THE PERVERT HEAD
This happened in the early 2000’s sa bahay rin namin ngayon. Our house is a typical house in the province where the comfort room is separated from the house itself. Paglabas ng ‘open kitchen’ may puno ng suha sa left side ng kusina, sa right side naman around 5 meters away is the comfort room. So kapag nakataliikod ka sa puno ng suha you are facing the comfort room.
Around 2:00 in the morning, nagising si Ate Jel, feeling that she has to pee. Bumaba siya at pupunta sana sa banyo, eh talagang ihing ihi na siya, feeling niya di na aabot ng banyo so sa tabi ng puno ng suha siya umihi. Nakaupo siya sa gilid ng suha at nakaharap sa comfort room. Habang umiihi siya, napansin niya na may parang mukha sa gilid ng banyo namin, yun nga lang, mukha lang talaga at walang katawan. Tiningnan niya pang mabuti kasi baka namalikmata lang siya dahil medyo madilim pero may konting liwanag naman galing sa poste ng ilaw sa kabilang kalsada.Yung part ng mukha na naiilawan, gwapo raw at matangos pa ang ilong pero yung part na medyo natatakpan ng shadow ay parang naaagnas na. Sakto pa na nakabukaka siya doon sa mismong harap pa ng pugot. Noong nagsink in sa kanya na pugot nga yun, tumayo siya ng normal, kunwari walang nakita, tinaas ang undies at pajama niya. Naglakad ng normal papasok sa kusina, pero pag apak niya sa floor ng kusina, kumaripas na siya ng takbo paakyat sa kwarto.
Itong kinatatayuan kasi ng bahay namin ay dating sapa, may buhay na tubig. Before pa kami nagpatayo ng bahay dito, yung mga kapitbahay naming nauna dito laging nakakakita ng maraming bibe sa lugar na ‘to tuwing madaling araw. And since kaunti pa lang naman sila dito that time at lahat magkakakilala pa alam nila kung kaninong alaga ang mga hayop dito pero walang nag aalaga ng mga bibe so may ibang nagmamay ari sa kanila. At never nilang tinry na manghuli ng bibe at kapag sumikat na ang araw nawawala na yung mga bibe.
ICE

BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)