NSNMMM?

81 1 0
                                    

Ang abnormal na buhay ng isang ordinaryong half half V

Sinubukan naming sabihin kay Boss na mag-aaral kami. Ang tagal nya kaming tinitigan. Tapos nung tumango sya, hindi kami makapaniwala ni Jane. Hindi na sya pala salita mula nung sabihin namin sakanya yung sinabi ni Niko. Nagsibalikan kami ni Jane sa school na pinag graduate-an namin ng highschool para kunin namin yung mga kailangan. Nung natapos ko na, dumiretso ako kay A-po. Una, hindi sya makapaniwala na pumayag si Boss. Pero kitang kita ko na tuwang tuwa sya. Sabi nya pangarap nya talaga sakin, maging maestra.

"Ih A-po naman. Dun sa university na yun hindi pasado general average ko pag teacher kinuha ko, ayoko rin na magturo Po"

"Eh di kumuha ka ng units mo para ka makapagturo. Sayang yung kadaldalan mo. Pero maiba ako, nagkatotoo na yung nakita ni Norma, nakita nya dati na magbabagong paunti unti si Rudy"

Kilala ko yung Norma. Manghuhula yun na tinuluyan namin nang apat na buwan. Marami syang customer. Mga taong nawalan ng mahahalagang gamit, yung mga gustong malaman sinong nagnakaw ng baka, kambing o manok nila. Sinong kabit ng asawa nila. Yung mga gustong malaman kapalaran nila. Hindi sya yung manghuhula na may tarot cards o bolang kristal. Ang gamit nya kandila at palangganang may tubig. Pero namatay na sya eh kaya kami lumipat ni A-po agad. Naalala ko yun, gabi bago sya magkasakit, may kumatok sa pinto. Dalawang beses. Bubuksan ko sana kaso pinigilan ako ni A-po. Tapos naalala ko, oo nga pala dapat tatlo o higit pa yung pagkatok kung tao, kaso hindi na kumatok ulit. Dahil dun nahiga na kami agad ni A-po. Si Norma may customer pa na sinisilbihan nya sa kusina, yun kasi yung parang opisina nya pag may customer sya. Bandang alas onse, kumatok si Norma sa pinto ng kwarto namin.

"A-po, A-po! Akala ko yung customer yung kumatok kaalis lang kasi nila tapos may kumatok. Ang tanga ko A-po! Binuksan ko!"

Tahimik na kumuha si A-po ng itak. Tinapik-tapik nya yun sa balikat ni Norma. Tapos pinalabas nya ako para manguha ng damong sinabi nya, balahibo ng manok tapos pinaggupit nya si Norma ng pubic hair. Pinalagay nya yun sa takip ng kaldero at pinasindihan sakin. Binalot nya ng kumot si Norma tapos itinapat dun sa usok. Natatawa ako nun kasi nakita ko na yun na ginawa ni Aaliyah, dun sa bagong panganak na nabinat. Kahit bulag pa nun si A-po alam nya na tahimik akong tumatawa, sinipa sipa nya ako.

Ipagdasal na lang natin kaibigan na kung ano man ang pumasok nang buksan mo ang pinto, ay napalis na ng usok

Sabay kaming tumango ni Norma. Narinig din nya si A-po sa isip nya? Nung gabing yun, si Norma sa tabi namin natulog. Kinabukasan, pagkagising namin, nilalagnat na sya. Nagsuka bandang tanghali. Magdadapit hapon habang nagpapaninggas ako sa pugon, may mga ibon na dumapo sa bubong ng igiban. Mga itim na ibon, tatlo. Nang sabihin ko yun kay A-po, inutusan nya akong batuhin ko sila para umalis. Pero kahit anong gawin kong pagbato, bumabalik pa rin sila.

Iniwanan ko yung niluluto ko sa utos na rin ni A-po. Pinakuha nya ako ng mga natuyong dahon ng saging at niyog. Inilatag ko yun sa paligid ng bahay. Saka ko sinindihan, ang usok-usok. Pabalik na ko sa niluluto ko nung lingunin ko ulit yung mga ibon, wala na sila. Pero ang pakiramdam ko bigla may nakatingin sakin. At dun sa tabi ng pugon, andun yung tatlong ibon. Sumisgaw akong pumasok sa loob, yumakap kay A-po. Dumating si Gregor kalaunan.

"Ilalayo ko na lang sya dito A-po"

Kahit ilayo mo sya Gregor.

Umiyak nun si Gregor. "Bakit kasi ang tanga mo Norma bakit mo binuksan agad"

Hindi sumagot si Norma. Binantayan sya ni Gregor, nahiga na kami ni A-po. Tapos binilinan ako ni A-po, wag na wag kong gagayahin ang pagkakamali ni Norma. Naalimpungatan ako kasi naiihi ako, pagpasok ko ng banyo andun si Norma, nakaupo sa sahig ng banyo, puro dugo mukha, damit, pati yung sahig, may screwdriver na hawak. Inaantok pa ko kaya lumabas ako saka sinara yung pinto. Tapos nung nahimasmasan na ko ng onti, sumigaw ako.
Ang usapan ng mga tao sa lamay ni Norma, nabaliw sya kaya nya yun nagawa. Gusto kong sabihin na hindi sya nabaliw, dahil yun sa katok. Pero alam ko rin na kahit anong sabihin ko, hindi sila maniniwala. Baka isipin pa nilang baliw ako. Kaya tinikom ko na lang bibig ko at inalo si Gregor. Sinisisi nya sarili sa nangyari, nawalan kasi sya ng malay. Bumangon na lang bigla si Norma tapos hinampas sya ng walis tingting. Pinalagay yun ni A-po sakin sa silong ng papag ni Norma. Kitang kita naman yung latay sa mukha nya. Nangingitim na. Sa araw ng libing ni Norma humahangos si Aaliyah na dumating.

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon