Cyrus

40 0 0
                                    

SANGUINE VAMPIRE Part 2

Salamat sa mga nagbasa. Actually wala na sana akong balak na dugtungan yung kwento pero nagmessage si admin na ipost ko full story.

Nagbasa rin ako ng mga comment at ito pala yung mga reply ko.

"Plot twist: Nagkatuluyan si Jia at Cyrus"

-Sa ngayon hindi pa. Oo gusto ko si Jia kahit kakaiba sya pero ayoko munang malaman nya na gusto ko sya kasi ayokong lumayo sya sakin. Pero dahil sa parang nababasa nya naman ata yung nasa isip ko at naririnig nya yung tibok ng puso ko baka alam nya na rin. Basta, bahala na.

"Maswerte mga admin dito.Bakit? Kasi kilala nila yung mga taong behind this/those story/stories"

-Hindi naman po maswerte kasi inuulit ako bago ako magconfess dito gumawa ako ng bagong accout. Oo alam nila yung fullname ko pero wala kasi akong mga picture dito kaya hindi rin nila kilala yung mukha ko. At nagtitiwala akong hindi nila hahanapin yung mga social media account ko.

"So ibig sabihin..sa huling part na sinabi mo, ipinagkalat mo sa tropa mo ang sitwasyon ni Jia??"

-Pinili ko yung mga taong pagsasabihan ko. Hindi ko kaya yung ako lang yung nakakaalam, nakakabaliw to.  Pano kapag may nangyari kay Jia o kaya yung ibang kaibigan ko nakita nila si Jia na may iniinom or kinakain na kung ano ano, pano ko ipapaliwanag sa kanila yun? Marami akong kaibigan pero tatlo lang ang sinabihan ko. Mga kababata ko sila kaya alam ko na rin kung mapagkakatiwalaan ba sila o hindi. Tanggap naman nila si Jia. At bago ko sabihin sakanila yun nagpaalam ako kay Jia.

"GUSTO KO MAMEET SI CYRUS AT JIA! PAGBIGYAN NYO KO PLEASE! HUHU"

-Gustuhin man namin na ilantad yung sarili namin sa inyo hindi rin pwede. Sana maintindihan nyo guys. Sapat na yung naishare ko sa inyo yung kwento ni Jia. Wag kayong mag alala natutuwa naman din sya sa mga comment nyo kasi pinabasa ko sakanya ngayon ngayon lang bago ko itype to.

"Naku! Yari ka kay Jia pag nabasa nya to"

-Nagpaalam ako sakanya bago ako nagconfess dito. Actually magkasama kami ngayon kasi kakatapos nya lang basahin yung mga comment nyo.

"Pwede nyo ba kong gawing vampire?"

-Bago kayo humiling isipin nyo muna yung kahihinatnan nyo kapag natupad yung bagay na yun. Hindi gusto ni Jia yung nangyari sakanya. Hindi sya pure vampire "Sanguine" sya. Ibig sabihin nun nahawa lang sya dahil nabiktima sya. Nakokontrol nya yung sarili nya minsan pero madalas hindi.

"Wow ..parang twilight lang ahh"

-Magkaiba yung movie sa totoong buhay. Yung vampire na ineexpect nyo hindi yun ganun. Si Jia oo maganda sya pero kung titignan mo mukha lang syang normal na tao ang kaibahan nga lang ang pale ng balat nya at ang lamig ng buong katawan nya.

Yun lang balik tayo sa kwento.

Sinabi ko sa tatlong kaibigan ko yung tungkol kay Jia. Hindi naman sila natakot sabi pa nga nila "ang cool" daw. Oo literal na cool kasi malamig si Jia. November 2015 hapon na yun nung nagtext si Gab na pumunta kami sa bahay nila. Syempre november 1, naghanda sila kasi death anniversary din ng lolo nya. Sinabi nya rin na isama ko na rin si Jia para naman nakakalabas sya basta lang daw wag mag transform sa harap nila kasi baka mag freak out yung mga kamag anak nya. Pero never ko pa kasing naaktuhan na nagtatransform si Jia into paniki, werewolf or what kaya safe naman siguro. Pinuntahan ko si Jia sa condo nya ng bandang 6:45 pm. Hindi naman naglalock ng pinto si Jia kaya nakapasok ako. Pero napa facepalm ako agad nung makita ko yung hitsura ng kwarto nya, sobrang kalat. May mga dugo sa sahig. Dumiretso ako sa kusina para hanapin sya pero wala sya dun. Wala rin naman sya sa CR pati sa kwarto nya. Tinignan ko bawat sulok pero hindi ko sya nakita. Natakot na ko kasi baka nilooban na sya, ayokong isipin na may nangyaring masama sakanya pero nagulat ako nung may biglang bumagsak sa harapan ko napatakan pa nga rin ng dugo yung mukha ko. Tinignan ko sya, hindi na ko masyadong natatakot sakanya di katulad nung unang beses na nakita ko syang iniinom yung dugo ng aso. "Bakit ka nandito?" tanong nya agad sakin tapos sinabi ko sakanya na iniinvite kami ni Gab na pumunta sa kanila. Nung una ayaw nya pa, nauuhaw pa daw kasi sya. Gusto nya kapag pumunta kami dun yung tipong normal na yung hitsura nya at alam nyang hindi sya aatakihin or susumpungin ng pagka uhaw. Siguro isang oras din kaming nagstay sa condo nya kasi nilinis ko rin yung kalat nya tapos nun umalis na kami papunta kila Gab. Nameet namin yung buong pamilya ni Gab. Yung mga pinsan nya nakikipag kilala kay Jia pero hindi na pinayagan ni Gab na maexposed si Jia sa mga kamag anak nya. Pinapunta nya kami sa kwarto nya dun kami kumain para din hindi mailang si Jia or maattract sakanila. Napansin ko kasi yung pagtitig ni Jia sa mga leeg ng kamag anak ni Gab nung dumating kami dun. Alam kong kinokontrol nya yung sarili nya pero pano kapag hindi nya na napigilan. Bandang 12am hilong hilo na ko kasi nag inuman kaming magkakabarkada. Dumating din kasi sila Mark at Greg. Nagpaalam si Jia na mag CCR lang pero siguro 20 minutes na hindi pa sya bumabalik tapos narinig pa namin na sumisigaw yung lola ni Gab. Nagkakatitigan  pa kaming magkakabarkada kasi parang iisa lang yung naiisip namin tapos sabay sabay na kaming tumakbo palabas ng kwarto kahit hilong hilo na kami. Pumunta kami sa may kusina nakita namin dun yung mga kamag anak ni Gab na nag uumpukan habang si Jia nakaupo sa sulok. Iba yung hitsura eh maski ako natakot at kinabahan kasi nakalabas yung pangil nya tapos yung mata nya may pagka silver at namumula din yung sclera nya pero buti nalang madiskarte tong si Gab. Tumawa sya tapos pumapalakpak pa sabi nya sa mga kamag anak nya "Hahaha natakot kayo no? Prank lang yan. Tara na dito Jia" tumakbo ako papunta kay Jia at itinayo sya. Niyakap ko sya kasi nanginginig sya bumulong pa nga sya sakin na nauuhaw sya at sobra sobra yung paghingi nya ng tawad. Umalis kami dun sa may kusina si Gab na yung bahalang nag explain sa pamilya nya ang sinabi nya lang halloween kasi kaya trip ni Jia manakot naniwala naman yung mga pinsan nya pero hindi ako sigurado kung lahat sila nakumbinsi.

Mabait si Jia. Hindi sya nananakit pero syempre minsan hindi naman natin masasabi lalo na kung nauuhaw o nagugutom sya. Basta ako nandito lang ako lagi para suportahan at itago lahat ng nalalaman ko tungkol sakanya.

Cut na daw muna kasi natutuwa sya sa mga comment nyo excited sya mabasa yung magiging reaksyon nyo dito.

Pero inuulit ko hindi sya masamang tao. Hindi nya gusto yung nangyari sakanya. Nahawa lang sya. Kung may pagkakataon lang para maging vampire din ako lahat gagawin ko. Gusto ko syang damayan gusto ko makarelate sa mga nararamdaman nya.

Salamat ulit!

PS:Sa mga gustong magtanong kung may reflection si Jia, wala po, wala sya nun. Bakit sya natutulog sa kama? Kasi iniisip nya pa rin na normal na tao lang sya. Sobrang dilim din ng kwarto nya, tipong walang sinag ng araw na nakakapasok dahil sa makakapal na curtains na binili namin nila Greg.

PSS:Buti pa si cyrus hindi paasa -ADMIN R

Cyrus
Quezon City

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon