BALATKAYO
This story is a continuation of the story entitled BALAHIBO, pero di naman ‘to part 2, magkasunod lang na nangyari. Same year and setting, sa basakan ng kapatid ni nanay.
Past 6:00 na raw at pauwi na noon si tatay, madilim na ang paligid dahil wala namang street lights noon. Pero nakikita pa niya ang dinadaanan niyang pilapil. Napapansin na niya yung malaking ibon na palipad lipad malapit sa kanya. Hanggang sa hinarang siya noong ibon na kasing laki raw ng tao, standing around 3 meters away from him. Nasa harap niya yung ibon pero noong hinugot niya ang itak niya, ang initak nya ay yung sa bandang likuran niya.
Noong initak nya yung bandang likuran, yung ibon na nasa harap niya lumipad palayo, so itinuloy na ni tatay ang paglalakad. Pagdating niya sa may burol (hills) parang may tumatakbong kalabaw raw sa likuran niya at inikutan siya. That time sobrang dilim na at wala na siyang maaninag, dahil wala naman siyang makita ang ginawa niya ay humiga sa lupa. Hinawakan niya yung itak at tinayo sa tyan nya (Yung hawakan o puluhan ng itak ay nakalapat sa tyan niya at nasa taas yung tulis). Para in case na dumugin siya ay mauunang masugatan yung dudumog sa kanya. Nasa 15 mins. siyang inikutan noong ‘kalabaw’ pero di naman siya ginalaw hanggang sa umalis nalang ‘to. Nakauwi na si tatay.
Ang lahat sa aswang ay panlilinlang, ang nakikita mo sa harapan ay nasa likuran. Ang nasa likuran ay sa harapan, ang malayo ay malapit, ang malapit ay malayo. Ang mukha ay pwet, ang pwet ay mukha, lalo kung naka anyong hayop sila.
TIPS:
Sa mga gusto magdala ng lana, remember na hindi ito pangontra kundi babala lang at alam nila kung sino ang may dalang lana, nakakaasar ‘to sa kanila dahil nangangati sila. Sa mga nagsasabing hamunin ang aswang, remember na may iba’t ibang reaction ang tao at ganoon rin sa mga aswang. May aswang na titigilan ka na, mayroon ring mabebeast mode sa’yo. H’wag maghahamon, lalo na yung maghasa ng itak o magkiskis ng kawayan na matulis kung wala kayong ‘alam’. Kung may pinaghihinalaan kayong aswang, ganito ang gawin mo:
1. Hintayin mo na umalis lahat ng tao sa bahay nila, umaga mo gawin para di ka matakot. Tapunan mo ng bugok na itlog yung harap ng pintuan nila, kung talagang aswang yan, aalis ‘yan.
2. Uso ito dati sa mga bukid noong di pa uso ang stove, sa kalan nilang de-uling o de-gatong, baliktarin mo yung gatong na kahoy (Yung part ng kahoy na may abo ilabas mo at yung part na walang abo ang ipasok sa loob ng kalan), aalis ‘yan.
3. Yung buntot pagi, pwedeng ihampas sa lupa, ayaw nila ng tunog noon.
4. Kung may baby kayo na umiiyak for some unknown reasons, magpausok muna ng kuko ng baka o kalabaw para umalis ‘sila’ then kumuha ng seven na dahon ng guyabano, itapal sa tyan ni baby (Yung part ng dahon na makinis ang itataob sa tyan). Medyo malamig yung dahon kaya initin muna ng kaunti sa apoy.Nalaman ko yung sa dahon ng guyabano dahil yung pinsan ko na three year old dati, lumalaki ang tyan at mainit, parang nilalagnat yung tyan niya. Dinala sa doctor pero walang findings. Pumunta sila sa albularyo, inaasawang nga raw, yung atay raw ng pinsan ko, nabawasan na at yun ang pinagawa sa tita ko, naging okay naman.
Oo nga pala, yung aswang sa FIRST BORN 2nd PART, di na bumalik after namin siyang habulin hanggang sa maipanganak yung baby, doon na lang siya nagparamdam ulit. Unahan lang yan, kapag nagpapatakot ka, ibubully ka talaga nila. Sabi ng tatay ko, dati raw sa Negros Occ. kapag may inaaswang, ayaw tumulong ng ibang kapitbahay kasi minsan sila ang binabalikan.
ICE

BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)