Raven

48 0 0
                                    

Kumamori Sensei

She's one of my favorite teacher, Kumamori-san. Isang mabait at very cheerful na teacher si Kumamori sensei. She always cheer us up, saying sweets and motivating words, giving us advice whenever we're in trouble. Sa twing napapansin nya na walang buhay ang klase, maglalabas na yun ng candy o kaya chocolate kahit na alam nyang bawal kami kumain sa klase. She's just so cool and chilling. Magaling din sya mag english kaya sya tanungan ko pag meron akong di maintindihan sa Nihongo. Nung nagtake kami ng JLPT N2 exam, 3 ang di nakapasa, yung sumunod na araw na nakita namin sya after exam binigyan nya ng gift yung 3 yun. It's a frame at may quote na nakalagay, something about using failure as a motivation blah blah blah. 46 years old na si Sensei, wala syang anak pero may asawa sya.

Nangyari to early week ng February. Early bird ako lagi sa school, maaga kasi yung byahe ko sa train, kung yung susunod naman na train ang sasakyan ko malelate naman. Lagi akong maaga ng halos 1 oras. Since lahat ng classmates ko ay malalapit lang ang mga apartment sa school, lagi akong mag isa ang nauuna sa room. Since malamig ang panahon, lagi akong nagdadaan sa malapit na jidouhanbaiki (vending machine) ng school para bumili ng kape, kahit na nagkape naman ako sa bahay bago pumasok, what, I love coffee.

That day, ang aga din ni Kumamori sensei. Nasa room na sya at nakaupo sa teacher's table habang nagbabasa. Nadinig nya na bumukas yung pinto at tumingin sya sakin at ngumiti, glass door yung pinto kaya sa labas pa lang kita ko na sya. "Ohayou gozaimasu" sabay naming bati sa isa't isa.

"Nande kyou maniau desuka sensei?" (Bakit ang aga mo ngayon sensei?) I asked her, nagtataka ako kasi actually hindi naman sya yung sensei namin nung araw na yun, ang alam ko tanghali pa klase nya at sa susunod na araw pa yung subject namin sa kanya.

"Uchi de nandemo shimasen desukara." (Wala kasi akong gagawin sa bahay) Sagot nya habang nakangiti. Sobrang smiling face talaga ni sensei, nakakagoodvibes sya. Naisip ko bigay na lang sa kanya yung coffee ko since hindi ko pa naman nabubuksan.

"Sensei kohi wa suki desuka?" (Teacher, mahilig ka ba sa kape?)

"Un, Suki da yo." (Oo)

"Aa ja douzo." (Here you go) Inabot ko yung kape sa kanya.

"Ee? Arigatou." (Salamat) Sabay smile nya.

Umupo na ako sa upuan ko. Usap lang kami ng kung ano ano, habang iniinom nya yung kape, tinanong nya pa ako kung kelan ko balak umuwi ng pinas, gusto daw nya pumunta sa pinas. Hanggang sa bigla syang may tinanong..

"Raven-san, oiwa-san no toshidensetsu o shitteru ka?" (Raven, alam mo ba yung urban legend ni Oiwa?)

"Sumimasen sensei, toshidensetsu wa nandesuka? sono koto shiranain desu." (Sorry sensei, pero ano po yung toshidensetsu? Hindi ko po alam yung word na yan).

"Urban legend."

"Aa sou nandesuka, shirimasen sensei." (Ah, hindi ko po alam sensei.)

Hindi ko talaga alam... sabi ni sensei, horror daw yun. Actually wala naman akong alam na mga urban legend sa japan, kahit mga horror movies hindi ko pa napapanuod, kahit yung sikat na sadako. Hindi ako mahilig manuod ng horror. Tuloy sa pagkwento si sensei, english-japanese yung language nyang gamit... so here it is and this is the way kumamori-sensei narrated the story..

"Si Oiwa ay isang magandang babae na nakatira sa isang bayan dito sa japan." Nagpause si sensei, tumingin sakin at ngumiti.

"Kiita koto ga nai?" (Hindi mo pa talaga naririnig?) She's asking me about the story.

"Mada nai sensei." (Hindi pa po)
Tinuloy na nya.

"May boyfriend sya si iemon, hindi mayaman ang boyfriend nya pero mahal sya ni oiwa. Nagpakasal sila, at di nagtagal nabuntis si oiwa. Habang tumatagal napapansin ni oiwa na parang depressed si iemon, siguro dahil sa kahirapan, lagi syang galit. Naging unhappy yung relationship nila. Hanggang sa nagkaroon ng affair sa isang mayaman na babae si iemon na ang pangalan ay oume. Minahal sya ni oume kahit na mahirap lang sya at kahit alam ni oume na may asawa na sya." Nagpause ulit sya.

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon