NSNMMM?

100 0 0
                                    

*** Ordinaryong buhay, ekstraordinaryong mga tao VI ***

Sabi nila walang nakaaalam ng totoong petsa ng kapanganakan ni Hesus. Pero wala namang problema kung ise-celebrate natin ito tuwing disyembre. Ang mahalaga ay alam natin ang tunay na dahilan kung bakit natin sine-celebrate ang pasko.
Ber months na, sana si Jesus ang maisip natin hindi ang mga regalo. Sana hindi sya masapawan ni santa claus. Sana ang maging sentro ng pasko natin si Jesus. Dahil nung ipanganak sya, nagkaroon ng pag-asa lahat ng mananampalataya. Pag-asang sa pamamagitan ng bugtong na anak ng Diyos na lumikha sa lahat, maliligtas tayo sa dagat-dagatang apoy at habang panahong paghihirap.

***

Tuwing miyerkules may mass na kailangan attend-an nila Eyah. Nung miyerkules na yun, may mga bisitang madre at ilang pari sa simbahan. Isa-isang nakapila ang mga estudyante mula nursery at grade 12 para mag-mano sakanila. Si Eyah hinila ako paalis sa linya.

"Bakit be?"

"Ma ayokong pumasok sa loob"

"Bakit?" Dati rati naman pumapasok sya pero madalas masama ang timpla ng mukha nya. Hindi rin sya lumuluhod o nag-aantada.

"Ayoko. Dami nila sa loob"

Nilapitan ko ang teacher nya at sinabing sa labas na lang kamimg dalawa kung maari, pumayag naman sya. Kaya ng makapasok na ang lahat, naglilibang kami sa may koi pond. Nung may maramdaman akong presensya sa likuran. Paglingon ko, isang madreng may kulay puting abito ang nakatingin kay Eyah.

"Bakit hindi kayo pumasok sa loob?" Naupo sya sa tabi ni Eyah.

"Ayaw po ng bata"

"Ikaw ang nanay dapat ikaw ang masunod" Unang beses kong makausap ang isang madre kaya nagulat ako kasi biglang nagbago yung mood nya.

"Kung ako po ang masusunod, mamaya pa po kami papasok ng school"

"Anong ibig mong sabihin?"

Bago ako makasagot tumabi sakin si Eyah. "Ayokong pumasok sa loob. Ang daming diyos-diyosan"

Akala ko matutumba sya sa galit. Napa sign of the cross sya saka nya dinuro si Eyah.

"Anong sinabi mo? Ang mga asa loob na rebulto ay rebulto ng mga santo mga martyr na namatay para sa Diyos at ang ina ni Hesus!"

Tumulis nguso ni Eyah. "Mga dinadasalan nyo pong mga rebulto. Yang mga santong yan walang alam sa nangyayari sa mundo po. Kahit si mary"

May sinabi sya hindi ko naintindihan. Halatang halata na nagpupuyos sya sa galit nya. Bigla syang lumuhod sa tapat ni Eyah at hinaplos sya sa buhok. "Naniniwala ka ba kay Jesus little girl?". Tumango si Eyah. "Alam mo bang pag hindi ka naniwala sa mama mary Nya, magagalit Sya?"

Biglang umatras palayo sakanya si Eyah. Mga ilang segundo silang nagtitigan. Tapos hindi ko inasahan yung ginawa nya.

"Nope nope shantidope" (Repeat 3x)

Natawa ako sobra. Sobrang natawa ako na hindi ko na naisip na nakatingin sakin yung mga tao sa loob. Hinila ko na si Eyah paalis, dun na lang kami sa canteen.

***

Kinabukasan, kinailangan kong iwanan silang magpipinsan nung nakapasok na sila sa kanya-kanya nilang mga room, bibisitahin ko si A-po. Tatlong araw din ako run. Sila Rina at Jervy ang magbabantay at magsusundo sakanila habang wala ako.
Ang saya ko, nakikita ko rin kasing masaya si A-po. Nung pauwi na ko, pinagdala nya ko ng maraming ubas (yung green na maliliit) tapos lansones tsaka rambutan. Ang saya kong umuwi, fini-feel ko yung paghampas ng buhok sa mukha ko habang nasa bus. Pero pag-uwi ko, niyakap ako ni Eyah. Hinila nya ko agad sa kwarto namin.

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon