Cyrus

87 0 0
                                    

SANGUINE VAMPIRE "2015"

Hello po admin silent reader po ako pero sana mapost to dito ko na po sinend kasi naka disable na yung google forms nyo.

Nabasa ko po kasi yung isang confession dito about sa vampire kaya i decided na ishare din yung story ko.

Year 2015, 3rd yr college ako nun pang hapon yung schedule ng pasok ko kasi may trabaho ako sa umaga. Biyernes nun siguro mga 7:30 na ng gabi pero nasa campus pa ko hinahanap ko kasi nun yung mga kagroup ko sa report na inassign samin kaso nag uwian na yata sila kaya dumiretso nalang muna ako sa may CR ng lalaki kasi naiihi na talaga ako. Tapos sakto pa na mag isa lang ako sa CR, oo lalaki ako pero aaminin ko minsan talaga natatakot din ako. So ayun na nga pagtapos ko umihi lumabas na ko kaso nung nasa hagdan na ko pababa ng 4th floor may nakasalubong akong babae na ewan ang weird ng hitsura nya yung tipong ang pale ng kulay nya tapos black na black pa yung buhok nya. Nagkatitigan pa nga kami pero may something sakanya na kakaiba kasi hindi ko maiiwas yung paningin ko para akong namamagnet tapos yung way pa ng pagtitig nya sakin parang binabasa nya yung isip ko. Pinagpapawisan ako nun para akong nahihypnotize pero sya seryoso lang na nakatingin sakin. Tinanong nya ko kung bakit ako natatakot pero sinabi ko "Hindi ako natatakot sayo" tapos sabi nya "Natatakot ka sakin alam ko yun. Nababasa ko" tinapik nya yung mukha ko tapos naglakad na sya. Pero alam nyo yung pakiramdam na mas lalo akong kinilabutan kasi sobrang lamig nya para syang bangkay na ewan. Sinubukan ko lumingon pero hindi ko na sya nakita. Nagtaka pa nga ako kasi bakit parang ambilis nya ata maglakad. Dinedma ko nalang yun hanggang sa makauwi ako. Pero sa araw araw na ginawa ng diyos palagi kami pinagtatagpo tuwing gabi. Yung tipong kapag ako nalang yung mag isa na uuwi bigla syang susulpot. Walang pagbabago sakanya, ganun pa rin yung hitsura nya. Ang pale ng balat tapos sobrang lamig ng katawan nya. Naging magkaibigan kami after 2 weeks. Sya daw si Jia transferee sa school namin galing sya ng Canada pero pinauwi sya ng mommy nya dito sa Pilipinas tinanong ko kung bakit pero ayaw nyang sabihin. Napansin ko rin na may peklat sya sa bandang leeg gusto ko itanong kung napano yun pero baka magalit sya. Kapag minsan inaaya ko syang pumunta sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko para ayain kumain madalas hindi sya pumapayag kapag tinatanong ko kung bakit ang rason nya lang palagi masakit daw sa balat yung araw lalo na kapag tanghali. Biniro ko pa nga sya nun na "Edi mag jacket at pants ka" pero hindi talaga sya pumayag. Ayaw nya daw kasi na lumalabas ng umaga o di kaya tanghali, sa gabi lang daw sya nag eenjoy kasi masarap daw sa pakiramdam hindi daw sya nasasaktan. Naguguluhan na ko sakanya minsan napapaisip ko kung may tinatago ba sya baka kasi meron syang ayaw sabihin. Tapos nung nag reunion kaming magkakabarkada inaya ko sya nun para ipakilala na rin sa mga kaibigan ko, sumama naman sya pero nung malapit na kami sa condo ayaw nya ng tumuloy tinanong ko kung bakit sabi nya may naaamoy daw sya ayaw nya daw maakit sabi ko "ano yun" tapos sagot nya lang "basta" then siguro after 5 minutes nagtext yung isang kaibigan ko na nasa condo na daw sya ni Mark pero injured daw sya kasi naaksidente sya sa motor. Iniwan ko muna sa may labas si Jia para pumasok sa condo nadatnan ko dun yung kaibigan ko na nakaupo sa sofa at ginagamot yung mga sugat nya puro din dugo yung mga bulak na nagkalat sa may sahig. Tinanong ko yung kaibigan ko kung bakit sya naaksidente sabi nya madulas daw kasi yung kalsada kasi