NSNMMM?

73 0 0
                                    

*** Ordinaryong buhay, ekstraordinaryong mga tao IV ***

Sa tabi lang kami ng sementeryo nakatira. Sa harapan din ng bahay eh funeraria. Kaya sanay na yung mga bata sa karo o parada ng patay. Umuwi nun si Jay, pagkarating nya, kasama nya si Mae, anak ni Jaja. Buhat nya kasi umiiyak. Si Eyah lumapit sakanila.

“Taytay, nakasunod sainyo yung ineembalsmo sa harap”

Ang laking tae ni Jay pero matatakutin. Bigla nyang ipinasa sa kuya nya si Mae. “Luh kaya pala malamig”.

Tawanan kami. Kainan na nung mapansin kong wala si Eyah, nakita ko sya sa may harap. May kaharap syang lalaki na walang mukha. Yun siguro yung ineembalsamo sa harap. Ilang beses ko syang tinawag bago sya parang natauhan. Nawala na rin yung demonyo. Nawala lang pala sa paningin ko.
Gabi, inabangan namin si James sa harapan, nung may tumigil na tricycle sa tapat ng tindahan. Walang problema yung bumaba, dun sa driver ang meron. May nakasakay sa loob ng sidecar, yung suot nun yung suot din ng katitigan ni Eyah tapos yung driver walang ulo. Napatakip ng bibig si Mae at Eyah. Ako? Bigla ko na lang pinara si koya.

“Saan tayo maam?”

“Kuya” Hindi ako makapagsalita ng maayos.

“Maam?”

“Kuya”

“Maam”

“Wala ka pong ulo manong, nasaan ulo mo po?” Sabad ni Eyah. Napatingin si koya sa sidemirror nya, nung nakumpirma nyang wala syang ulo, hinawakan nya ko sa kamay.

“Anong gagawin ko maam?”

Bago ako makasagot, si Eyah na. Hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko. “Magdasal po tayo kay God”

Si Eyah ang naglead ng dasal. Pagkatapos nun, nagka ulo na ulit si koya. “Yung inembalsamo kanina, naaksidente dahil nagdrive ng lasing. Ikaw manong pagkatapos mong mamasada, iinom kayo ng kapatid mo. Uuwi kang nakainom”

Yung tingin sakin ni Koya iisa ang sinasabi, bata ba talaga si Eyah? Nginitian ko na lang sya. Minsan iniisip ko rin yan. Iniisip ko rin, magkakaroon kaya ng normal na buhay ang katulad ni Eyah? Pero sa tuwing maiisip ko yun, naaalala ko si Niko. Halos pareho sila ni Eyah, pero mukha namang normal lang sya.

***

Ginising akong maaga ni James. May pupuntahan daw kaming kaibigan ng pamilya nila, birthday daw ni Aling Bibe. Apat na bayan ang layo. Nasa highway pero walang kapitbahay. Sa kaliwa’t kanan at harapan ay maisan. Pagdating pa lang namin napansin ko na yung mga basag na bote na nakalagay sa bakod. May dalawang mangga na ang tubo eh pahiga na parang kinukubli ang pinto ng bahay. Paglagpas ko run, uminit ang talampakan ko kahit naka sapatos naman ako. Siguro kung madalas pa rin ang paroo’t parito ko, hindi ko nakayanan yung sakit na dulot ng nakabaong luya at asin sa lupa. Mabuti na lang nagpapaka tao na ako.
Bago ako makapasok, may humarang na matabang babae sakin, una sakin nakatuon ang mata nya, saka dumako sa likod.

“Masama ugali ng nanay mo, hindi sya makapapasok dito”

Natigilan ako run. Paano nya alam? Nakakakita rin ba sya? Katulad ko ba sya? Tinapik nya ko sa pisngi.

“Manggagamot ako Ana. Matagal ko ng gustong makilala ang mga kaibigan ng bunso ni Aning pero hindi ako pinapalad. Tapos heto na ang isa”

Uminit pisngi ko nung sabihin nya yun. Kaibigan na ‘ko nila Jay? Ang saya naman kung ganun. Sa sobrang saya ko hindi ko gaanong napansin si Eyah. Hindi ko rin napansin na lumabas sya ng bahay. Hindi ko rin natanong kay Aling Bibe kung bakit alam nya pangalan ko. Pakiramdam ko, lahat kami nahalina sa ibang bagay. Naputol lang ang tila mahikang lumukob samin ng marinig ang kalansing ng kadena at isang sigaw. Batang babae. Dun hinanap ng mata ko si Eyah at Mae, nung hindi ko sila makita dun ako nagmadaling lumabas. Pero naunahan ako ni James.
Makasarili na kung makasarili pero nakahinga ako ng maluwag nung makitang hindi sila Eyah ang naatake ng aso. Kung may asong ganun kalaki. Kinakausap ni James si Eyah at Mae na dahan-dahan ang paglapit sakanya. Si Eyah nakatitig lang sa aso, si Mae una marahan lang pero nung umangil yung aso, bigla syang tumakbo. Sigaw lang yung nagawa ko nung akala ko maaabot sya nung aso. Pero bigla na lang may humarang na maliit na sanga sa pagitan nila.

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon