SANGUINE VAMPIRE Part 4
Hello spookify!
Salamat sa mga nagsesend ng message sa dummy account ko. Godbless din sa inyong lahat! Nakakatuwa lang kasi mahal nyo si Jia at sumusuporta kayo. Salamat ulit!
Habang nasa biyahe ako kinakabahan na ako nun. Hindi ko alam kung bakit kaya sabi ko kay Gab bilisan nya pagdadrive kasi nanginginig na ako sa sobrang kaba. Pinagpapawisan ako ng malamig at si Jia lang yung nasa isip ko. Nung nakarating kami ng Makati tumakbo kaagad ako papasok ng condo. Iniwan ko nalang din si Gab kasi si Jia lang talaga yung tumatakbo sa isip ko nun. Tapos nakita ko pa na may mga guard na nagpapanic. Nung nasa elevator ako pinapakinggan ko lang yung mga tao na nag uusap sabi nung isa, "Anong meron sa 15th floor bakit ang daming tao dun?" Kinabahan na naman ako kasi dun naka locate yung unit ni Jia. Nagtext din si Gab pinagmumura ako kasi iniwan ko daw sya, sa mga oras kasi na yun isang tao lang yung importante sakin. So ayun nga pagdating ko ng 15th floor hinanap ko yung unit ni Jia pero may mga guard na rin na naka stand by sa tapat nun tapos may mga nakiki usyoso. Tinext ko si Gab na bilisan nya umakyat dito sa floor para tulungan ako paalisin yung mga tao. Late na rin kasi at nakakaistorbo na yung ingay sa mga kalapit na unit ni Jia. Nung dumating si Gab sya na yung nagpaliwanag sa mga guard na kami na yung bahala sa problema. Nagsialisan naman sila pero sabi nung guard kung halimbawa daw na magka problema ireport nalang umoo nalang kami. Nung wala ng tao dun lang kami sabay na pumasok ni Gab sa unit ni Jia. Grabe sobrang kalat kung makikita nyo lang parang akala nyo ginera yung loob ng unit nya puro kalmot yung wall tapos yung mga frame basag basag sa sahig. Tinatawag ko yung pangalan nya para lumabas sya ayoko kasi yung hahanapin ko sya sa loob ng kwarto pano kung inaatake pala sya tapos bigla nya akong sunggaban. Siguro after 10 minutes bago sya lumabas ang sama ng tingin nya sakin. Nag silver na naman yung mata nya tapos humaba din yung fangs nya. Si Gab nakatayo lang sa likod ko parang wala din ata syang balak tulungan ako na pakalmahin si Jia kaya ako nalang ang dahan dahan na lumapit. Alam nyo yung parang sumusuko? Ganun yung hitsura ko habang lumalapit ako sa kanya nakataas yung dalawang kamay ko. Sabi ko "Jia si Cyrus to" pero lumalayo sya tapos inoopen nya yung bibig nya kaya mas lalo ko nakikita yung pangil nya. Nung mga oras na yun naisip ko agad baka naririnig nya o kaya nararamdaman nya yung mga nangyayari sakin habang nasa Zambales kami kaya siguro nagagalit sya. Nagpaliwanag ako sakanya nilinaw ko lahat. Kumalma naman sya pero ayaw nya kong pansinin. Unti unti na din nag bbrown yung mata nya. Pero habang naglalakad sya papasok ng kwarto nya naririnig ko na nagdadasal sya narinig ko pa nga yung sinabi nya "ama patawarin mo ako" hinayaan ko nalang muna sya nun. Nagpatulong nalang ako kay Gab na linisin yung kalat nya.
Yun lang muna spookify!
P.S Only vampires can love you forever.
Cyrus
Quezon City

BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)