ICE

102 0 0
                                    

KAPALIT

This story was told to me by my grandfather who was from Negros Occidental. The same place was the setting of the story. Alam nyo naman ang mga matatanda, maraming kwento ng kababalaghan. This story circulated in their sitio during 1940’s. So here it goes.

There was this farmer na kabaryo nila, may asawa at mga anak, his youngest son, around 5 to 6 years old ay talagang nagpupumilit na sumama sa palayan para manood sa tatay niya habang nag aararo. Pero di pinapayagang sumama dahil walang mag aalaga sa kanya habang nagtatrabaho ang tatay niya. Yung bukid na sinasaka ng tatay is quite far from their house since nakikisaka lamang sila.

Isang umagag, umalis ang tatay, little did he know na sumunod ang bata sa kanya, patago. Habang nag aararo ang tatay, nakatambay ang bata sa likod ng sagingan, naglalaro ng gagamba habang nakabantay sa tatay niya. At may nakita siyang kakaibang nangyari sa tatay niya. Around siesta time, umuwi na ang tatay kaya’t sumunod na rin ang bata. Pagkauwi sa bahay, nanakit ang tyan ng tatay, before the sun sets that day, his father died. Pero walang pakialam ang bata, patuloy lang sa paglalaro sa bakuran nila hanggang sa makagalitan ng nanay niya.

Non Verbatim
Nanay: Kanina ka pa naglalaro dyan, naghihingalo na ang tatay mo at namatay, wala ka pa ring pakialam.
Bata: Hindi naman si Tatay yan eh, nakita ko siya na binuhat ni Mang *** (Mentioned the name of a rumored aswang in their sitio).

Dahil sa sinabi ng bata, binalot ng pamilya ng lumang banig ang bangkay at saka tinapon sa labas ng bintana. Noong binuksan, katawan ng puno ng saging ang laman. Nagpunta ang mga kapatid na lalaki ng tatay niya sa bahay ng aswang at hinanap ang kapatid nila. Noong una itinanggi ng aswang na nandoon ang kapatid nila pero noong pinagbantaan ang pamilya ng aswang, inilabas din niya. Nakita nila na nasa isang malaking palanggana na nasa ilalim ng lababo at may takip ng itim na tela ang kapatid nila, tulala na parang walang malay. Yung aswang na rin ang nagbalik ng ulirat ng biktima niya.

Itatanong nyo kung ano yung kakaibang nakita ng bata sa bukid? Nakita niya na dumating si Mang **** na may dalang kayawan, pumwesto sa likod ng tatay niya at sinukat ang tangkad ng lalaki. (Unaware ang tatay niya na nandoon si Mang ****, in short parang binulag siya ng aswang). Umalis at pagbalik ng aswang, may dala ng katawan ng puno ng saging na kasing tangkad na tatay niya. Yung katawan ng saging, naging tatay niya, at yun ang umuwi sa bahay nila at yung totoong tatay ay nawalan ng malay at pinasan pauwi ng aswang.

According sa Lolo ko, aswang has the ability to blind you, not literally but in the sense na di mo sila makikita so that they can accomplish their goal. BUT kapag naunahan mo sila, di ka nila kayang bulagin. For example, katulad ng nangyari sa bata, di alam ng aswang na nanonood ang bata dahil nakatago siya at di alam na nandoon siya kaya ang nabulag lang ay yung tatay. They might seem powerful but just like any other villains, they have weaknesses and their powers are also limited. During the day, they are also normal humans; they also have fears and loved ones.

PS. Do not fear these creatures, they are also humans, possessed by darkness. Their powers came from the dark and as the darkness fade away by light, so is their powers. Fear the ONE who is able to kill the body and the soul.

ICE

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon