Raven

53 0 0
                                    

Sa bahay ni Tita

January taong ito nang ayain ako ng tita ko na lumibot sa kanila, walong oras ang byahe mula sa amin hanggang Niigata kung saan nakatira ang tita ko. Niigata is a nice place for skiing, isama ko daw sila ate. Busy ate at pinsan ko sa trabaho kaya tinanong ko si tita kung pwedeng barkada ko na lang isama ko, wala daw problema. 5 kaming nagpunta ng Niigata, sila din yung kasama ko sa Sendai, sakto nga at bakasyon pa namin ng 6 na araw sa school.

8 na ng gabi kami dumating sa Niigata. Seeing my tita, she's still beautiful kahit nagkaroon na ng dalawang anak, parang dalaga, sexy pa din. Kapatid sya ng nanay ko, maganda din nanay ko pero mas maganda talaga si tita haha. Laki ng bahay nila, japanese ang asawa nya at isang engineer. May dalawa silang guest rooms, duon kami nag stay, 3 kaming babae at 2 lalaki. Malapit sila tita sa dagat, ang dagat ng Niigata na walang alon ang boring, ang tahimik.

45 years old na si tita, may dalawa silang anak, si mikoto at yoshi. Mikoto died at the of 14, aneurism ang dahilan. 16 years old na sana sya ngayon. Maganda din sya katulad ni tita.

Madaming hinandang pagkain si tita, kumain kami pagkatapos ay naligo at nagpahinga na, ang layo kasi ng byahe mga pagod. Pero ako nagkwentuhan pa kami ni tita sa veranda nila. Kinamusta ko sya, ok naman sya sabi nya masakit pa rin daw isipin yung nangyari kay Mikoto pero unti unti na nyang natatanggap. Marami pa kaming napagkwentuhan, about sa pag aaral ko, sa trabaho nya hanggang sa naikwento nya yung diary ni Mikoto.

Nagulat ako sa kwento nya, hindi nya kasi nasabi samin yun nuon. Mikoto was bullied by her classmates, nakalagay duon na binabato sya ng pagkain, nilalagyan ng bubble gum yung palda nya, nilalaglag sa 2nd floor yung bag nya at kung ano ano pa. Pinakita ni tita sakin yung diary, it was all written in japanese character. Meron pang kinwento si tita na pinagdasal ko talaga na sana sa loob ng ilang araw na pagstay namin duon ay hindi mangyari sakin or kanino man samin.

Nakasulat sa diary nya na may isang lalaki sa bahay nila na lagi syang inuutusan mag harakiri. Base sa discription nya the man has a lot of stitches all over his body and face, na sariwa pa at tumutulo yung mga dugo na may kasamang laman.

Eto yung mga nakalagay mismo sa diary ng pinsan ko, tagalog na para maintindihan nyo

"Nasa veranda ako nang sabihin nya sakin na maglaro kami, pag natalo ako kailangan kong laslasin ang leeg ko sabay talon sa 2nd floor. Pag sya naman ang natalo titigilan nya ako ngunit si yoshi ang aayain nyang maglaro. Natalo ako ma dahil hindi ka umuwi ng maaga, nakiusap ako sa kanya na iba na lang dahil baka mamatay ako, laslasin ko daw yung braso ko. I'm sorry ma dahil sinugatan ko yung balat ko na iniingatan mo simula bata pa ako. Kailangan ma e, inuutusan nya kasi akong patayin kayo, I love you ma."

Hindi ako makapaniwala, tinanong ko si tita kung totoo ba talaga yon, bakit ganon. Sabi nya marami nga daw peklat si Mikoto sa braso na hindi naman nya napapansin kasi laging naka long sleeves.

"Ma sorry nilason ko si Maki, alam mo mahal ko sya pero mas mahal ko si papa. Inuutusan nya kasi akong sinugin si papa, ayokong gawin yon! Kaya sabi nya patayin ko si Maki." (Si Maki yung aso nila na super cute cute 😔)

Ang dami... puro pagpatay sa parents nya ang nakasulat, umiiyak na yung tita ko tapos bigla na din sya nagkwento at sabi nya sakin wag ko na lang ikwento kila lola at nanay kasi baka mag alala pa.

When Mikoto died medyo lumamig daw yung relationship ni tita at asawa nya. Laging ang magkasama si tito at yoshi at natatakot si tita na baka idivorce sya ni tito at kay tito mapunta si yoshi. Lalo na nung nangyari to kay tita.....

