Hunter

103 0 0
                                    

Experiment 2

So nabasa ko yung ibang mga comment, bat daw detailed masyado? Ahm ganyan po yung kwento nya, though hindi yun mismo yung convo, ganyan po talaga. Sa mga nagsabi na ganto, bat ganyan. Wala po akong alam sa barko, sa pagiging seaman kaya hindi ko po masasagot. Yun lamang po ang kinuwento nya. Yung sa pangalan nila, hindi yun ang totoong pangalan, binago ko po, katulad ng pagbago ko sa pangalan ko.

Okay eto na.

Walang nagtaka na nawala sya. Basta isang araw, nagising na lang ang nanay at asawa nya na wala na sya. Hindi sila nagtaka, may email syang iniwan na may kontrata sya agad kaya hindi na sya nakapag paalam.
Tumawag pa nga daw sya at araw-araw na nagchachat sa asawa nya.

Wala silang hinala, pero I know something's off. No choice, kinuwento ko sa bestfriend ko. Ang sabi nya baka daw sa deepweb may makita syang connections. Diver sya dun, pero hindi madalas, lalo at teacher sya busy sa school. Pero dahil sa pakiusap ko, nagdive sya ulit, nandun ako, may mga human experiments pero walang katulad sa kwento ni Pat. Meron yung papalitan ng robot arm yung kamay mga ganon. Pero yung mga experiments na nakita namin, iisa lang ang purpose, to make an army of super soldiers.
Tapos sabi nya, kung gusto ko pa daw bang magdive deeper. Kako ayoko na, delikado na masyado. Tutal mukhang okay naman talaga si Pat. Araw-araw nga nya kachat pamilya nya, siguro naman okay lang talaga sya at baka nga kumana na naman yung ka abnormalan nung lalaking yun kaya nagkwento ng kung ano-ano.

Nawaglit sa isip ko yun, hanggang netong june lang. Umuwi yung syota ng pinsan ko, sa barko nagtratrabaho, crew sa casino sa barko. Basta yung dealer ata, basta yun. Saktong pagbisita nya samin, birthday ko. Andun yung bestfriend ko.

"'Ter, diba sa barko yan?" Tukoy nya kay Kuya Joel.

"Oo bakit?"

"Bat di mo tanungin yung tungkol dun sa kwento ni Pat"

"Adik sa cruise ship yan. Iba naman ata yung kay Pat"

"Kahit na. Malay mo?"

Kahit wala akong balak uminom, nagpabili akong alak tyaka niyaya sila ng pinsan ko. Nakapabilog kami dun sa katre sa may dirty kitchen. Ako, bff, pinsan, isa pang pinsan tyaka si Kuya Joel. Tas kunwari, may nabasa akong article tungkol dun sa kwento.

"Sang article?" Tanong ni Kuya Joel.

"Sa link lang na shinare kuya, totoo ba yun?"

Nagkibit balikat sya. "May nagkwento na sakin ng ganyan pero iba nga lang pero ganyan din experiment"

"Ano naman Kuya?"

"Experiment din, kaso hindi mutation, hindi engineered"

"Ano?"

"S*x ng tao sa hayop"

Yung pinsan ko na syota nya, mahina talaga sa mga ganong topic kaya umalis sya. Kami kami na lang natira. 1970's daw, isang ship ang dumaong sa isang port sa somalia. May dalang gasolina. Andun sila sana for 3-4 days, magrerestock ng supplies. Kaso ikalawang gabi pa lang umalis na sila agad.

Ang kwento: May local bar na suki nila dun. Madalas dun sila nakaka pick up ng mga babae. So diretso sila dun, kaso nung gabing yun, iilan lang yung mga babae. Di pa nila type. Nagtanong sila, asan yung iba. Ang sabi nawawala daw, may ilang cases na rin daw na nawawalang mga babaeng turista, pero di ganon karami na maaalerto ang awtoridad. Sa mga locals naman, puro prosti ang nawawala, syempre daungan iniisip na lang ng ilan na sumama sila sa mga barkong nagsisi alisan.

This particular seafarers' nacurious. Lalo na nung sabihin nung pinagtanungan nila, apat sa babaeng turista na nareport na nawawala, eh nakita naman daw, yun nga lang dina makausap. Ordinaryo ng may makitang lalaki na may nakapulupot na babae palabas ng bar, pero ang hindi normal eh yung ilang babae, kasama ang iisang lalaki. Sinundan nila yun, napunta sila sa masukal na bahagi, pero may ilang bahay pa naman. Kaso imbes na pumasok sa bahay, nagtuloy tuloy sa gubat yung tatlong babae at isang lalaki.

