Ang abnormal na buhay ng isang ordinaryong half half VI
May nagpagamot kay Perla, umagang-umaga. Ang sarap ng kain ko nung maamoy ko yung amoy sugat. Si Jane yung nagpapasok, pagpunta nya ng banyo rinig ko yung pagsusuka nya. Tinapos ko lang yung pagkain ko saka ko tinignan. Akala ko nabuhusan sya ng mainit na sabaw o tubig kasi mukhang napaso yung mga sugat nya. Tapos bigla na lang sumigaw sya, sapo nya leeg. Nung tinanggal ni Perla yung kamay nun, lumulobo yung balat na animo kapapaso lang. Sabi ni Perla, kapitbahay nun ang may gawa. Akala namin sya lang yung magpapagamot. Tapos may dumating na mag-ina, ang daming pigsa nung bata. Sabi nung nanay nagpatingin na sila sa doktor pero hindi naman tumalab yung mga gamot na binigay.
"Duwende may gawa nyan. Maghanap kayo ng kulay itim na manok, isang boteng alak tapos mani. Unahin nyo muna yung bata nakakaawa. Sa puno sa likod bahay nila, katayin nyo yung manok at ipatulo sa paligid ng puno yung dugo. Hintayin nyo syang lumabas at tagayan nyo sya, pagkatapos nyang tagayin yung unang alok nyo sakanya, sabihin nyong patawarin at pagalingin na ang bata. Wag na wag kayong aalis hangga't hindi nya nauubos yung alak"
Ang pangit nung duwende. Puro kulubot ang mukha. Pero nasabi sakin ni Gregor dati na anumang klase ng duwende, mapanglansi wag na wag ka sakanilang magtitiwala. Pumayag naman sya sa sinabi namin habang kinakain yung manok at mani. Ang bilis nyang nalasing. Nung tumayo na ko para umalis hinila ako ni Jane.
"Bakit?"
"Hanap kang pala tsaka kuha ka nung asin na dinasalan ni Perla"
"Bakit?"
"Hindi titigil yang unanong yan sa pananakit. Ano bang sabi nyang ginawa sakanya nung bata? Naapakan lang sya. Bata yun Ana, anong alam nun sa pagtatabi-tabi po? Dadalawang taon lang pero halos kalahating taon ng pinipigsa"
"Anong gagawin mo?"
"Yung ginawa ni Boss dati. Bahala na kung hindi ko magawa ng tama. Makakaalis naman tayo rito agad diba?"
Sinimangutan ko sya bago umalis. Pag balik ko may dala na kong pala at asin. Yung duwende naman wala na, malamang nilubog na sya ng bahay nya, ang bahay nya sa ilalim nung puno. Naghukay si Jane sa paligid ng puno tapos pinalagyan nya sakin ng asin. Nakatatlong balik ako sa bahay, hindi naman kasi nya sinabing isang sakong asin ang kailangan nya.
"Paano pag umulan?" Tanong ko.
"Ang nega mo talaga. Sana may luya"
Hindi naman namin kayang humawak ng luya, masakit. Bumalik kami kay Perla pero hindi kami nagpakita sakanya. Nag-iisip kami sinong mapakikiusapan namin na maglalagay ng luya run sa paligid ng puno.
"Si Sir roy?" Tumango ako. Pero hindi nya kami sinamahan. May kausap kasi sila ni Niko na lalaking nakasalamin.
"Si Jay o George"
"Dibale na lang" Sagot ni Jane.
"Sasamahan nila kayo promise" Sunod sunod na tumango si Jane. Ay shet hahaha. Kay Niko ba o Jay? Pero bigla akong may naisip.
"Nandito ba sila o nasa manila pa?"
"Oo nga pala. Si Jay wala rito, pero si George oo"
Kasama nya yung payat na lalaki na Gerald ang pangalan. Una alanganin yung Gerald kahit sinabi ko ng si Niko ang nagsabi. Pero yung George walang imik na inilabas yung motor na isa sa gate nila. Saka nya tinanong kung saan. Naka angkas ako sa motor nya, si Jane kay Gerald. Saglit lang nilang ginawa yung paglagay ng luya. Nung ihatid nila kami sa bahay, nagulat ako sa tanong nya.
"Ate, sinong papa mo?"
Natulala ako eh. Si Jane tuloy nagsabi na hindi ko kilala tatay ko. Nanlaki mata ni Gerald.
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)