It was Sunday night daw, wala si yoshi at tito sa bahay. Si tita lang at wala syang trabaho, naghuhugas daw sya ng pinggan nang may narinig syang bumulong sa kanya ng "Harakiri kudasai" (Magpakamatay ka na). Napasigaw daw sya, nabagsak pa yung hawak nya. Tapos meron daw parang umihip sa batok nya at napatingin sya sa likod,t may nadinig na naman sya na "Kimi yakunitatainai" (Useless ka). Ang huling pagkakatanda nya tumakbo daw sya sa sala para kunin yung phone nya at tawagan si tito. Pero ganito sya naabutan ni tito.

Nakatayo sya sa upuan tapos may hawak na lubid na nakatali na sa leeg nya, nakatulala lang sya. Wala daw talaga syang alam na ginawa nya yon. Tapos minsan naman, ginising daw sya ni tito kasi yung unan nya tinakip nya sa mukha nya na parang sya mismo yung pumapatay sa sarili nya. Awang awa ako sa tita ko, sabi ko sa kanya lumipat na lang sya sa prefecture namin, sabi nya hindi daw papayag si tito.

After namin magkwentuhan sabi nya magpahinga na daw ako. Pumasok na ako sa kwarto namin, kaming 3 babae ang magkakasama. Tulog na sila lahat. Malaki yung kama, kasya naman kaming tatlo lalo na malamig, mas masarap magsiksikan. Gawing dulo sa right side yung bakante kaya dun na ako puwesto. Nagtalukbong na ako ng kumot, buong katawan pati ulo. Pinatugtog ko yung instrumental song ko na River flows in you, yun lagi kong pinakikinggan kapag patulog na ako kasi narerelax talaga ako lalo na pag pagod. Nagheadset ako para di maistorbo yung dalawa, isa lang kinakabit ko sa tenga ko pag natutulog. Pinikit ko na mga mata ko, ramdam ko na hinihila na ako ng antok nang biglang kong madinig na may naghahum at sinasabayan yung song ko, yung boses ay parang nanggagaling sa loob ng box. Napabalikwas talaga ako, pagtingin ko wala yung dalawa kong katabi. Tumakbo ako sa labas, nabunggo pa ako kasi madilim. Pumunta ako sa kabilang kwarto, andun silang apat nanunuod pa ng tv. Iniintay daw nila ako, dun na daw kami matulog lima kasi 2 yung bed tapos malaki din.

Pumayag ako at sinabi ko na samahan ako ni Shey kuhanin sa kabilang kwarto yung mga blanket, natatakot ako mag isa e, di ko muna kinwento sa kanila para walang matakot. Paglabas namin may nadinig kami kumakalabog sa baba, nagtinginan kami ni Shey. Tinawag ko sila Bud para magpasama sa baba.

P*tch* yung tita ko! Nakatulala tapos nakatuntong sa upuan may lubid sa leeg, kagat kagat yung braso nya na halos dumugo na. Pagtingin ko sa braso nya ang daming peklat na parang kinagat, hindi ko yun nakita kanina kasi mahaba sleeves nya. Sh*t talaga yon nag iinit na yung mga mata ko, nakakaiyak makita ng ganon tita ko. Tinatawag ko sya, tita ako ng tita pati mga kaibigan ko pero ungol lang sya ng ungol at wala pa din sya sarili tapos maya maya umiyak na. Tinanggal ko yung lubid sa leeg nya.

Wala akong nakita sa bahay ni tita, pero ramdam ko na nasa paligid lang sya. Yung 3 araw na balak naming magstay dun naging 1 na lang.

Pinilit ko talaga yung tita kong sumama na lang samin, si tito at yoshi hindi umuwi nung gabing yon, sa bahay ng nanay ni tito natulog. Ayaw talaga ni tita pero nung March halos isang buwan sya nagbakasyon samin and from time to time chinecheck ko sya. At thank God napilit sya ni lola na umuwi sila ni Yoshi ng pinas next year. I hope everything will be okay. Naisip ko din, na siguro hindi lang problema ang sanhi ng pagsusuicide ng iba, minsan there are demons who will force you to end your life.

P.S. Those who are asking about suicide forest, no I've never been there at wala po akong balak magpunta. Dahil sa totoo lang kung ano man tong meron ako, ayoko nito and as much as I can gusto ko na lang umiwas, too bad... I don't have a choice.

Another thing, yung friend ng friend ng friend ni Bud, isang amerikana na nagplanong maghiking sa mount fuji ay tatlong araw nawala at pinaghahanap, natagpuan syang nakabitin sa Aokigahara forest. Ayon sa kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ni Bud, there's no reason for that girl to commit suicide, she used to be a happy-go-lucky person who loves adventure and has a happy family.

Ravenofdeath

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon