting area. Kitang-kita ko sila sa bintana. Kaya napatayo ako nung makitang nasa may harap sya may tinuturo. Pilit syang nilalapitan ng teacher nya pero bigla na lang syang lumabas, umiiyak. Sinalubong ko sya. Niyakap. Nanginginig sya.

"Bakit be?"

"Mama" Naka ac ang kwarto nila pero grabe ang pawis nya.

"Dito na si mama. Bakit?"

Lumingon sya. Sakto namang nasa harap na namin teacher nya. Yumakap sya sakin, sinubsob ang mukha sa balikat ko. "Si Teacher, Mama"

Umiling teacher nya. Alam ko namang walang ginawa sakanya. Pero kung anong kinakatakot ng bata, misteryo pa sakin. Pinayagan akong magstay sa tabi nya para lang pumasok sya. Nang mag uwian at hinihintay yung isang kapatid ni James para sunduin kami, yung nagtitinda ng scramble lumapit samin. Binigyan nya silang tig-iisang baso.

"Wag" Bigla kong kinuha yung hawak ni Eyah. Nung ibabalik ko na sana, nagulat ako kasi kilala ko yung bumibili ng scramble. Papa nila George. Nakahawak sakanya yung dalawang anak ni Kuya Fonso. Hindi ko namalayang nakuha na ulit sakin ni Eyah yung baso.

"Mama bless ka kay tito mo"

Yung manong scramble biglang natawa. Yung isa sa anak ni Kuya Fonso, lumapit kay Tristan, pamangkin ni James, nagbye sya. Biglang napatingin sakin yung papa nila George.

"Akala ko kanina ikaw yung bunso ko. Kaso naisip ko hindi naman sya marunong magtali ng buhok" Nung ngumiti sya, para syang si George. Tinulak ako bigla ni Eyah. Ewan ko kung bakit ako nagmano.

"K-kaibigan po ako nila George"

Gusto kong maiyak nung pinat nya ko sa ulo. Kaya nung dumating si Jervy, pinauna ko na sila. Ayokong makita nyang umiiyak ako dahil lang sa pinat ako ng tito ko sa ulo. Dumiretso ako kila Boss. Sinabi ko sakanya lahat.

"Andyan pala sya"

"Sabi ni George dito na sila. Hindi ko lang alam na kaschoolmate nila Eyah sila Porens"

"Tara. Pakikilala kita"

"Boss baka nandun sila George"

"Sira nasa trabaho mga yun. Si Fonso nasa pwesto"

Hinila nya ko. Para akong aatakihin sa puso nung nasa sasakyan na kami. Tinatawanan ako ni Gino at Minerva. Nagulat ako nung kilala sya. Hindi ko gaanong marinig yung pinaguusapan nila, mas naka concentrate kasi ako sa puso ko.

"Pen, ipapasyal mo bata kila Mar diba? Hayo na kayo" Mar? Pangalan yun ng tatay ko.

Pagkaalis nag iba yung tingin nya kay Boss. "Nagbabagong buhay ka na ba talaga ka eli?"

"Oo naman tap. Kasama ko na anak ko. Pero hindi yan pinunta ko rito. Etong si An----"

"Wag mong sasabihing anak ko"

Tumawa si Boss. Taena naman. "Anak ni Mar, Tap"

Natahimik bigla. Yung mga tunog lang ng sasakyan sa highway yung maririnig. Tinitigan akong maigi ni Tap. Omg pwede ko ba munang icheck kung may muta ako?

"Maputi, matangkad, makapal kilay. Yung isang ngipin mejo nakangat sa isa. Salvacion'ng salvacion"

Gusto kong kaltukan si Boss. Pinapahalata nyang lagi nya kong tinititigan. Charot.

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon