The Truth of Wizardry I
WARNING: THIS IS THE REALITY OF A WIZARD, NOT AS EXCITING AS THE ONES SHOWN IN MOVIES; THIS MIGHT BE BORING BUT REALITY, MOST OFTEN THAN NOT IS DULL.
Hello Spookifiers, it has been a while since the last time I wrote something for this page. Naisip ko i-kwento ‘to sa inyo since I have read Us-Who-Must-Not-Be-Known last night. Sa mga naunang stories ko na naipost dito, nabanggit ko na I came from a family of wizards pero unlike sa story ni Joshua, writer of Us-Who-Must-Not-Be-Known, wala kaming wands pero may mga spells kami, wala ring age requirement kung kailan ka pwedeng matuto o pasahan as long as maiintindihan mo na ang tama at mali at alam mo kung kailan ka makakasakit o hindi. Hindi rin ito limited sa mga relatives o family members lang, actually, pwede siyang ipasa sa ibang tao on a specific time of the year. Normal na tao lang ang mga wizards, we’re not immortals or any special breed of human being na kapag nasugatan, hihilom agad.
And I also want to clarify that wizardry and witchcraft are two DIFFERENT skills. Sa witchcraft, their spells are mostly intended for other person, either bad or good, destruction or healing. Kapag wizardry naman, it is more on nature and illusions and/or protection. I was 14 years old noong pinasa sa akin ni tatay (lolo) yung mga spells and pwede ka lang magpasa kapag Good Friday and most especially, dapat ang magpapasa o magtuturo sa’yo has more than seven (7) years in practice na. Lahat ng mga pinsan ko na teenagers na that time, tinuruan ni tatay. Yung mga spells ay ‘aalagaan’ rin ng prayers, parang aalayan yun ng mga dasal every night or every Friday night. Hindi rin naman mahahalatang wizard kami kasi wala naman kaming mga suot ng jewelry na may kakaibang symbols like all seeing eye o mga triangle. As in normal na teenager lang ako tingnan dati, nothing special, nothing weird. Oo, di pwedeng ipagsabi na wizard ako, siguro kasi kakaiba lang pero kahit naman malaman ng iba, actually di ko rin alam yung saktong reason why but whatever it is di enough reason yun para ikapahamak ko. Yung mga iniisip nyo na baka ipahunting kapag nalaman ng ibang wizard na pinagsabi ang tungkol sa amin, di yun totoo, sa movie lang yun. Alam ng mga friends ko na I was a wizard before, wala namang nangyaring masama.
Di rin kami pwedeng magproduce ng chocolates, customes o kung anumang bagay using wand (na wala naman kami) o spells. And we do not fly in a broomstick either. Sa movie lang yun. Parang sa mga witch nga yun eh, di sa wizards. Ang mga wizards, di nagpeperform ng rituals, kasi kahit naglalakad kami sa kalsada, we could cast a spell unlike witchcraft na kailangan ng rituals. Ang alam ko, ang mga witch o albularyo, di nila kayang gamutin ang sarili nila pero ang wizards, we could perform spells to heal ourselves even family members, pero di kami nakakapag levitate ng mga bagay. At higit sa lahat, walang institution ang mga wizards gaya sa Harry Potter o Hansel & Gretel kaya walang general meeting and the likes. Wala rin akong kilalang ibang wizards maliban sa mga pinsan ko. Actually, tatlo lang kaming wizards sa 3rd generation, ako at yung dalawang pinsan ko na magkapatid. Sa 2nd generation (Tatay’s children) lahat sila wizards including my mom.
One of the examples ng nature spell is holding the storm away. Wizards can push the rain in another direction, parang hawak mo ang storm sa mismong kamay mo, bahala ka kung saan mo gustong itulak palayo. For example, may pupuntahan akong lugar at nakita kong maitim ang ulap sa part na yun, pwede kong ‘hawakan’ yung ulap/ulan at ilipat sa ibang direksyon. But we could never dissolve the storm, pwede lang ilipat pero di pwedeng tunawin o pigilan, uulan pa rin, sa ibang lugar nga lang.
Illusion spell, noong first year college ako, bawal sa university namin ang nakacivilian, di papapasukin ng guard, wala naman akong scheduled na class that day, may aasikasuhin lang ako. Habang palapit ako sa gate I casted a spell on the guard on duty, nakapasok ako ng walang aberya. What happened to him? Nakita niya naman ako, sadyang blangko lang ang pag iisip niya noong dumaan ako, tinitingnan niya ako pero parang di niya nakikita.
May ibang klase rin ng illusion spell that will make you susceptible to suggestions, ginagamit yun ng mama ko dati lalo kapag mahaba ang pila at nagmamadali siya. Ito yung klase ng spell na malapit sa mga nakikita sa movie, mapapa oo nalang yung kausap mo. Meron ring spell na illusion spell siya pero pwede rin for protection. For example, may sumusunod sa’yo na bad guys, cast the spell at ang mangyayari, sa paningin niya nakasunod pa rin siya sayo pero ang totoo lumiko ka na, ang sinusundan niya ay ‘another you’ pero siya lang ang nakakakita, mawawala rin naman yun at magtataka siya kung ano ang ginagawa niya sa lugar na yun. Parang iniligaw lang siya.Another kind of protection spell ay yung pangkontra sa lason, either chemical made o yung lason na gawa ng ‘kilkig’. We will cast the spell then blow on top of the food or drink. Presto, safe to eat or drink na.
Spell for breaking other spells or breaking the effect of anting anting. Di ba nakikita nyo sa TV na may mga taong nagpapataga ng sarili kasi raw may anting anting sila at di sila tatablan, totoo naman yun. Di talaga sila tatablan ng itak unless may wizard na makialam, mabibreak namin yung effect ng anting anting without them knowing it. Ganoon rin yung mga kumakain ng bubog o tumatawid sa alambre, pero sabi ni Tatay, wag daw kami makialam sa ganoon kasi kawawa naman sila.
Spell for healing. There are also spells intended for venom, ahas man yan, o aso, pusa, bubuyog, kahit anong hayop na may kamandag. Mayroon rin para sa mga sakit ng tyan, natural cause man o gawa ng maligno.
Mayroon ring mga spell na kailangan pang isulat sa paper like spell for bleeding, ito naman ay for emergency purposes. Isusulat ang spell sa paper at itatapal sa sugat, hihinto ang dugo kahit artery pa ang tinamaan.
Sa love potions naman, as I have said, we do not perform rituals, so ang panggagayuma ay thru spells rin, walang ipapainom o ireregalo sa gagayumahin, spell siya na sasabihin lang sa hangin.Spells for warding off evil entities such as elementals, aswang among others. Sa lahat ng spells, ito yung naiiba kasi right after na itinuro sa’yo, you will be visited by an entity, parang test proving na kaya mo nang ihandle yung spell na yun. Ang nagvisit sa akin ay isang klase ng aswang. Paaalisin lang yung aswang using the spell then back to normal na. Yun ang una kong minemorize kasi baka magsurprise visit si entity tapos hindi ako ready, nganga lang.
Marami pang klase ng spells, pero mayroong spell na kaya niyang gawin lahat ng ‘power’ ng ibang spells, all in one kumbaga. Pwede siyang panggayuma, protection against kulam, extra energy at lahat ng nabanggit sa taas, kasi yung spell na yun, ang ibibigay sayo ay kung ano ang kailangan mo the moment you cast the spell unlike others na for specific purpose lang at isang paragraph ang haba niya. Sabi ni tatay, yun daw ang pinaka powerful spell.
Familiar kayo sa ‘avada kedavra’ (not sure with the spelling) di ba? Maikli lang di ba? Pero may totoong spell na mas maikli pa dyan, 8 letter word lang, a spell for protection. If someone or something were to attack me, I’ll cast the spell at mapaparalyze ang attacker, I mean freeze. This one comes in pair, first: spell to stop the enemy, second: spell for getting even (ganti).
But take it from me, THERE ARE NO GOOD SPELLS, ALL SPELLS ARE BAD kahit pa gamitin sa mabuti, its origin is still bad, because it does not come from God. I once had 60 spells (Tatay had 80) and I renounced all of it when I turned to Jesus. Bakit naman natin kailangan ng protection o healing spell? Kung pwede naman tayo mag approach sa Throne of God for protection and healing. Kapag nagpapractice ka ng spell, di ka nagtitiwala kay Lord, kasi instead na magpray na ideliver ka against evil, you will cast a spell, nakarely ka sa spell, hindi kay Lord. What is the use of spell if you can pray instead? In the Book of Leviticus, God prohibits wizardry, witchcraft and the likes, pinalalayas sa lupain ng Diyos ang lumabag, that would mean na ang mga spells ay di galing kay Lord kasi di naman Niya palalayasin kung sa Kanya galing, right?
PS. I am not saying na fabricated ang story ni Joshua, ang sinasabi ko lang is yung sa amin as I have said, wala akong ibang kilalang wizards maliban sa mga pinsan, aunties and uncle ko.
PPS. If you guys have questions, I am pretty much willing to answer but thru confession pa rin.ICE
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Terrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)