ICE

58 0 0
                                    

LANA

Again, this was told to me by my grandfather, we had plenty of aswang and elemental stories by no ghosts’ since we really are not sensitive to such.

This happened to a friend of Lolo way back 1950’s in Negros Occidental again, as I have said, in my earlier stories, my Lolo was from there.

His friend was also from Negros, went to Manila then back to Negros again. Pagkauwi niya sa Negros, nakipag inuman siya sa bahay ng kabarkada niya rin and that time, he brought with him his lana (The one na kumukulo kapag may aswang na malapit, not the other one na may herbs na pangontra).  Kararating niya lang sa bahay ng kabarkada niya at kauumpisa lang ng inuman, he felt na basa ang front pocket ng pantalon niya where he had put the lana. At napapansin niya rin na panay ang kamot ng kabarkada niya na may ari ng bahay. Sa balkon ng bahay sila nag iinuman, nagpaalam yung kabarkada niya (owner) na papasok sandali sa loob.

That time, sinabi na niya sa ibang kabarkada niya na may aswang nga daw sa malapit dahil umawas ng yung lana niya. Doon sinabi sa kanya na aswang na yung isang kabarkada nila, which is bago pa lang, meaning kahahawa pa lang. Pinayuhan siya ng mga kaibigan nila na umalis na (That lana serves as signal na may aswang sa malapit, but it also provokes them, kaya’t di dapat nagdadala ng lana especially kung walang alam).

Dali-dali siyang tumalon sa balkon at tumakbo sa kalsada. Ilangminutes na siyang tumatakbo until naramdaman niya may humahabol sa kanya na baka o malaking baboy. Hindi niya alam kung ano talaga dahil sobrang dilim sa paligid at walang mga street lights (1950’s). All he knew was hinahabol siya ng malaking hayop dahil nadidinig niya yung bigat ng yabag nito. Ang ginawa niya, habang tumatakbo, isa-isa niyang hinubad ang mga damit (Jacket, pants at shirt) niya at itinapon sa daan. Tumalon sa gilid ng kalsada at dumapa. Nakiramdam siya, after ilang minutes, nawala na yung humahabol sa kanya. He waited for sunrise bago siya umalis sa pagkakadapa at umuwi.

I asked my Lolo kung bakit hinubad ang mga damit, he had no particular answer, all he said was ‘sumpa yun’.

ICE

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon