SA BAHAY
Too bad.... hindi ligtas ang mga mata ko dito sa sarili naming pamamahay.
Shower
Naligo ako sa bath tub, yung pinto ng shower room namin ay glass kaya kita yung shadow sa labas. Bandang 9pm na non, malamig ang panahon kaya ang sarap magbabad sa mainit na tubig. Nakapikit ako, dumilat ako para kunin sana yung bubble bath kasi nakalimutan ko lagyan. Pagharap ko sa pinto may nakatayo sa labas, sobrang tangkad nya tas itim na itim, hugis tao. Nasa bahay kapatid ko nuon pero sigurado akong hindi sya yon kasi hindi naman sya ganun katangkad. Ayan na naman yung pangangatog ng tuhod ko. Inisip ko din pano kung tao talaga yun na baliw na nakapasok sa bahay. Tumayo na ako, tinignan ko kung aalis na sya pero andun pa din sh*t! Kinuha ko yung panglinis ng bath tub, may stick yun pwede ipang hambalos. Naisip ko do or die situation na to, tinapis ko yung towel ko. Sh*t di pa din umaalis. Hinawakan ko na yung handle nung pinto, binuksan ko ng mabilis tas naka abang na yung stick ko, boom! Wala.Agad akong nagdamit tas lumabas, wala kapatid ko. Sinilip ko sa labas sasakyan nya wala, maya maya bumukas ang front door. Napamura pa ako sa gulat, kapatid ko pala. Tinanong ko saan galing, may inabot sakin 3 duct tape. Nagtaka ako.
"Ano gagawin ko dito?"
"Malay ko sayo bakit nagpabili ka nyan, magpapapackage ka ba? Bayaran mo yan ha."
"Di ako nagpabili ah, ano naman gagawin ko dito?"
"G*g* ka ba? Sabi ko sayo kanina nung nasa shower ka punta ako beisia may papabili ka ba? Sabi mo tatlong duct tape."
Nagtataka ako. Unang una hindi ko sya nadinig kanina, at pangalawa pano ko sya sasagutin e hindi ko nga sya nadinig. Tinalikuran ko na lang sya.
Lights and toilet flush
Meron kaming automatic light dito sa loob ng bahay na malapit sa pinto. Umiilaw yun kapag may nagdaan at nasense na tao. Madalas kapag gising pa ako ng 1 am onwards, bigla na lang sisindi yung ilaw kahit wala namang nagdadaan. Wala naman akong nadidinig na yabag at alam kong tulog na yung kapatid at pinsan ko. Ganon din yung flush ng toilet, maririnig ko na lang may nagfflush pero lahat kami nasa kama na.Missing stuffs
Madalas akong nawawalan ng gamit. Minsan yung mga gamit pa na yon eh halos araw araw ginagamit ko. Madalas kong nakikita sa ilalim ng kama ko, tinanong ko kapatid at pinsan ko, di naman daw nila pinapakialaman gamit ko.Eto kaninang madaling araw lang, nagising ako dahil yumugyog yung kama ko ng malakas. Akala ko lumilindol na naman at dito yung center samin, ang lakas kasi. Nung umaga tinanong ko ate ko kung dito ba yung center ng lindol, ano daw bang lindol sinasabi ko, di naman daw lumindol.
RavenOfdeath
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Terrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)