What If?
Oo nakakatakot ang mga aswang o mga demonyo. Pero hindi na yon nakapagtataka. Pero hindi ba ang mas nakakatakot, yong kaya nating gawin? Tayong mga tao, para lang sa pansariling interes natin, na kahit makasakit o maging mitsa ng kamatayan ng kapwa natin, sige pa rin tayo. Mas nakakatakot di ba?
9/11
Nong college, nagkaroon ako ng isang professor na cool. Cool kasi parang tropa lang namin sya tas marami syang sinasabi na napapaisip talaga kami. Akong tamad na magresearch, napapa research. Sa kanya ako namulat sa mga conspiracy theories. May mga pinapakita syang info na galing sa deepweb. Kaya kinukulit ko si Kulas dati na magdive doon, akala ko kasi dati, nangtritrip lang si Sir eh.
Una yong sa 9/11 bombing. Out of nowhere, nong natapos na syang magdiscuss (biology), naopen nya tong topic na to. Tinanong nya kami kung naniniwala ba kami na terrorist attack ba talaga ang nangyari o planado ang nangyari.Grade three or four pa ko nong mangyari yon kaya wala talaga akong idea sa nangyari. So wala pa ko muwang non sa mga ganoong bagay, puro laro pa. Kaya nacurious talaga ako.
Ipinasara nya yong pinto tas pinalock. Saka nya cinonnect yong laptop nya sa projector. Slow motion yon ng video ng 9/11. So dahan dahan, kitang kita ng buong klase namin na before yong impact ng eroplano, mas nauna yong pagsabog ng building.
Hindi sinabi ni sir kung legit ba yong video, pero don nagsimula na mag isip kami. Yon ang topic namin ng halos isang linggo. Hanggang sa napagdesisyunan namin ni Ison at Ilad (Classmate ko sila) na tignan sa yt yong video. So nakita namin, andami palang ganon. Sensya na hindi kami i.t. kaya hindi namin alam kung totoo ba at hindi edited yon. Sa pagsearch naman namin sa google, may lumabas na ang al-qaeda, yong terrorist group, sabi nong nasa article, cia lang din ang may gawa.Ito pa, kasama sa mga lumabas yong isang episode ng johnny bravo. Yong poster ng may umuusok na building na ang nakalagay, coming soon. Tas yong sa terminator nakalagay don sa ilalim ng tulay o basta tulay yon, caution: 9/11. Napanood kami ng terminator 2 ng wala sa oras para makita yong mismong scene na pinakita yong tulay. Marami pa yung rugrats, super mario, the matrix, kadalasan cartoons.
Nong kinulit namin si Sir, sabi nya, sa hinuha nya lang. Opinyon nya okay walang mag-aaway. Nangyari ang 9/11 para masisi ang al-qaeda, ano bang sinasabi nilang nationality ng al-qaeda?.Para magkaroon ng sapat na rason ang amerika para mapasok ang bansang middle east at kasuklaman sila ng mundo. Para may maidadahilan sila sa mundo kung bakit nila binabakuran ang mga bansang yon.
Sakit : Gamot : Pera
Uso trangkaso non tas nabalita pa yong sars ata o meningococcemia. Lakas pa ng ulan, hinihintay na lang namin na iannounce ng dean na wala ng klase kasi umaapaw na yong ilog nong tanungin kami ni sir.
""Sa tingin nyo, paano nila nalalaman na yong gamot na inilalabas nila sa merkado, epektibo sa tao?""
Napa ano ba yan sir kaming lahat. Kaso sigurado imbes na itulog at sulitin ang malamig na panahon, panigurado magkikita kita na naman kami sa netshop, iisa ang pakay, magreresearch.
""Sir sinubok nila sa mga hayop""
""Paano nga? Iba ang genetic make up ng tao sa hayop. Though we are mammals, iba ang structure ng dna natin sa kanila, paano sila nakakasiguro na kung eepekto sa hayop, eh eepekto rin satin?""
May plinay na video si Sir. Yong mga nagsa suffer sa mga sakit na nakakahawa. Tas yon, ang conspiracy theory doon, what if ang mga sakit ngayon na nagiging dahilan ng pagkamatay ng libo libong tao sa mundo eh man made? Sa dalawang dahilan.
1. Population control
2. PeraPopulation control sa mga third world countries. Parang ginagawa nilang mga lab rats ang mga tao. Dito na papasok ang pera, once na dumami na ang namatay sa sakit na yon, gagawa na sila ng gamot na malalaman nila kung epektibo kasi sa tao din na may sakit nila susubukang una bago ilabas sa merkado.
Chem Trails
Ito yong ine-eject ng mga jetplanes na nakikita natin na gumuguhit sa himpapawid. So kasama ito sa video na plinay ni sir about sa mga sakit. Isa ito sa nagiging way kuno para maikalat yong sakit, air born. Kumbaga unti unting ikinakalat through air. Noong bata ako pag nakakakita ako non tuwang tuwa ako kasi naiisip ko nagsusulat si God. Pero mula nong mapanood ko yong vid, pag nakakakita ako non, napapatakip ako ng ilong.
Zombie Apocalypse
Kasama din ito. Bale two hours yong vid tas nahahati sya sa tatlo. Yong sakit, chem trails at itong zombie. Hindi daw malayong mangyari na magkaroon ng zombie apocalypse sa ginagawang pag eeksperimento ng mga tao. Maaring maging dahilan, yong failed experiment. Hindi ba walang gamot ang rabies? Oh ngayon meron na? Ayon sa narrator nong video, may ilang scientist na gumagawa ng gamot sa rabies. Yon ang kinakatakot ng narrator or kung sino man ang gumawa ng documentary na yon. What if kasi may mangyari na magiging dahilan para magmutate yong rabies sa katawan ng pinag eeksperimentuhan nila at maging mitsa ng pagsisimula ng pagkakaroon ng undead. Base kasi sa mga zombie movies, sa kagat, laway diba? Ganoon din para magka rabies ka. Either makagat ka ng hayop na may rabies o makapasa ng laway. So what if?
*Wala akong sinasabing totoo ang mga ito. baka may ma-butthurt kasi. Nagkwekwento lang ako. Mga teorya, kuro-kuro. Sa kapasidad ng utak nating mga tao, walang impossible. Kung mahilig kayo sa history, isa na don ang patunay ng world war two. Yong mga Jews na walang awang pinag eksperimentuhan. Isa yon sa mga patunay na tayong mga tao, tao nga pero may mga panahong mas masahol pa tayo sa mga hayop o sa mga nilalang na kinatatakutan natin.
Isa pa, isa pang what if. Yong mga movies noon at ngayon, what if palihim tayong winawarningan ng mga maaring mangyari? WWZ, the flu, train to busan, dawn of the dead, mga ganon. What if yong mga tao sa likod ng mga pelikulang yon, may alam sila at gamit ang pinilakang tabing ay binabalaan nila tayo?
Nakakatakot. Kaya tama yong kasabihang "Matakot ka sa tao, wag sa multo".
Hunter
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Horrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)