ICE

59 0 0
                                    

DO NOT LEAVE IT VACANT

Way back early 2000’s noong itinayo yung bahay ng kapitbahay namin na nasa harap lang ng bahay namin. Yung may ari talaga ay nasa France, mama yun nina Kuya Richard at Kuya Gin. After matapos ang construction ng bahay nila, di agad natirahan dahil nagkaroon ng misunderstanding sina kuya Richard at ang mama nila. Almost a year pa bago napabless yung bahay, noong umuwi ang mama nila from France at nagkaayos na ang family nila . So before bumalik ang mama nila sa abroad, doon na sila nakatira sa bahay nila. Now the story begins.

There were 5 of them na nakatira sa bahay nila, Kuya Richard, Kuya Gin and his gf, ate Jonna at si Kuya Bart, friend lang nila. Ilang araw na silang nakatira doon nang mapansin nila yung kakaibang nangyayari sa gabi. Kapag gabi na at nasa kwarto na ang lahat, may madidinig silang ingay sa kusina, parang binubuksan ang mga kaldero, so titingnan nila pero wala namang tao o nakabukas na kaldero, maayos naman lahat. Minsan naman may naglalakad paakyat sa hagdan pero bigla ring mawawala lalo kapag nag iisa si kuya Bart sa bahay nila.

One time, sa bahay nila natulog yung isa nilang barkada dahil nag inuman sila noong gabi. Kinabukasan, nakigamit ng banyo si kuya Randy, habang nakaupo siya sa bowl, nag iipon siya ng tubig sa timba, Naka off kasi yung flush ng bowl kaya kailangan pang magbuhos. All of a sudden, bumukas yung shower, siya lang naman ang tao sa loob, pagpasok kasi sa cr, bowl muna before yung shower, impossible na bubukas yun mag isa kasi knob style yung shower nila, kailangan talagang pihitin yun. Kunwari nalang di niya pinansin, normal lang ang kilos hangang makalabas raw siya ng banyo. Pero patakbo siyang lumabas ng bahay kasabay ng pagkawala ng hangover niya. Ni hindi niya man lang pinatay yung shower, never mind kung magbayad ng mahal na water bill yung kaibigan niya o bumaha sa bahay nila.

Hanggang sa di na sila tumira doon at pinabantayan nalang sa pinsan nilang tomboy, nalimutan ko na ang name niya. Pero nagkukwento siya sa amin ni papa na tuwing ila-lock niya raw yung main door (Gawa sa hard wood na may ukit, yung mabigat na kahoy) kapag aalis siya parang may humihila pabukas ng pinto kaya lagi siyang nahihirapan maglock. Yung mga ilaw rin ng bahay nila, kusang nagbubukas na parang pinaglalaruan lalo noong talagang wala nang gustong tumira doon.

Noong wala nang gustong tumira sa bahay nila kuya Richard, ginawa nalang nilang bahay paupahan yun, may kalakihan naman yung bahay. 2 storey house siya, sa first floor ang living room, kitchen, dining area, one bedroom and a common bathroom. Sa second floor naman 3 bedrooms, a family room and a terrace. More than a year na ring vacant yung bahay bago nagkaroon ng uupa.

Kwento ito ng lola ng family na nangupahan sa bahay nila kuya Richard. One morning, maagang nagkape si Lola, around 5am sa porch ng bahay siya nakaupo. Weekday yun kaya may pasok ang mga apo niya, after magcoffee pumasok siya ng bahay, nakita niyang pumasok ng bathroom yung apo niya. Nakahubad pa nga raw kaya akala niya maliligo, bata pa kasi yun, grade 2 pa lang. Nagluto na si lola ng breakfast, habang nagluluto siya, kinakausap niya raw yung apo niya sa loob ng bathroom, bilisan raw ang paliligo at wag na magmuni-muni. Matagal na kasi mula noong pumasok yung bata sa bathroom pero walang nadidinig si lola na buhos ng tubig. Yung bathroom kasi nakaharap sa kitchen so makikita mo kung may papasok o lalabas doon. Noong matapos na siya magluto, binuksan niya yung pinto ng bathroom para pagalitan yung bata, dahil nga matagal, pero wala siyang nakitang bata sa loob.

Umakyat siya sa second floor, sa kwarto ng mga bata, nandoon yung apo niya, natutulog pa. yung bathroom nila creepy ang color. Maroon ang motif, maroon yung paint sa bandang taas ng wall, maroon rin ang tiles ng buong bathroom, pati bowl maroon, kaya parang pula na rin yung motif ng bahay nila kuya Richard. Maroon ang tiles sa loob ng bahay at pink yung wall nila.

ICE

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon