Hunter

76 0 0
                                    

Sa mata ng bata

Si Mardee naman ito. Four years old lang, anak ng kuya kong panganay. Sari-saring kwento sa twing kasama namin sya tas may nakikita syang mga panget (multo/demonyo). Madalas syang magkasakit dahil sa mga nakikita nya, sa takot siguro syempre bata pa.

Knock knock, who's there?

Nangyari ito sa bahay namin sa manila, sila ni Ate Elah, mama nya. Asawa ni Kuya. Ang set up ng bahay namin apartment type na may second floor. Sa likod kulong yon so walang pwedeng makapasok, unless para kang si iskati baby na tumalon. Naglalaba daw non si ate, nakasara yong pinto sa harap, sila lang mag ina sa bahay. Si Lena, bunsong kapatid nya nagpapa enroll nong bigla na lang tumakbo si Mardee, yumakap sa kanya.

""Bakit be?""

""May tao""

So nagtaka na sya non kasi hindi naman takot sa tao yong anak nya. Nong dumungaw sya wala naman. Pinaupo na lang nya sa may bangko si Mardee. Tas tumunog phone nya, nasa loob, inutusan nya na kunin. Yong bata parang takot na takot.

""Baka si papa mo na yon nak, usap tayo ni Papa""

Yong bata dahil miss na papa nya sumunod naman. Pero nadapa dapa anak nya sa pagmamadaling makabalik sa likod. Pumasok si ate elah sa loob at itinayo anak nya. Pag angat nya ng mukha nya, parang may nakita syang figure na nakatayo sa may bintana. Tas bigla na lang nawala. Kinilabutan sya kaya iniladlad nya yong kurtina.

Gabi na, dumating na si papa at mama pati si Lena. Una habang kumakain sila may kumatok. Hindi nila binuksan yong pintuan basta nag sino yan lang si papa, nong walang sumagot hinayaan nila, sabi ni mama baka mga batang nangtritrip lang. Silang tatlo na lang sa may sala nanonood, sila papa tulog na nong may kumatok ulit. Bubuksan sana daw nila Lena yong pinto kaso sumigaw si Mardee

""Tita wag! Makakapasok sya! Bad yon eh""

Dahil don umakyat na sila tas nag soundtrip.

Sumunod na gabi, hindi umuwi si papa tas si mama umuwi dito sa probinsya kasi reunion nilang magkakaibigan. Ganon na naman. May kumatok pero hinayaan lang nila. Pero si Mardee, inaya sila sa taas sa may kwarto. Nakabukas yong mga bintana don para pumasok hangin, sa kwarto lang kasi nila papa yong may ac, allergic si ate elah sa lamig. Pag dumungaw ka kasi doon kita mo yong baba, sa tapat ng bahay namin streetlights. Naririnig pa rin daw nila yong pagkatok. Pero nong dumungaw din sila, walang tao sa harap ng pinto.

""Kita nyo ma. Yon oh ang laki laki na man"" Nagtinginan lang daw silang magkapatid kasi wala sila talagang makita. Pero nagtitili na silang dalawa sabay hila kay Mardee palayo sa bintana nong marinig ulit yong sinabi ng bata. ""Mama nakatingin sya dito""

Batang yagit

Sinabi nila yong kumakatok kay papa. Kay mama kasi hindi sya maniniwala. Sabi ni papa magdasal sila. Ako naman nong lumuwas ako tas kwinento nila, biniro ko sila na dapat nong sinabi ni Mardee na nakatingin dapat kumaway sila. Binatukan ako ni ate elah. Tas okay na, akala namin.

Umaga non tanghaling tapat. Nakahiga ako sa may folding bed tas nanonood ng dracula untold, si mardee naglalaro sa phone ng mama nya. Si Lena nasa labas kausap boyfriend nya, si ate elah tulog. Yong screen door sa likod lumagabog, parang may bumangga don. Pinause ko yong pinapanood ko at tinignan ko pero di ko binuksan yong pinto.

""Te ano yon?"" Narinig din pala ni Lena. Pusa ata sabi ko lang. Nood ulit ako, may lumagabog ulit.

""Shoooo!"" Sabi ko lang. Tas hindi ko napansin na tumayo pala si Mardee. Nalaman ko lang nong aabutin ko sana yong paa nya para kilitiin para ma out sya sa nilalaro nya para umiyak, mahilig akong magpaiyak ng mga pamangkin ko eh. Pero wala akong makapa, pagtingin ko nakatayo na sya, nakaharap sa lababo, yong lababo may bintana. Wtf! Kasi may apat na màliliit na mga panget na nakadungaw, parang beauty queen pa na kumakaway kaway. Hinila ko si Mardee tas tinakpan mata nya.

""Tita wala daw silang mama""

""Sino nagsabi?""

""Yong mga bata. Kaya dumi daw sila kasi wala silang mama, gusto nila mama din nila si mama, diba di pwede yon?""

Niyakap ko sya. Kasi pag nakaharap pa sya sa may bintana, makikita ko pa rin yong mga bataan ni my precious. ""Hindi nga be. Pag pumayag ka gusto mo magkakaroon ka ng mga kapatid na panget""

Bakit andaming tao?

After non nagkasakit si Mardee. So inuwi namin sya dito sa probinsya. Una pinatawas sya, yon nga natakot. Nagkasabay sabay na, nagtae, nagsuka, ayaw nyang kumain kahit mag gatas. Tapos yon pina admit na sya. Si Kokang ang nagbantay sa kanya, syempre daming pagkain eh. Gabi non, tulog si ate Elah sa pagod. Nagpasama si Mardee kay Kokang na umihi. Asa kwarto sila at dadalawa lang silang pasyente doon sa loob.

Nong pagkalabas daw nila ng banyo, sabi ni Kokang, yumakap sa kanya si Mardee. Tinanong nya kung bakit. Hindi sumagot yong bata. Pero nong nahiga na sya ulit, nagtakip ng mata. Alam din ni Kokang yong nakakakita si Mardee. Takot na sya, kung hindi lang daw bruha si ate elah pag nabibitin sa tulog ginising na nya.
Tas nong nagrounds yong doktor, habang chinecheck yong temperature ni Mardee, umiyak sya.

""Bakit baby anong masakit?"" Tanong daw nong doktor. Nagising na rin si ate elah.

""Lalo silang dumami. Ang dami dami na nila"" Nagwawala na yong bata. Yong doktor daw halatang kabado.

""Mama palabas mo sila andami dami nila mama sikip sikip""

Tas yong bantay nong pasyenteng kasama nila sa kwarto, pinahiram sila ng pulang damit, ipinasuot kay Mardee .

""Kasi pag bata ang nasa ospital dapat may dala kayong pula. Lapitin sila eh""

Yong binabantayan nya bata rin, naka jogging pants na pula. Tas nong nasa pinto na yong doktor, pumalakpak si Mardee .

""Galing galing ni Dok, sama sila sa kanya""

Uno

Itong taon lang nong uno, dito sa probinsya. Tinanghali kaming lahat ng gising, hang over tas food over. Doon kami natulog sa bahay nila daddy kasi silang mga thunders nasa bahay namin, puno na. Unang nagising si Mardee. Sinasabunutan nya ako pati si Tope (pinsan din) na bumangon na. Nasa kama ako katabi si Lena tas ate elah. Si Tope katabi si kuya whang tas asawa nya sa sahig.

""Bakit ba?"" Feeling ko kasi ubos na buhok ko sa pagsabunot nya.

""Punta tayo na kay mamang (mama ko) tita""

""Yiieee! Ayoko pa. Tulog ka muna lika dito""

""Ayaw""

""Laro ka sa phone ko pineapple pen?""

Nagulat ako nung humindi sya. Eh adik sya sa pineapple pen. Sunod nyang kinulit si tope, kinabayuhan nya. Tas binato sya ng kumot ni Lena.

""Ayaw na dito tita""

""Bakit ba kasi?""

""May bata sa likod ni mama eh tas sa silong may matanda bad sya tumingin""

Nagsibangon kaming lahat sabay takbo papuntang bahay namin na asa likod lang, maliban lang kay ate elah na hindi alam kung sisigaw o iiyak. Pinasundo namin sya kay mamu (tita namin) pinapagalitan pa kami kasi hinahayaan raw naming maniwala si Mardee sa mga nakikita nya. Yiiee! nakakatakot kasi.

Hunter

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon