Yamada-kun and the Seven Witches
Sa pamilya ko, ako na lang yata at si papa ang maituturing na normal. Nanggaling si mama sa angkan ng mga witch, hindi yung kagaya nila Harry at Hermione ah na uma-avada kedavra. Literal nangkukulam. Yung kayang magdala ng sakit sa host or worst ay death. Pero hindi nakuha ni mama yung tinatawag na ""karunungan"". Hindi ko alam kung sinadya niya or talagang nabigo siya. Pero noon meron siyang kakayahang sa pagtatawas e wala siyang kakayahang mag inflict ng pain sa tao. Kaya, kaming mga anak niya ang parang naging kapalit. Walo kaming magkakapatid, pang-lima ako. Nakuha namin yung tinatawag na ""karunungan"" nung isa isa kaming tumuntong sa ikalimang taong gulang sa pamamagitan ng paghiwalay ng spirit namin sa katawan. Wala namang ibang naging espesyal sa akin bukod sa nagbukas ang third eye ko. Kaya yung sa mga kapatid ko na lang ang ishashare ko.
Si ate Rowena yung panganay sa amin e mayroong tinatawag na krus sa dila. Yun yung kapag nagsabi ka ng isang bagay sa isang tao e mangyayari. Nakakatuwa lalo na kapag sinasabi niyang makakapasa ako sa exams ko. Pero nakakatakot din. Isang beses nahuli niyang nambababae yung boyfriend niya, lalo siyang nagalit nung nalaman niyang tropa rin nila yung babae. Siguro mga tatlong araw yung babae dinugo yung *** *** kaya sinugod sa ospital. Kaya naman ni ate kontrolin yung kakayahan niya pero kapag saturated ang emosyon niya wala kang magagawa. Isang beses pa nga may nanghipo sa kaniya sa jeep sabay takbo pababa, kasama niya ako nun e. In one blink yung lalaki nabunggo ng tricycle. Ewan ko lang kung ano ng lagay.
Si ate Maricel naman yung kasunod niya. Siya yung pinaka introvert sa amin e. Masikreto ganern. Palakaibigan siya sa mga hindi nakikita. Pero walang ligtas sa mga mata ko ang kaibigan niya. Meron siyang kaibigang itim na duwende. Dalawa kasi ang klase ng duwende, yung puti pero hindi literal na puti, kaya puti kasi maaliwalas ang itsura nila at hindi nakakatakot. At yung itim na literal na itim lol hindi ako racist, srly itim talaga, maliban na lang sa mga mata at kapag nakangiti ito. So yun nga may kaibigan siyang itim na duwende na pangalan ay Tim. Siya lang nagbigay ng pangalan. Etong si Tim yung nagtatago ng mga gamit gamit sa bahay lalo na kapag nagtatalo noon si Mama at ate Maricel. Isang beses na rin daw nakita dati ni mama si Tim. Sabi niya nakakatakot daw maging mangkukulam si ate Maricel kasi pwedeng pwede niya ""Itali"" ang kaluluwa ng sinuman sa itim na duwende. Pero sa totoo lang dahil kay Tim sabi ni mama suwerte daw ang bahay.
Si Era. Pandak to e. Mas matanda to sakin pero mas matangkad ako hahaha kaya di ko siya tinatawag na Ate e. Joke, yan nagpapaaral sa akin XD May kakayahan si Era sa pagkilatis ng tao sa hindi tao without the traditional way. Diba ang palatandaan natin sa totoong tao ay yung palalim sa itaas ng upper lip o kaya ay diretso tayo sa mata ng kausap natin at yung masalimuot na paraan ay pagtuwad para makita yung totoong itsura ng aswang. Para kay Era may espesyal na hangin na umiihip sa isang nilalang na nagbabalatkayong tao. 2013 umuwi kami sa Romblon, kasama yung boyfriend niya. Tumawid pa kami sa kabilang isla nun e para makapunta sa venue ng kasal. Si kuya Carlo Bf ni Era) e may kausap na magandang babae sa labas ng simbahan. Iba yung ganda promise, pati ako parang namamagnet dun sa babaeng kausap ni Kuya. Tapos eto bigla nakita ko si Era kumakaripas ng takbo malamang di hamak na mas maganda sa kanya yung chix. Bigla ba naman binuhusan ng tubig yung babae. Nagalit si kuya Carlo sa inasal ni Era, pero etong babae bigla na lang nawala. Wala namang alam si Kuya Carlo sa ability ni Era.
Pag-uwi namin malamang namangka ulit, yung mga kasama namin napagkasunduan na mangisda kasi bigla na lang dumami yung isdang natatanaw namin sa dinadaanan namin. So tumigil kami sa gitna ng dagat. Payapa naman yung alon tapos yun naghagis sila ng lambat. Tapos naghantay. Maya maya parang may mga isdang malalaking bumabangga sa ilalim ng bangka, yung lakas enough na mapagalaw yung bangka, e yung sinasakyan namin kayang magdala ng sampung tao. So pagtapos inangat yung lambat. Pagka-angat wala ni isang isdang nakuha. TYung lambat buhol buhol, as in binuhol buhol. Maya maya yung alon parang nag-iiba. Diba kapag sa dagat nagbobounce ang tubig, pero nung oras na yon nagmistulang ilog dahil biglang nagkaroon ng direksyon yung tubig. Ang ginawa nila pinagpatuloy nila yung direksyon na alam nila papunta sa isla na pinanggalingan namin. Nakakamangha lang kasi ang direksyon namin ay opposite doon sa flow nung tubig. Parang illussion. Sabi ni Era, sirena daw ang may gawa non.
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)