Cyrus

32 0 0
                                    

SANGUINE VAMPIRE Part 3

Hello Spookify! Pasensya na kung hindi agad ako nakapag send ng confession sumama kasi pakiramdam ko pero nagbasa pa rin ako ng mga comment nyo. Yun nga lang nagka problema din kasi. Nung martes at exactly 2 pm nung nagtext sakin si Greg na may problema daw. Nagpunta sya sa condo ni Jia para magdala ng pagkain without knowing na sinundan sya ng girlfriend nya. Galit na galit e akala kasi nambababae si Greg. Di na rin kasi sya pinapansin ni Greg hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanilang dalawa. Tapos ayun nga naghinala na yung girlfriend nya na baka may bago na sya kaya sumunod sakanya. Buti nalang hindi pa sya nakakapasok sa unit ni Jia. Pagkatext nya sakin nun napasugod ako kaagad. Pero ok naman na nasolve na.

Balik tayo sa kwento.

April 2016 nung nagdecide yung mga kabarkada ko na mag outing kami kasi birthday din ng isa naming kaibigan. Syempre kami kami lang yun at bawal magsama ng iba pero sinama nila yung mga girlfriend nila. Nagdadalawang isip pa ako nun kung sasama ako o magpapa iwan nalang kasi iniisip ko si Jia. 3 days and 2 nights kami dun. Nag aalala ako kung paano kakain si Jia. Sinabihan ko na sila Mark, Gab at Greg na pass muna ako sabihin nalang nila na bibisita kami sa lola ko pero hindi pumayag yung kaibigan ko na may birthday magtatampo daw sya kapag hindi kami kumpleto. Nung kinagabihan nun kinausap ko si Jia, nagpaalam ako sakanya pumayag naman sya pinangakuan ko nalang na bibili nalang ako ng mga karne para incase na atakihin sya meron syang makakain. 8 pm ako pumunta sakanya pero until 4am hindi nya ako kinikibo naguguilty tuloy ako, parang ayoko umalis. Kahit hindi sya magsalita alam ko naman na ayaw nya talaga akong payagan nakikita ko naman kasi sa mukha nya. Umidlip nalang muna ako tapos ginising nya ako ng 5:30 am sabi nya umuwi na daw ako kasi mag aayos pa ako ng gamit ko at matutulog na rin daw sya. Bago ako umalis ng unit nya nilambing ko sya sinabi ko na babalik din naman ako umoo lang sya ok lang naman daw. Pero nung paalis na ko habang nagsusuot ako ng sapatos nakatingin lang sya sakin. Nagpaalam na ako nun. Pag uwi ko samin nag ayos na ako ng gamit ko kasi kinabukasan babyahe na kami gusto ko pa mag back out kasi ayoko naman talaga sumama. Di na rin ako nakatulog ng maayos. Sila Gab na yung bumili ng mga pagkain namin at alak na babaunin. Nung nasa Zambales na kami parang may bumubulong sakin na bumalik na ako ng Maynila. Di ako mapakali. Sila nag eenjoy pero ako nakasalampak lang ako sa may buhangin. Nung nag alas 7 nag kakayayaan ng mag inuman pero hindi ako uminom dinaan ko nalang sa kwento pulutan lang yung tinitira ko. Hindi ako komportable lalo na nung tumabi sakin yung pinsan ng girlfriend ng kaibigan ko na hindi ko malaman kung bakit kasama. Nakikipag ngitian sya sakin pero wala akong oras para dun. Inaaya nya ako uminom ng kami lang para daw may privacy pero hindi naman ako marupok para patulan sya alam ko kasi kung saan hahantong yun kapag nalasing ako. Kinukulit nya ako na mas mag eenjoy daw ako kung kami lang, naghihiyawan yung mga kabarkada namin. Tinutukso pa ako. Dapat nun sasama na ako pagbibigyan ko na sana pero lumapit sakin si Gab sabi nya hatid nya na daw ako pabalik ng Maynila. So bumiyahe kami nung gabi rin na yun at kay Jia na ako dumirekta.

Cyrus
Quezon City

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon