NSNMMM?

84 0 0
                                    

Ang abnormal na buhay ng isang ordinaryong half half IV

Lumipat kaming manila matapos ng mga ganap. Sobrang hirap sa mga unang buwan, kung may hika kayo, ganun ang pakiramdam. Pero sabi ni Boss, pasasaan ba't masasanay din kami nila Jane.

"Your human side will thrive"

Unang pagkakataon na narinig kong nag-english si Boss. Pero totoo nga yung sinabi nya. Nang makita nyang naka adjust na ang mga katawan namin, inutusan nya kami ni Jane at Kris. Sila Gino, minsan na lang namin makita, nakahiwalay sila samin.

"Kara, naalala mo yung pinasundan ko sayong apat na tao dati?" Tumango si Kara. "Bantayan nyo sila"

Dati rati, sa likod lang ng bente pesos ko nakikita ang palasyo. Ngayon kitang kita ko na ng malapitan, ang baho ng ilog pero sa ibang parte, napakaraming puno, ang amoy lang ng mabahong ilog ang magpapaalala sayong nasa syudad ka pa rin.

"Sila na yan"

Yung isa sa tatlo yung nasa lamay. Tapos napatingin ako run sa babae, shet kahawig ko. Maputi lang ako hehehe at mas matangkad. Yung isang lalaki, ang tangkad na payat. Nagtatawanan silang tatlo habang umupo sa gilid, naghihintay ng barge.
Naging ganun ang routine namin sa araw-araw, sasabayan sila sa pagsakay ng barge, hihintayin silang umuwi. Inirereport namin kay Boss lahat ng ginagawa nila.

"Sa loob sila ng palasyo nagtatrabaho boss"

Kumunot noo ni Boss. "Ang alam ko.....ang layo ng"

"Hindi rin po sila gumigimik Boss. Diretso agad sila sa bahay"

"Kaninong bahay?"

"Yung sa babae Boss. Minsan umuwi yung tatay nya run"

Tumango si Boss. Kinabukasan, isinama nya kami ni Jane sa nueva ecija. May susunduin daw kami. Dun ko nalaman ang tinutukoy na samahan nila Gino. Npa. May kampo sila sa bundok. May mga bata, para silang normal na komunidad, kung hindi mo makikita ang mga nakasukbit na baril. Nagulat ako ng may makitang batang lalaki, nasa onse lang siguro edad nya, may hawak ng baril at sumaludo sya kay Boss.

"Sabi ko sayo diba, magbasa hindi humawak ng baril" Kinuha ni Boss yung baril.

"Namatay si Tatay. Hindi mahanap yung katawan nya"

"Jane. Dalhin mo sya sa paliguan. Maligo ka Toto ang baho mo"

Sinundan ko si Boss hanggang sa gitna ng kakahuyan. Dalawampung minuto ang layo sa kampo. Bata pa lang ako, alam ko na totoo ang mga aswang pero kahit kailan, hindi pa ko nakakita ng kumakain na aswang. Kahit sila Boss, sila Gino, hindi ko pa nakitang kumain ng hilaw na karne o atay. Sa tuwing kumakain kasi sila nun, nagtatago sila. Kaya halos isuka ko bituka ko ng tumambad samin ni Boss ang mga lalaking ngumangasab sa halos hindi na makilalang bangkay. Sinipa ni Boss yung isa.

"Wala ng ibang pagpipilian bakit si Untong? Hinahanap sya ni Toto mga t*rantad* kayo"

Akala ko papalag sila pero nagpunas lang sila ng bibig tapos binuhat na nila yung bangkay. Nang makabalik kaming kampo, pumalahaw ang isang babae, saka ko narealize na asawa nya yung lalaking kinakain kanina kasi niyakap sya nung Toto. Hindi umiyak yung bata.
Nang mailibing ng maayos yung lalaki tumuloy kami sa isang kubo. Malaking kubo, upuan lang na kawayan ang laman. May mga lalaking nandun. Sa gitna may babae, nakahubad. Pinakuha sya ni Boss sakin. Tapos sinapak nya yung isang lalaki saka pinaghubad. Yung hinubad nun na damit, pinasuot sa babae. Naamoy ko yung babae, kaamoy nila Boss.

"Sa may ilog kayo. Ihulihan mo sya ng makakain"

Isa to sa tingin kong mga katangian ng katulad ko. Alam ko agad kung saan ang ilog, kahit bago lang ako sa lugar. Pagdating sa ilog, yung babae halos hindi magkamayaw sa pag-inom. Tinanong ko sya kung anong pagkain ang gusto nya. Sabi nya kahit ano, kasi gutom na gutom na sya. Nilapitan ko sya, inamoy ko leeg nya, kaamoy nya talaga sila Boss.

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon