POTIONS
I’ve read Snow’s story entitled ‘Black Magic’. Nabasa ko rin yung mga comments at talagang nakakatawa ang mga bizarre ways ng panggagayuma at the same time nakakadiri yung iba.
My Aunt has a sister na nagayuma at may forever naman dahil hanggang ngayon magkasama pa rin sila ng asawa niya at may mga apo na rin. Ganito yung kwento. Si tita Salvy (Kapatid ng tita ko) is quite pretty, mestiza dahil may lahing kastila. Marami siyang manliligaw noong kabataan kaya lang napakasuplada at mapanlait sa mga lalaki. Hanggang sa may nakilala siyang bicolano, di naman sa panglalait pero talagang magtataka ka kung anong nagustuhan niya sa lalaki. Pandak, maitim, payat, laging madungis at higit sa lahat, pangit ang ugali, okay lang sana kung mabait siya kaya lang hindi eh. Dati, sa tuwing di niya nakikita yung lalaki, di siya mapakali, di rin makatulog dahil sa tuwing ipipikit niya raw ang mata niya, yung mukha ng lalaki ang nakikita niya. Kaya kahit dis oras ng gabi, umaalis siya para lang pumunta sa bahay ng lalaki. Narealize niya lang ‘to noong nakita niya yung ginamit nga lalaki.
Naging mag asawa sila, nakaroon ng mga anak pero malupit yung lalaki, pinagbabawalan niyang magpolbo o maglipstick si tita. Kaya lahat ng mga na pampaganda ni tita ay tinatapon ng asawa niya. Minsan pa kinalbo siya at pinaso ng sigarilyo ang hita para raw walang magkakagusto sa kanya. Until one day, habang naglilinis siya ng bahay, may nakita siyang bote ng tanduay na lapad, may lamang mga ugat at tubig na kulay pula na dahil sa mga ugat na nakababad doon. Nagalit yung asawa niya noong nalaman na nakita nya yun at doon na nagstart yung madalas na pag aaway nila. Dati di niya raw alam kung bakit di siya lumalaban kapag sinasaktan siya. Still, no choice siya kundi magstay dahil sa mga anak niya.
Maraming klase ng panggagayuma, typical na yung mga hinahalo sa pagkain o inuman. Yung iba dinadaan sa mga regalo na may ‘dasal’, dapat yung gamit na yun ay laging dala ng ginagayuma. Pwede ring isingit lang yung bagay na may dasal sa gamit ng biktima, mayroon ring binubulong sa hangin. Ito yung klase ng gayuma na alam gawin ng family namin pero di namin ginagawa. Ibubulong lang yung ‘dasal’ sa hangin at durugtungan ng name ng gagayumahin mo, pero dapat kilala ka ng gagayumahin mo, alam niya ang mukha at pangalan mo. Pwede rin gamitin ‘to sa terror na professor o boss, not necessarily na magkakagusto siya sa’yo, kundi babait s’ya, depende nalang sa gusto mong mangyari. Hustle free dahil di mo na kailangang mag effort na regaluhan siya o pakainin pa, pero, we do not advise this kasi sarili mo lang naman ang niloloko mo kapag ginawa mo ‘to. What’s the use of forcing someone to love you if they don’t want to, the ‘love’ produced by potions is not a real love.
Sa mga nagtatanong po pala kung paano yung ‘tapik’ sa post ko na SIGARILYO; kapag may tumapik sa’yo lalo’t di mo kilala, kailangan gumanti ka ng tapik para yung dasal na ginawa niya kasabay ng pagtapik niya sa’yo ay maibalik mo sa kanya para di ka magkasakit. Yung magiging sakit kung sakaling di mo maibalik yung tapik ay depende kung anong epekto noong dasal na ginamit niya. Bakit sila nanlalason? Kasi raw, yung ‘dasal’ na inaalagaan nila kailangan ‘pakainin’. Kapag di niya napakain, yung manlalason ang magkakasakit, parang once a month yata kung manlason sila.
Yung tungkol sa Calamansi, di lang yun nagagamit sa lutong karne, kahit sa hilaw na isda pwede. For instance, naglalako ng isda yung napapabalitang aswang, bumili ka ng isda then patakan mo ng calamansi. Lalabas yung totoong hitsura ng isda, kung talagang di isda ang itinitinda n’ya, minsan kasi dahon yung tinitinda, mukha lang isda. Ginawa na ‘to ng kapitbahay namin doon sa matandang naglalako ng isda dati, 1995 pa.
May nabasa rin akong comment tungkol sa ‘tawid dagat’, effective ito di lang sa gayuma pati na rin sa kulam. Di makakatawid ng dagat ang kulam, kaya kung nakulam ka, ibig sabihin nasa iisang kapuluan lang kayo ng gumawa.PS. Yung sinulat kong version ng THE WEDDING GUEST is the police version, there are many other versions of that story but I think mas reliable kung police version kaya yun ang shinare ko. And sa nagsabi ng di raw cannibals ang mga taga Palawan, ate? Wala po akong sinabi na cannibals tayo, ang sabi ko lang sa atin nangyari and this is an isolated case. In general naman, tourist friendly ang mga tao dito, kaya sa mga magtotour dyan, nothing to worry about. We are not the best island and a hall of famer for nothing, magpromote ba. Hahaha.
ICE
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
رعبcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)