Sinundan pa rin nila, hanggang sa lumuhod yung lalaki sa may lupa at parang may kinakapa, tapos may trapdoor na hinila. Isa isang nagsibabaan yung mga babae. May kung anong amoy sa paligid. Kaya hindi sila agad pumasok. Inabot sila ng umaga dun, aalis na sana sila nung lumabas yung lalaki sa trapdoor pero walang kasunod na babae.

Du na sila pumasok, naiwan yung iba na look out. Maluwag sa baba, nasa pito hanggang sampung metro ang lapad. Pa L ang style, may mga naka cage na hayop. Nakapagtataka, hayop sa wild dapat wild. Pero parang sanay sa tao. Sa may paliko at dead end, halos panawan sila ng ulirat nung makita yung ilang babae na nakita nila kagabi at maging yung mga suki nila na nandun, hubo't hubad, nakakadena ang mga paa. Nakasusulasok daw ang amoy, pinaghalong ihi at dumi na. Pero ang nakakikilabot talaga, yung itsura ng isang babae, nakahilata sa sahig, may pang itaas pero sa pagitan ng mga hita nya nakakubabaw ang isang itim na malaking pusa.

(Hindi ko na kelangang sabihin kung anong ginagawa nung pusa, napipicture-out nyo na diba?)

Dali-dali silang umakyat palabas. Di nila kaya, lalo at ilan sa mga babae ay malalaki na ang mga tyan, di nila maimagine ang itsura ng mga fetus sa loob.
Sa paglabas nila sa gubat, nasalubong nila yung lalaki. Hinabol daw sila ng mga kasama nito. Naghiwahiwalay sila at nagpasyang magkita na lang sa barko para hindi sila mahuli.

Pagdating sa barko, sinabi nila sa kapitan nila yung nakita nila. Napailing daw ito. Nakakita na raw ito ng ganon at mas malala pa, anak ng tao sa lion, sa tigre, sa unggoy. Kinagabihan din nun ng makumpleto silang lahat eh umalis na agad sila.

"Sabihin mo yung totoo Ter, sinong nagkwento nun sayo?" Nung natapos syang magkwento natahimik kami.

"Nabasa ko nga Kuya"

"Di ako maniwala. Sabihin mo sino nagkwento syo. Sasabihin ko kung sinong nagkwento sakin"

"Yung kaibigan ko Kuya. Naniniwala ka?"

"Oo naman"

"Sino bang nagkwento nung sayo?"

"Lolo ko. Kung nakilala mo si Tatay, kahit itanong mo pa kay ate Mary mo, ayaw na ayaw nun sa hayop na may apat na paa. Hindi na sya kahit kailan sumampa ng barko. Yung kaibigan mo text mo, papuntahin mo dito"

Umiling ako. "Kuya, sumampa na ulit sya eh"

Nanlaki mata nya nung sinabi ko yun. "Seryoso? L*nt*k na"

Sinabi ko sa kanya yung mga nangyari. Ngumisi ngisi sya. "Chat ba kamo?"

Tumango ako. "Walang internet sa gitna ng karagatan. Sabihin na natin na dumadaong sila sa port pero yung araw-araw?"

"Sa tingin mo kuya wala na sya?"

"Sa tingin ko nandun na sya sa isa sa mga container. Pero mas okay pang isipin na patay na sya"

"Nagpapadala daw sya kuya eh"

"Nawala yung mga kasama nya diba? Bakit sya lang ang hindi kung totoo nga? Bakit biglaan syang nawala? May kontrata agad agad? Masyadong malawak ang karagatan, kahit nga ako lalo pag nasa barko ako at nakatingin sa lawak, napapaisip ako sa mga kwento ni Tatay samin. Unang sampa ko non, naabutan ako nung isa sa mga officer dun sa deck, may edad na sya, nakwento ko sa kanya yung kwento ng Lolo ko. Hindi nya ako sinagot ng direkta kumg may katotohanan ba yun, pero malaman yung sagot nya"

"Ano kuya?"

We, humans, aren't satisfied to what is given to us. We crave for more, we demand more. And that's when we became evil.

PS. I still have faith in humanity.
Totoo po ito. Ang sabi ni Kuya Joel, try to ask your captain, tungkol sa mga unknown islands, weird stuff and creepy tales around the sea. Siguradong sasabihin ng iba na walang ganon. Pero may mga ilan pa ring, babahagian ka ng kanilang kwentong narinig o di kaya ay mismong naranasan.

PPS. I decided to share this. Kasi mula nung july, hindi macontact si Pat. Hindi na nagpapadala, gusto kong hagilapin sa fb yung pamilya ni Fred pero hindi ko naman apelyido nya. Gusto ko lang mamulat ang iba na ang mundo ay may kinakanlong na mga baliw na tao. Kabaliwang maaring magsimula ng pagkaubos natin.

Hunter

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon