ICE

62 0 0
                                    

CAGAYANCILLO

I do not know what year this exactly happened. But this story was not mine and was narrated to me by my older female cousin who worked as an engineer in the provincial engineering office of our province. This was experienced by her officemate during his stay in Cagayancillo to supervise an ongoing project that time. Let’s call him ‘Kuya Ronnie’.

He was sent to Cagayancillo to supervise a project since sa field department siya naka assign. He was staying there for a couple of days already. One night, nakipag inuman siya sa mga tauhan niya sa contruction, around 7 in the evening, nag iinuman pa rin sila at naubusan siya ng sigarilyo. So nagpaalam siya na maghahanap ng mabibilhan. And dahil nga very remote ang island at malayo sa civilization, maaga pa nagsasara ang mga tindahan, in short, walang siya nabilhan. Pauwi na siya at sa tabing dagat siya dumaan, napatingin siya sa dagat at may nakita siyang mangingisda na maglalayag pa lang. Tinanong niya kung saan pa pwedeng makabili ng sigarilyo, sabi noong manong, sa kabilang isla raw at tinuro pa ng matanda yung isla at inalok siyang ihahatid doon. Nakita niyang maliwanag yung island na parang Metro Manila, nagtataka man dahil alam niyang walang katabing isla ang cagayancillo ay sumakay pa rin siya. Noong makarating sila sa isla nakita niya ang mga naglalakihang at maliliwanag na building. Nakahanap siya ng tindahan at bumili ng sigarilyo pero wala yung brand na hinahanap niya kaya nagsettle nal ang siya sa di familiar na brand. Inalok pa siyang magstay dahil fiesta raw doon pero tumanggi na siya at nagpahatid na kay manong bangkero.

Noong makabalik na siya sa Cagayancillo, nagulat yung mga kainuman niya na nag-iinuman pa rin. Tinanong kung saan raw siya nagpunta at tatlong araw na pala siyang nawawala. Pero ang sabi ni kuya Ronnie, mga 20-30 minutes lang mula noong umalis siya sa inuman.

ICE

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon