NSNMMM?

93 0 0
                                    

Ang abnormal na buhay ng isang ordinaryong half half III

Sa ikalawang taon ko kila Boss, nakilala ko yung anak nya tapos mga tropa nun. Bumyahe kami sa karatig probinsya. Pagdating sa sentro, iniwanan kami ni Boss sa sasakyan. Pagkaalis nya kwinento sakin nila Gino na yung mga tropa ng anak nya yung pinupuntahan nya rito. Pero yung anak nya wala sa pilipinas, umalis nung nakaraang taon. Nalaman ko rin na yung anak nya, galit sakanya. At ang nakitang paraan ni Boss para sumama sakanya anak nya, eh yung talikuran sya ng mga kaibigan nya. Tinanong ko kung paano naman sasama sakanya? Paano tatalikuran?

"Kasi Ana, yung anak ni Boss may mga nagawang kasalanan noon bago nya makilala yung mga kaibigan nya. Akala ni Boss pag nalaman yun ng mga kaibigan nya, tatalikuran sya"

"Uy Gino" Kinalabit sya ni Kris. "Diba alam na nung iba? Yung mag-ate? Tapos yung teacher na laging kasama nung isang babae". Bago makasagot si Gino, nakabalik na si Boss. Halata sa mukha yung inis. May tinuluyan kaming bahay, yung may-ari ayon kay Gino, mangkukulam/albularyo. Mukhang takot kay Boss. Mahihiga na sana ako kasi nakakapagod umupo buong araw, nung tinawag ako ni Boss. May pinakita syang picture. Ang pogi nung lalaki, maputi, singkit pero payat. Ang kinis ng mukha.

"Isipin mo yan gusto ko mapuntahan mo yan ngayon. Pag napuntahan mo yan, sabihan mong ano man ang mangyari, wag na wag nilang paaalisin si Jaja. Pag nagawa mo yan tutulungan kitang ibalik yung boses at paningin ni A-po"

Pagkarinig ko nun, hindi na ko nag-atubiling sundin sya. Papasok lang naman ako eh. Hindi ko naman papatayin. Nakapunta ako agad. Akala ko nung una, namali ako. Kasi sa may lamay ako napunta. Maraming tao. Pero nung mahagip ng mata ko yung lalaking katabi nung kabaong, alam ko ng nasa tama akong lugar. Lumapit ako sakanya.

"Kuya" Nag-angat sya ng mukha. Muntik na kong mahubuan, payat sya pero ang puge puge.

"Geo-----ay iba. Bakit?" Mugtong-mugto mata nya.

"Wag na wag nyong paalisin si Jaja kahit anong mangyari"

Pagkabalik ko, alam naman nya sigurong nagawa ko, may pinainom sya sakin. Sabi nya inumin ko at sya na ang bahala sa pagbabalik ng mga nawala kay A-po. Walang tanong-tanong na ininom ko yun. Lahat, para kay A-po.
Sobrang tahimik ni Boss kinabukasan. Tanghaling tapat nung may naghanap sakanya. Halatang tensyonado sila Gino, kasi bisita lang naman kami dito, bakit sya hahanapin? Sa unang pagkakataon, nakita ko ang takot sa mata ni Boss nung makita yung lalaki. Pagbalik ni Boss, nagkulong sya sa kwarto. Tapos inaya ako nila Shali. Pumunta kaming ospital. Sa sasakyan nagbihis silang tatlo. Binilinan naman ako ni Owen, ilalagay ko lahat ng iaabot sakin nila Shali sa bag na bigay nya. Nakapang nurse na uniform na sila Shali pagbaba naming sasakyan. Nakabuntot ako sakanila. Sa may ward kami pumunta. Bago pumasok si Shali at Venice, pumikit si Kris, may inuusal, hindi ko nga lang maintindihan. Nung nag okay sya sakanila, pumasok na sila. Una nilang nilapitan yung matanda na naka oxygen. May inilabas si Venice na maliit na lalagyan, hinawakan nya sa ulo yung matanda. Tapos nung inabot nya sakin yung lalagyan, parang may kumikinang sa loob. Inilagay ko agad sa bag, sabay nung binigay ni Shali. Sunod kaming nagpunta sa nursery. Tinapat nila sa ilong ng lahat ng mga sanggol yung mga lalagyan. Bago kami makalabas at makaalis, may nasalubong kaming mga nurse na totoo. Kasunod nila ang isang babae na umiiyak na nakikiusap sa doktor na iligtas ang tatay nya. Nang lingunin ko kung saan sila patungo, parang bumigat ng isang tonelada yung bag na dala ko. Sa may ward sila pumunta.
Nang makapasok kaming lahat sa sasakyan, bigla kong sinabunutan si Venice. Inuntog untog ko sya, tutal naman aswang sya eh. Wala akong pake kung puno na ko ng kalmot ni Shali, pinatay nila, namin yung matanda. Isinama nila ako na hindi man lang nila sinabi. Kaya kong lunukin yung utos ni Boss sakin na magnakaw, ng papeles, pera, gamit. Pero hindi ako mamamatay tao.

"Mamamatay na rin naman sya boba ka! Hirap na hirap na yung matanda pero ayaw pa nilang bitawan"

Bago makapagitna si Gino, nasuntok sa bibig si Shali. Akala ko nung nagsumbong silang dalawa kay Boss, masasaktan ako. Kaso parang wala syang narinig, inaya nya si Owen na umalis. Bago lumabas si Owen, pinitik nya ako sa noo. "Namatay yung matanda, pero yung huling esensya ng buhay nya, makatutulong yun sa iba, may isang tao na hahaba ang buhay. Isang bata. Alam kong hindi nun mapapagaan ang loob mo, pero ang lagi mong isipin, unfair ang mundo, mapa sa mga tao o sa mga katulad natin"

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon