Tsunami
March taong ito nang ayain ako ng 4 na barkada ko sa school na mag roadtrip, dalawa sa kanila ay americano kaya mahilig sa adventure. Pumunta kami ng Fukushima hanggang sa napadpad kami sa Sendai. Natatandaan nyo ba yung nangyari dito sa Japan noong March 11, 2011? Isang pangyayari na talagang namang nagpalungkot sa buong Japan, ang malakas na lindol na sinundan pa ng tsunami na sanhi ng pagkamatay ng maraming tao.
Sendai ang isa sa nasalanta ng trahedyang yon, ewan ko ba kung anong nakain ng mga barkada ko bakit hanggang doon ay nakarating kami. Sobrang bigat sa pakiramdam unang dating pa lang namin. Wala ng mga bahayan, ngunit makikita pa din ang bakas, may mga debris pa din ng bahay na natira. Ayan na naman yung kilabot na nararamdaman ko, ang tahimik ng paligid. Hapon na nun at medyo papadilim na, malamig pa din dahil spring kaya lahat kami ay nakajacket pa. Pero hindi na sapat yung jacket ko sa lamig na nararamdaman ko nung dumating kami sa lugar na yon.
Meron kaming nadaanan na elementary school. Yun na lang ang pinakamalaking building na natira sa lugar na yon, huminto kami saglit, pinicturan ko sya. I see nothing. But I can feel something, pain? Sadness.
Pagkatapos ay umalis na din kami, pumunta kami malapit sa dagat, meron dun na parang maliit na open gallery kung saan makikita yung mga pictures ng trahedya. Mga before and after, the survivors and then nakita ko yung picture nung school na nakita naman kanina. Sa picture nanduon yung mga bata na nakasurvive, 16 sila, 350+ yung mga batang nag aaral dun sa school na yon. Nakakaiyak isipin.
Umalis na din kami agad, madadaanan na naman namin yung school. Biglang hinto ng barkada ko sa tapat ng school, nagtaka ako, tinanong ko kung bakit. Baba daw kami, tignan daw namin yung loob, g*g* din e. Ayoko sabi ko, yung iba go naman. Sabi ko umuwi na kami. Ang kj ko daw, maiwan daw ako sa sasakyan. Tumingin ako sa school, nagulat ako. Pababa na sila ng sasakyan, pinigilan ko. Sabi ko tatawag ako ng pulis pag pinasok nila yon. Natatawa lang sila, ang duwag ko daw. Alam nila yung mga experience ko, sila din kasi may mga experiences at napagkukwentuhan namin minsan.
Pinaandar na nung barkada ko yung sasakyan, nung medyo nakalayo na kami nagsalita ako. "I don't have the heart to ruin and confuse those happy faces why we're still alive and they're not." Tumingin si Bud sakin "So you can see them..." tumango ako, "Yup, playing around, walking at the corridor, I saw them Bud." Then silence....
Kumain muna kami sa isang fastfood chain bago maglakbay ulit, dun nagkwento yung iba na may nakita sila. Meron daw dun sa open gallery na babaeng tumatalon tapos umiiyak at puro sugat at sinasabing "itai, itai, itai" (masakit). Meron sa maliit na jinja na nagdadasal tas inuuntog yung ulo sa pader, merong palakad lakad lang na puro sugat at puro putik..... and so on... walang nagkwento para wala daw matakot nung andun kami.
P.S. Sinong taga Sendai dito? Or dun sa mga lugar na nagkatsunami nung 2011? Please please, be careful. Yung nangyari last month na lindol dun sa area kung saan nagkatsunami nung 2011, warning lang yon. Mauulit pa, and it might be worse than 2011. Napanaginipan ko the day after namin nagpunta ng sendai. 気を付けるね。
RavenOfDeath
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)