umulan nun. Sabi ko lang "Ah kaya pala" tapos lumabas na ko agad ng condo para balikan si Jia pero wala na sya dun. Wala rin naman syang cellphone kaya hindi ko sya matetext. Kami nalang ng mga kaibigan ko yung nagcelebrate nag inuman kami, kantahan, kainan pero di maalis sa isip ko si Jia. Kinabukasan bandang 7pm sa may school lobby may estudyanteng umiiyak kasi daw nawawala yung aso nya. Yung tali nalang yung hawak hawak nya. Nandun na rin yung mga guard at ibang estudyante para maki usyoso. Yung aso nya daw kasi iniwan nya lang saglit sa may tapat ng CR tapos paglabas nya wala na daw. Hindi na ko nakiepal dun pumunta nalang ako ng covered court para isoli sa isang estudyante na assistant ng professor yung mga bola na ginamit namin sa P.E pero pagpunta ko dun madilim na rin at wala ng tao. Nilagay ko nalang dun sa pinaka bodega na malapit sa court yung mga bola pero may narinig akong kakaiba sa may likod ng bodega para kasing may tao kaya sumilip ako dun. May nakita akong babae na nakaupo bale nakatalikod sya sakin. Sabi ko pa nga "Miss anong ginagawa mo jan? Madilim na dito ah?" Hindi sya lumingon pero tumigil sya sa ginagawa nya. Ilang segundo rin syang nakahinto tapos nung lumingon sya halos bumaligtad yung sikmura ko kasi may hawak syang hindi ko malaman kung karne ba yun tapos puro dugo yung uniform nya. Hindi ko pa sya makikilala kung hindi nya binanggit yung pangalan ko. "Cyrus pasensya na hindi ko na mapigilan nauuhaw na ko" binitawan nya yung karne tapos yumakap sya sakin kaya namantsahan na rin ng dugo yung damit ko. Ayoko sana syang hawakan kasi natatakot ako sakanya. Pero umiyak sya at nagmamakaawa pa sya na wag ko daw sasabihin sa iba yung nakita ko nagtitiwala daw sya sakin. Pinunasan ko yung mukha nya na puro dugo napansin ko rin yung mahaba nyang ngipin. Unang pumasok sa isip ko aswang si Jia kasi hindi naman yun gagawin ng normal na tao. Pero hindi ko hinayaang matapos yung araw na yun na wala akong naririnig na paliwanag galing sakanya. Inamin nya naman sakin lahat ng sikretong tinatago nya. Since naaktuhan ko naman na daw sya sa ganung sitwasyon hindi na daw sya maglilihim sakin. Pinabalik sya ng mommy nya dito sa Pilipinas kasi natatakot daw ito na may biktimahin sya sa Canada. Nung una gulong gulo ako hindi ko alam kung anong klaseng tao ba sya. Sabi nya kasama nya daw yung mga foreigner nyang kaibigan nung mga panahon na nagpunta sila sa bar at nameet nya si Alex. Tinanong ko kung sino yung Alex pero ayaw nyang sabihin. Yun daw yung dahilan ng pagiging sanguine nya. Napasahan daw kasi sya ng dugo ng lalakeng yun pagtapos nito kagatin sya sa leeg. Nahilo daw sya nun at nawalan ng malay. Nung nalaman daw yun ng parents nya pinabalik sya agad dito. Pero sinabi nya naman na kahit kelan hindi pa sya nakakatikim ng dugo ng tao puro dugo lang daw ng hayop yung iniinom nya.

Marami pa kong nalaman tungkol sakanya pero hindi ko na maisshare sa inyo kailangan ko kasi puntahan si Jia ngayon alam kong matutuwa sya sa dala ko. Kaninang tanghali nagkaron ng handaan dito samin at nagkatay sila ng baboy pero syempre hiningi ko yung dugo.

Admin if ever na may humingi ng kumpletong pangalan ko pls lang wag mong ibigay isikreto mo nalang yung apelyido ko may possibility kasi na masearch nila ako sa instagram or twitter. Gumawa ako ng bagong account dito sa facebook bago ako mag confess sa page nyo kaya walang mga picture dito.

Sa mga kaibigan ko na nagbabasa dito sa Spookify mga brad wag na wag nyo kong itatag ah! Hahahaha sssshhh nalang tayo para sa safety ni Jia.

Salamat sa mga nagbasa!

Cyrus Quezon City

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon