ICE

71 0 0
                                    

HAWA

I do not own this story, this was only narrated to me by a close friend named Nic.

This happened in the early 2000’s, we are from Puerto Princesa City, sa city proper but the story took place in one of the rural areas. He was in the first grade when it happened, so here it goes.

Early 2000’s nawalan ng trabaho ang papa niya kaya umuwi siya sa bukid nila kung saan naiwan ang family niya. To support the family, humanap ng mapapasukang trabaho ang mama niya, nakakita naman, nakapasok siya bilang maglalako ng paninda sa mga maliliit na tindahan (e.i., yema, paminta, tawas etc.). Sa trabaho na yun, may nakasama siyang babae, a bit timid at magsasalita lang kapag may tinanong ka. One time, naabutan sila ng tanghali sa paglalako para maubos ang mga tinda. His mom decided to go home pero niyaya siya ng kasama niya na dumaan muna sa bahay nila para makakain muna since malayo pa ang uuwian niya. She refused but the girl insisted, nahiya na siyang tumanggi so pumayag na lang siya.

Medyo malayo pa rin yung bahay ng kasama niya, sumakay sila ng bus then pagbaba, umakyat pa ng bundok, mga 30 minutes na lakaran (still, mas malayo pa rin ang bahay nila Nic). Compound yung tinitirhan ng kasama niya at yung mga tao doon walang mga damit pantaas ang mga lalaki at kakaiba tumingin, parang nanunuri. Naghain yung nanay ng babae, paksiw na isda na may malapot na sabaw. Hindi gusto ng mama ni Nic yung ulam dahil tingin pa lang, kakaiba na sa sikmura. But still kumain siya ng kauniti dahil nga nakakahiya naman. Everything went well at nakauwi naman siya ng buhay.

Nung dumating ang gabi, sumakit ang sikmura ng mama niya, nawala naman at nakatulog na sila. Pero around midnight nagising sila dahil nagsleep walk yung mama niya, gusto lumabas ng pinto, pinipigilan ng papa niya. Sa labas ng bahay naman nila parang may mga taong naglalakad at sa silong (kubo pa ang bahay nila that time) may baboy. Ilang gabing ganoon ang mama nila at nakita nilang magkakapatid yun dahil sa iisang kwarto lang sila natutulog kasama parents niya. Tuwing nangyayari yun, sumisigaw ang papa niya sa kung sinumang nasa labas ng bahay nila na tigilan na sila.

After ilang days, nakahanap sila ng albularyo, dinala doon ang mama niya. At ayon nga sa albularyo, inaaswang siya, may ipinakain raw sa kanya at galing sa pagkain na yun, may namuong ‘something’ sa loob ng sikmura niya. Kaya parang may mga tao sa labas ng bahay nila kasi kinukuha na mama niya nung nanghawa sa kaniya. Kung di naagapan, magiging kauri na niya ang mga yun by the time na mabuo ng tuluyan yung nasa sikmura niya.
Noong nagamot yung mama niya, isinuka niya yung ‘something’ at sabi ni Nic, mukha raw tuko.

Kaya kayo, h’wag kain ng kain kung saan saan lalo’t di nyo nakita kung paano ginawa.

ICE

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon