Hunter

121 0 0
                                    

Sigaw

First year college kami nila Ison ng malaman namin sa mga Ict na sa building nila, may underground churva. Tanda ko yun, acquaintance party. Ang init sa gymnasium kaya naisipan naming lumabas na muna. Dun namin nakita yung iba pa naming mga kaibigan na kausap yung ict.
Dahil na curious kami sa kung anong meron doon, napagkasunduan naming bumaba, silip lang ganern.
Akala ko nga hindi kami matutuloy, naharang kasi kami nung nagra-rounds na guard. Tinanong kung saan kami pupunta. Pero kilala sya nung mga ict kaya iniwanan lang namin lahat ng i.d sakanya, just in case na may mangyari may sisisihin.

Hindi ko alam kung dala lang ng katahimikan ng paligid pero ang lamig nung nasa harap na kami ng mismong pasukan. Si Baki na nasa tabi ko lang  ay hindi na mapakali.

'Wala naman tol' Mahina kong sabi.

'Yun na nga. Bakit wala?'

Walang multo. Kung para sa ibang may third eye blessing na wala silang nakikita. Para kay Baki, bad sign yun na may mas nakakatakot na pwedeng makita mas nakakatakot sa mga demonyong nanglilinlang ng mga tao.
May padlock, pero si Ate Eli, isa sa mga ict at kaibigan din namin ay nakangiting hinawakan yun. Mygad hindi nakalock.

'Yung mga bsbm kasi, nauna na silang bumaba dito nung nakaraang gabi, sabi namin wag ng ilock'

Planado nilang lahat. Pagpasok, gumapang ang nakakikilabot na lamig sa buong katawan ko. Habang naglalakad kami, nagkukwento si Ate Eli.

'Naging tambakan na 'to ng mga gamit. Ilang beses na kaming nakababa dito eh, pero umaga. Sabi ni Mama kasing lawak 'to ng football field na maraming pasikot-sikot. Pero nung may mga nawalang estudyante tas ilang araw bago sila nakalabas, sinarhan na yung ibang lagusan'

Hindi lang pala sa ict building yung pwedeng pasukan. Meron sa simbahan pero sinarhan na rin (sa susunod na yung iba 😊).

Mga yabag lang namin ang naririnig at boses ni Ate Eli. May ilaw naman pero malalam lang at nasa anim hanggang sampung metro ang layo sa isa't isa. May naraanan kaming tila maliit na kwarto, maraming mga folder, may mga sirang upuan. Sabi ni Ate Eli, nasarhan na yung ibang lagusan, sabi nya diretso na lang ang daan, titigil na kami saglit lang dahil dead end na yun.

'Akalo ko?' Kakamot-kamot si Ison sa ulo. Matangkad sya kaya kitang kita nya. Tumigil kasi sila Ate. Nagtatanungan na sila. Dahil sa harapan namin, may tatlong daanan.

Diretso
Kaliwa
Kanan

'Mga tol tara na' Yaya ni Ilad.

Nauna kami nila Baki, Ilad, Ison at Lala. Pero napatigil din, dahil sa pagpihit namin, katulad ng nasa harapan, may tatlo na ring daanan.

Diretso
Kaliwa
Kanan

'Anak ng tilapyang bangus' Si Ison.

Nang makita yun ng iba, nagsimula na silang magpanic. Pero kinalma sila ni Ate Eli.

'Ok, ok. Diretso lang tayo, walang maghihiwa-hiwalay'

Ganun nga ang ginawa namin. Matapos ang ilang minuto, napatigil kami ulit. Imbes na tatlong lagusan, dalawa na lang.

Kaliwa
Kanan

Hindi na rin makapagsalita si Ate Eli para pakalmahin kami. Wala ng diretsong dadaanan. To make things clear, nasa huwisyo kaming lahat nun, walang lasing o bangag samin.

'Naririnig nyo yun?' Sabay na sabi ni Ison at Margie.

Una, wala kaming naririnig. Pero saglit lang, narinig na rin namin. Sabay-sabay na tila nagmamartsa, papalapit nang papalapit mygad.
Tas nakita na namin. Sabi nila, mga sundalong hapon. Ako kasi iba nakita ko, nagmamartsa rin pero  mga nilalang na ang itaas na bahagi ng katawan ay payat habang sa hita pababa, mataba.
Dun na nagkagulo. Nagsitakbuhan na lahat. Pero kami ni Baki at Ilad kailangan pa naming hilahing pilit si Ison. Wala naman daw syang nakikita, wala syang nakikita pero nasa gilid nya lang sila.
Sa kaliwang lagusan kami nanakbo. Hirap na hirap ako sa dress at takong minsan natatalisod pa ako. Tas bigla na lang isa-isang namatay ang mga ilaw.

Kevin Eleven And OthersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon