SANGUINE VAMPIRE 6.1 (The Truth Behind The Fangs)
It was June 2014 (Can't remember the exact date) when my friend Chris invited me to come on his birthday party. I decided to come since we were close friends. Lahat ng friends namin nag attend sa party ni Chris, ok naman ang lahat at masaya. But after the party Chris asked me if pwede ako sumama sakanya to meet his friend sa isang pub. Pumayag ako pero tatlo kami, kasama ko ung kaibigan ko si Trish pero hindi kami pumasok sa loob. Medyo tipsy kami dahil uminom din kami sa party ni Chris pero pinilit kami ni Chris na pumasok at wag na maghintay sa kotse kaya sumama na kami sa loob. Pero napansin ko ung kakaibang titig sa amin ng mga tao dun lalo na ung lalaki na nasa may bar counter. He is wearing a black leather jacket, grey beanie and denim jeans. When our eyes met I felt a bit nervous lalo na nung nag half smile siya. Gusto ko na sana umuwi kasi natatakot na ako pero sabi ni Chris 15 minutes lang daw kami dun.
May nilakaran kaming hallway pero feeling ko may nakasunod sa amin kaya I decided na lumingon and there I saw the guy wearing a black leather jacket. Magkakasunod kaming naglalakad dahil medyo makitid ung hallway nauuna si Chris, kasunod niya si Trish at sa huli ako. Tinutulak ko na si Trish nun para bilisan niya maglakad, ung lalaki kasi nasa likod ko na pero instead na bumilis ung paglalakad ko parang may humihila sa binti ko dahil hirap ako humakbang. Hanggang sa 6 ft na ung layo ni Trish sakin. Nakapasok na sila sa isang room kung saan nandoon ung kaibigan ni Chris pero ako halos hindi ko maabot ung doorknob. Tinatawag ko sila Trish para balikan nila ako sa labas pero hindi nila ako naririnig dahil na rin sa ingay sa loob ng pub. Alam ko na may tao sa likod ko kaya ako lumingon. Nakatayo siya 10 ft away from me at naka half smile. Kahit anong pilit ko na paghakbang hindi ako umaalis sa pwesto ko.
Nung naglakad siya papunta sakin biglang bumukas ung pinto at lumabas si Trish. Tinanong niya ako kung bakit ang tagal ko but I haven't said anything. Basta lang pumasok ako sa room at hinanap si Chris para sabihin na mauuna na ako umuwi. Ayoko na magstay ng matagal at baka makita ko ung lalaki. Dahil feeling ko may gagawin siya sakin which is tama ako dahil nung nagpunta ako mag isa sa CR nakita ko ulit siya. Walang ibang tao sa CR kundi siya at ako. Since canadian siya I asked him what does he want from me pero hindi siya nagsalita. Lumapit lang siya sakin at hinawakan ung mukha ko. Natitigan ko ung mata niya pati ung kwintas nya na made of black braided cord rope na may pendant na ""Alex"". Nanginginig ako that time lalo na nung ibend nya ung leeg ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko siya mahawakan dahil may something na nagtutulak sakin sa pader. Hanggang sa nagdilim na ung paningin ko at hindi ko na siya makita. Naramdaman ko nalang na parang may tumusok sa leeg ko, un na ung huli kong natandaan because when I woke up I'm already lying in a hospital bed.
(Cyrus is in Victoria, CA to meet my dad)
Jia Alonzo
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Terrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)