DALAW
This story happened in Narra, Palawan to a friend of mine, France. Siya ang pang apat sa limang nagkakapatid at nag iisang babae, she was in elementary when this happened. Yung 3 brothers niya were in high school at yung bunso di pa nag aaral. Yung bahay nila before was a typical house in the province, yung roof, ang kalahati yero then yung other half ay nipa pa. Bago pa lang kasi inaayos, may silong rin sila na kasya ang tao, bale pwede ka tumayo sa ilalim ng bahay nila. That time lahat sila sa bahay may sakit, trangkaso lang naman pero parang nagkahawaan kasi kaya nadamay lahat. Pero si France, medyo magaling na siya since siya ang unang nagkasakit.
Mayroon silang kapitbahay na napapabalitang aswang, sa unahan lang ng compound nila nakatira. Then around 5:00 - 5:30 pm that day nakita niyang pumasok ng gate nila yung matandang lalaki, naglakad papunta sa silong nila at tumingala na parang may inaamoy. Pero yung sahig naman nila ay sinsin ang pagkakagawa, meaning magkakadikit, wala kang masisilip. Nagtaka raw siya kaya tinawag niya yung tita niya, nasa silong raw si Mang (Di niya nasabi yung name), lumabas ng bahay yung tita niya at pinagsisigawan yung matanda, umalis yung matanda. Pagsapit ng gabi, ang nasa bahay lang ay silang 5 magkakapatid at mama nila. Mga 10 in the evening raw nang may lumagabog sa bubong na yero nila saka naglakad papunta sa part na nipa lang at hinawi yung nipa sa kwarto ng bunso nilang may sakit.
Yung mama nila kumuha ng buntot pagi at malakas na hinampas yung nipa na hinawi ng aswang, sa lakas ng hampas umangat yung bubong na nipa tapos may biglang tumalon sa lupa. Sa takot nila, nag iyakan silang magkakapatid. Di sila nakatulog, magdamag nilang binantayan ang isa’t isa. Pagdating ng umaga, pinuntahan ng mama nila yung bahay ng matandang pumasok sa bakuran nila kahapon. Ang sabi ng anak ay wala raw doon yung tatay niya pero pumasok pa rin yung mama nila France. Nakita niyang nandoon yung matanda pero parang hirap na hirap na samantalang kahapon lang malakas pa yun, nagtrespass pa nga sa kanila. Kinamusta niya lang yung matanda at umalis na.
Bago lumubog ulit ang araw, namatay ang matanda. Ang sabi ng matatanda sa probinsya, kung alam mo raw na nasugatan mo ang aswang at kilala mo siya, dalawin mo sa bahay niya para di na siya gumaling. Thank you for reading.ICE
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horreurcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)