ICE

71 0 0
                                    

THE SEA

THE CRUISE SHIP AND THE PIG
Hi, this is ICE again, it’s been a while since the last time I published a story here, kind of busy. The story that I will narrate now was told to me by a guy friend and I want this to serve as a warning especially if you are to travel via sea. This guy friend of mine has a family business, they are selling live fishes. Para makahuli ka, dapat gabi pa lang nasa laot na since madaling araw ang actual na panghuhuli ng isda. First time niya sumama sa Papa niya na pumalaot, may kalakihan yung bangka nila at may mga tauhan rin sila. Noong nasa laot na sila, pinagpahinga muna sila ng Papa niya, since mga 3 am pa naman sila magsisimulang manghuli, nakaidlip ang lahat maliban sa kanya. Dahil nga first time niya kaya raw di makatulog, excited siya. Pinagmamasdan niya yung buwan at yung dagat na kumikinang (moon’s reflection), ganoon kasi kapag di pa polluted ang dagat, talagang maganda. Until, may nakita raw siyang malaking barko out of nowhere, maliwanag na parang cruise ship at yung kapitan nakatayo sa pinakaunahan ng barko at nakatingin sa kanya. Ginising niya lahat ng kasama niya sa bangka at ikinukwento yun, pero pinagalitan siya ng Papa niya dahil di niya raw dapat yun pinansin. At habang pinagagalitan siya, napatingin siya sa dagat at may nakita siyang baboy na nakapatong sa tabla, palutang – lutang at nakatitig sa kanya. Ganoon raw kapag baguhan, pinakikitaan, hindi daanan ng cruise ships and lugar na yun.

THE WALL
In the late 1980’s, noong uso pa ang filmed camera nangyari ang kwento na ito. May bangka dati ang lolo ko, nangigisda sila sa Nagtabon Beach, may mga turista na dumadayo noon sa beach na yun dahil maganda magsurf doon. Pero dahil di pa uso ang mga tour operators kaya’t DIY tour ang nangyayari. Isang araw, may magbabarkadang umarkila sa bangka ni Lolo, syempre kailangang may magdadrive sa bangka kaya kasama si Lolo. Noong nasa laot na sila, nagpapicture yung magbabarkada kay Lolo, dagat yung nasa background nila, okay naman, everything went fine that day.

After a week, bumalik yung magbabarkada kay Lolo at ipinakita yung mga kuha sa laot. Okay yung ibang photos maliban sa isa, instead na dagat ang background nila, pader na gawa sa mga batong pinagpatung patong. Wag pag usapan ang mga bagay o hayop na sa lupa lang makikita, baka makita nyo sila sa laot. Kung maraming engkanto sa lupa, remember, mas malaki ang dagat.

ICE

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon