Roommate
This story happened July last year when I was still in the Philippines.
My father was admitted at Lung center of the Philippines due to his lung condition. Check up lang sya dapat nung araw na yon pero malala na pala yung condition nya so my sister and I decided to admit him that day dahil kailangan nya ng operahan. It was sudden and wala naman kaming malaking pera that time for his operation. That night inoperahan sya, inayos ng sister ko ang mga papers na dapat ayusin at ang kinuha nyang kwarto ay ward lamang, while ako... waiting outside the operating room, praying na sana my father will be okay. After almost 3 hrs of waiting nilabas na si tatay, it was succesful. Ililipat na sya sa kwarto, sa 3rd floor sa pagkakatanda ko. While walking at the corridor, room doors are open so I was able to see the patients inside the rooms, 3 patients in one room. I cringed seeing them, natakot ako ng konti because I'm not used to it. I mean seeing people in that kind of condition. I think most of them ay may lung cancer. Mapapayat sila, sobra. Halos buto't balat na lang, yung mata nila parang luluwa na. Yung iba may mga tubo na kung saan saan sa katawan nila nakakabit. It makes me sad, seeing people who've been through a lot and realize how lucky I am. And praying na sana hindi ganun kalala ang mangyari sa tatay ko.
1 patient lang ang makakasama namin sa kwarto, habang naglalakad naiisip ko na na baka ganun din ang condition ng patient na makakasama namin sa kwarto. But it was worst than I expected.
So there's the man, half naked lying on his bed, maybe on his early 60's. Hindi ko sya matignan, natatakot ako to be honest. Maraming nakakabit na tubo sa kanya, mayroong tubo sa ilong at hinahabol na lang nya paghinga nya na parang anytime he'll die. Wala syang malay, I don't know kung comatose sya, I think he's supposed to be on the ICU pero dala na rin siguro ng kahirapan kaya sya andon. Yung noo nya medyo nakalubog, alam nyo yung parang nabasag yung skull nya, ganon. Sa bandang pinto sya nakapwesto, kami naman ay sa dulo. Kaya everytime na lalabas at papasok ako sa kwarto I can't help myself na tignan sya. Isa lang ang madalas na nakikita kong bantay nya, lalaki. Nakakakwentuhan namin sya at ang sabi nya kaibigan lang sya nung patient. Meron daw yun 4 na anak na babae pero ni isa sa kanila wala akong nakikitang nagbabantay. Yung asawa naman nung patient namatay na daw a few months bago sya mahospital. 1 linggo na rin ang lumipas pero ganun pa din kondisyon nung pasyenteng katabi namin, habol pa din ang hininga. Sanay na rin ako na nakikita syang ganon, hind na takot ang nararamdaman ko kundi awa. Kurtina lang harang between his bed and my father's. According to my father's doctor, si tatay yung may pinaka mild condition sa floor na yun so anytime soon pwede na syang lumabas.
Madalas na bantay kay tatay ay ako at yung panganay kong kapatid, may sakit kasi nanay namin kaya hindi sya pwede magpuyat. Pang 8th day namin nun nang dumating yung isa kong kapatid at sya naman daw ang magbabantay. Umuwi daw muna ako. Pang 10th day bumalik din ako agad sa ospital dahil may trabaho pa yung isa kong ate.
Naglalakad ako sa corridor, bago dumating sa kwarto ni tatay ay madadaanan ko muna yung nurse's station, nang malagpasan ko na, habang naglalakad, I was looking straight and I saw this man walking towards my direction. Nung una akala ko bantay ng isang pasyente sa floor na yun, he's wearing a camouflage short and a yellow jersey shirt. Nung malapit na sya sakin, nagulat ako. Sya yung patient na kasama namin sa kwarto! I was a bit shocked, naisip ko ang bilis naman nya makarecover. Ngumiti sya sakin nung saktong nagkasalubong na kami. I wanted to say something pero wala akong masabi pero nginitian ko din sya. Nang makalagpas na sya sakin, lumingon pa ako para tignan sya, nasa tapat na sya ng nurse's station nang lumingon din sya sakin at kumaway na parang tinatawag ako, tinignan ko yung mga nurses pero busy sila lahat. I looked behind me again dahil baka hindi ako yung tinatawag nya pero walang tao sa likod ko kaya I'm sure it was me. Then he turned his back on me and start walking again. Nagdalawang isip ako kung susunod ako o hindi pero sumunod na din ako kasi naisip ko baka kailangan nya ng tulong kung saan man sya pupunta.
He entered the elevator, I was hesitant kung papasok o hindi pero I did. Tinignan ko sya, mukhang okay na talaga sya, tinanong ko kung kamusta na sya pero hindi sya sumagot at ngumiti lang. Medyo weird pero hindi ko na pinansin, nagtanong ulit ako kung saan sya pupunta pero biglang bumukas na yung elevator at lumabas na sya, hindi na nya ako nasagot. Naglakad na ulit sya, sinundan ko na lang, after minutes of walking huminto sya sa harap ng isang kwarto at pumasok pagtingin ko nakalagay.... MORGUE..
I was standing there frozen. Then may nagdaang staff sa likod ko, nagulat pa 'ko, tumingin sya sakin na parang nagtataka. Sobrang takot na yung nararamdaman ko, tumakbo ako, papunta ulit sa third floor. Naghagdan na lang ako, ayoko mag elevator. I was about to enter my father's room pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko......
He was still there, lying on his bed. Looking lifeless dahil iba na talaga yung kulay nya. Pero nakakabit pa rin yung mga life support as if he's still breathing, tho I'm not really sure kung patay na ba talaga or what. Tumakbo ako sa bed ni tatay, tinatanong nya bakit daw ganon itsura ko. I just passed by him and went to the toilet and washed my face. Nanginginig pa din ako sa takot, paglabas ko tumabi ako kay tatay sa bed, he's busy na that time so nakalimutan na nya ako tanungin. Maya maya may pumasok na nurse, checking the other man. Then she runs outside looking for the doctor, that's when we realized that he's really dead. Don't wanna detail everything but the last thing I saw ay nung binibihisan na nung nurse yung namatay. Nakahiga ako that time sa bed ni tatay at katabi ko sya, nung paglingon sa kabilang side, medyo hawi yung curtain so kitang kita ko sya. Sinide sya nung nurse, paharap sa akin. Medyo nakadilat pa yung mata nya, hindi naman na ako masyadong takot that time, tapos yung damit na sinusuot sa kanya ay yung damit nung nakita ko sya na naglalakad.
Inalis na din sya agad, that night I can't sleep. So nagbasa basa na lang ako sa wattpad, usually kasi pagbabasa ang pampaantok ko... hanggang sa naramdaman ko na yung antok. I'm still a bit concious nang maramdaman ko na parang may umiiyak. I thought it was my father, I opened my eyes and looked beside me, no not my dad, he's sleeping. Then I looked the other way, thats when I saw a shadow behind the curtain, may nakaupo sa kama! Umiiyak sya, as in hagulgol. I froze, unti unti bumubukas yung curtain... I want to run, I want to scream but I can't. The man behind the curtain revealed, tumigil na sya sa pag iyak pero nakayuko pa din, tumalikod sya bigla then he stood up. F*ck men! I tried to wake up my father pero tulog na tulog pa din, I looked for my sister around pero wala sya. F*ck nararamdaman ko na lahat ng balahibo ko nakatayo, then paglingon ko ulit sa kabilang side oh God! He's standing right next to me, right f*cking next to me! He's looking intently at me, I screamed so f*cking hard! Then naramdaman ko na ginigising na ako ng ate at tatay ko.
After that incident, the whole time that we stayed on the hospital, I still can feel him around. And up until now, kahit nandito na ako sa Japan, hindi ko pa rin nakakalimutan yong pangyayaring yon.
And the worst thing? Mas malala pa yung nararanasan ko dito, at mararanasan pa.
RavenOfdeath
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)