Bes wag kang umupo dyan
Kwento ng pinsan ko sakin ito. Habang nagluluto kasi kami ng handa para sa bagong taon, nasabi ni Bakokang (pinsan ko rin) na nagkwekwento ako ditey. Kaya yon may ilan sa kanilang nagkwento para ikwento ko rin sa inyo. Unahin ko kwento ni ate Lelei kasi niregaluhan nya kong pabango Di man ganun ka intense pero siguro mapapataas nito balahibo nyo. POV nya gagamitin ko para dama bes.
Teacher ako sa isang public school. Third year ang handle ko ng mga panahong yun, geometry. Maayos naman ang mga unang buwan. But come second grading, nagbago lahat.
Ang last class ko, 4-5pm, sa III-Bromine. Ang kilalang kilala ko sa kanila bukod sa mayor nila, si Kiko. Si Kiko, makulit, pasaway. Madalas ko syang sawayin lalo na kung mag uuwian na, sutil kasi. Itinatali nya bag ng katapat nya ng upuan, ang ending pag isinuot ng katapatan nya yung bag at tumayo, kasama pati upuan. Mayroon pang pag magpapa quiz ako, anong petsa na, wala pa rin syang papel. Pero magaling syang estudyante, pilyo lang talaga. Nagbago lang lahat pagdating ng 2nd grading.
Ang ayos ng upuan sa room ko, ganito (Nasa comment section)
Nasa pinaka likod na row sya nakaupo, absent sya ng dalawang araw dahil naaksidente sya sa motor. Tahimik sya nung pumasok na sya, may gasa sa bandang kilay, Walang banat o hugot bago sya pumasok ng room, pero napatigil sya malapit sa table ko. Umupo na sya na ang tahimik.
""Kiko kamusta ka?""
""Ayos na Ma'am""
Naisip ko nun, mukhang malakas ang tama sa ulo nya at himalang tahimik.
Syang pagdating naman ng mga kaklase nya. Pero nang uupo na sana yung seatmate nya don sa bakanteng upuan, sa row nila, dahil sira yong upuan sa tabi nya, bigla syang tumayo at sumigaw.""Wag kang umupo dyan!""
Lahat napatigil sa ginagawa. Hanggang sa inirapan sya ng seatmate nya bago magtungo sa tabing upuan ng table ko.
Sunod na araw, sa advisory class ko, bigla pumailanlang ang nakakakilabot
na iyak. Pero hindi naririnig ng lahat. Ako, at yung mga nasa likod lang, sa pinaka dulong row. Lumipat sila sa harapan, nag indian seat.A week after that incident, hiniram ng science section ang room ko para sa play nila. Ang naging ayos na ng mga upuan, nasa gilid na, lumuwang. The whole day, nilalamig ako, inisip ko na lang baka magkakasakit ako.
Dumating ang section nila Kiko, sya naman napatigil sa may pinto. Naglipat ang tingin sakin at sa kabuuan ng room, saka sya umupo, sa dulo sa kanan, katabi ng cr.Nadidistract ako sa kanya. Nakatingin kasi sya una akala ko sakin, until I've come to realize, sa gilid ko pala. Dalawa ang electric fan sa room, pero nagpapawis sya. Then, sumubsob sya sa desk nya. Dapat hindi ko sisitahin, baka kasi dahil pa sa sugat nya kaya ganun. Pero nang magsimula syang umiyak, dun na ko lumapit sa kanya. Sinabihan ko sya na kung gusto nya, magpunta sya ng clinic. Pero ayaw nya. Hinayaan ko na lang ulit. Pero napatigil ako ulit nang tumayo sya at kinuha ang bakanteng upuan at nilagay sa gitna. Tinawanan sya ng mga classmates nya, ako naman takang taka. May isang classmate nya ang tumayo para tanggalin ang upuan. Pero bigla nyang sinugod at tinulak.
""Juls! Kiko! Umupo na"" Sinaway ko sila.
Guminhawa kasi ang pakiramdam ko. Nawala ang kakaibang lamig na nagpapataas ng buhok ko sa batok. Malapit ng mag time nang dumating anak ko. Kaswal na pumasok, nang siguro hindi nya makita ang upuan sa gilid ng table ko, na syang inuupuan nya pag dumarating sya galing eskwela nya, doon sya umupo sa upuan na asa gitna.
May kung ano ang nagtulak sakin para madaliang lapitan sya at hilahin. Pero naunahan ako ni Kiko. Marahas nyang nahila at umaray ang anak ko. Sa normal na pagkakataon, magagalit ako. Protective akong ina, but that time, iba.
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)