Cyrus

51 0 0
                                    

SANGUINE VAMPIRE Part 5

May 2016 dumating yung tita ko galing ng Idaho Falls, USA kasama yung anak nyang 7 yrs old na si Ellie. Dun sila nakituloy sa bahay namin since 1 week lang naman sila dito sa Pilipinas. Close ko rin yung tita ko na yun. One time nakakuwentuhan ko sya bago ako pumunta kay Jia. Tinanong ko sya kung naniniwala ba sya sa mga bampira, sabi nya oo daw kasi nung nagbakasyon daw sila sa Utah yung asawa nya may kaibigan na ganun. Pero hindi daw nila masyadong ipinagkakalat. Naguilty tuloy ako kasi sobrang daldal ko hahaha. Pero naisip ko din, Utah? Kung sa Canada siguro yun pwede akong maghinala na si Alex yun pero kasi Utah daw eh. Madami pang nakwento sakin si tita about sa kaibigan ng asawa nya, late ko na nalaman na babae pala. So imposibleng si Alex sya na napadpad lang sa Utah.

Bandang 5pm nagpaalam ako kay mama na pupunta lang ako kila Gab pero kay Jia talaga ako pupunta nun. Kaso ayaw ako payagan kasi aalis daw sila ni tita kasama yung kapatid kong babae at wala daw maiiwan kay Ellie. Sabi ko isama na lang nila since pare parehas naman silang babae. Magbonding na lang sila kasi kailangan ko umalis pero ayaw ni Ellie sumama. Gusto nya daw kami magbonding, namiss din kasi ako ng pinsan ako. Nung nagbakasyon kasi ako sa USA kami lang talaga palagi magkasama kasi wala naman syang kuya, nag iisa lang sya. Yun nga lang nagdadalawang isip ako kung isasama ko ba sya o hindi kasi nga papunta ako kay Jia pero sinama ko na, bahala na makulit eh. Bago kami dumiretso kay Jia dumaan muna ako ng wet market para bumili ng dugo. Tanong pa nga ng tanong yung pinsan ko kung para saan yun. Sabi ko sa kanya "I'm gonna drink this later" tapos sabi nya "Why? That's disgusting. Are you a vampire?" then sabi ko "oo".

Nung nakarating kami sa unit ni Jia naabutan ko sya sa may kusina. Nilagay ko muna yung plastic na may mga blood sa may lamesa tapos pinaupo ko si Ellie sa may sofa at lumabas ako ng unit kasi tumatawag si mama. Baka late na daw sila makauwi kasi si tita nagpasama bumisita sa mga kaibigan nya. Nagbilin pa na wag ko daw pabayaan si Ellie kasi makulit daw yung pinsan ko at masyadong curious sa paligid nya. Bigla ko naalala na iniwan ko pala sya sa may sofa tapos si Jia nasa kusina, pano kapag nakita sya nito. Bumalik agad ako sa unit tapos hinanap ko yung pinsan ko pero wala na sya dun sa may sofa. Kinabahan ako agad lalo na nung nakita ko yung nagkalat na patak ng dugo sa sahig. Napapamura ako sa isip ko kasi mapapatay ako ng tita ko kapag may nangyari sa pinsan ko. Pero nawala yung kaba ko nung marinig ko yung boses ni Ellie "Oh wow! How did you do that? Omg your fangs! They look so cute and oh those eyes, they are so unreal! I want to be like you someday!" tapos tumatawa. Sumilip ako sa may kusina, dun ko nakita si Jia sa may sulok ng lamesa at iniinom yung blood na nakalagay sa plastic. Si Ellie nakatayo lang sa harap nya at mukhang naaamaze pa sa hitsura nya. Gusto ko sana ilayo si Ellie sa kanya kasi baka hindi nya makontrol yung sarili nya. Pero itong pinsan ko pumipiglas, sabi nya pa "Cyrus she's amazing, don't let her go! I want her to be part of the family. Marry her!"

I will Ellie, I will

Yan lang.

Cyrus

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon