* Book 2 *
Ordinaryong buhay, ekstraodinaryong mga tao I
Si Tyo Berting, tyuhin sya ni Jay. Nakilala ko sya nung minsang isama kami ni Jay sakanila. Dun ko rin nakilala yung isang kuya ni Jay, si James. Sa unang tingin pa lang nya sakin iba na. Nalaman ko na lang na albularyo pala sya. Dating albularyo. Kilala sya sa lugar nila na magaling na manggagamot. Dinadayo sya kahit ng mga tiga maynila para magpagamot.
"Maraming nagtaka nung tumigil na syang manggamot. Nanghihilot na lang sya ngayon" sabi ni Perla. "Nung natigil na manggamot yun si Apo Berting, tuwang tuwa kaming mga class b'ng albularyo, samin na nagpupunta yung mga tao"
Pumasok sa trabaho sila Jay, kami lang nila Boss yung naiwan sa bahay ni Sir Roy. Kahit si Kuya Leo na madalas kong kakwentuhan, wala rin, psg kasi nila George. Nung makita namin si Tyo sa may gate. Matalim ang tingin kay Boss.
"Ano na namang plano mo Rudy? Tatlong mga pamangkin ko na nawala dahil sayo. Ngayon binubugaw mo 'tong alaga mo kay James?"
Uminit ulo ko. "Mahal ko po si James. Hindi po ako inutusan ni Boss"
Humarap sya sakin, nakangisi. Parang nakikita ko na si Jay pag nag edad sisenta na. "Dalaga ka ineng. Yung pamangkin ko may anak. Ang laki pa ng tanda sayo, sa tingin mo maniniwala ako? Alam ko kung anong pinagawa ng boss mo sa mga iba mong kasamahang babae makalikom lang ng pondo para sa samahan. Isa pa, yang nanay mo laging nakasunod sayo, wag mong idadamay sa gusot mo pamilya ko"
Lumingon ako sa may bintana. Nandun nga sya. Halos gabi gabi na kong hindi dinadalaw ng tulog. Sumabay pang nagpaalam si Jane na mag-uumpisa ng panibagong buhay kasama si Vergel. Kung meron mang isang nagpapalakas ng loob ko, eh yun yung mga sandaling kasama ko si James. Pero hindi ko naman gugustuhing mapahamak sya.
"Layuan mo pamangkin ko" Yun ang huling sinabi nya bago sya umalis. Kasama ng mga alipores nyang hindi nakikita ng ordinaryong mata. Tatlong duwende, isang diwata. Sabi ni Perla, kahit nung tumigil na manggamot si Tyo Berting, hindi sya iniwan ng mga yun. Nanatili sa tabi nya. Mga kaibigan na nya. Kasama nya sa pagbabago.
Kinausap ako ni Jay tungkol kay James. Nagpalit ako ng number eh. Si Jay yun, sobrang bait kaya nung isinama nya ako sa birthday ni Eyah na anak ni James, hindi ako nakatanggi. Andun din si Tyo Berting. Anyong tao yung mga kasama nya. Lumalantak ng coffee jelly yung diwata. Yung mga duwende anyong bata na nakikipag trip to jerusalem. Andun din sila Tim. Kumpleto ang barkada. Party crasher yung nanay ko.
"Getting to know each other na yung magbalae" Inakbayan ako ni Johnny, giniya nya ko sa tabi ni James. Omg my heart hahahaha. Nung matapos yung kainan, habang tumutulong kami sa nanay ni Jay na magligpit ng mga gamit, bigla na lang akong sinampal ni Tyo Berting. Sa gulat, nalaglag ni nanay yung hawak nyang baso.
"Sabi ko lumayo ka! Alam na nya kung sinong gagamitin nya para makuha ka! Hin-----"
Tumakbo si Eyah tapos yumakap sa bewang ko. "Ikaw bad lolo, hindi naman bad si mama ana ko"
Akala ko tumigil sya kasi nakaharap yung bata. Pero nung kumumpas sa hangin si Kuya Untoy at ang buong sambahayan nila Jay eh nahiga na kahit yung mga umiinom sa harap umuwi na, naramdaman kong may kakaibang mangyayari sa gabing yun.
"Naniniwala ka naman sa mga nakikita ni Eyah pre?" Tanong ni Kuya Fonso na naglagay ng dalawang upuan sa gitna ng kusina. Pinipigilan kong ngumiti kasi pare tawag nila ni Johnny kay Tyo kahit parang tatay na nila sya. Pinaupo nya ako run, kumandong naman sakin si Eyah. Pinaupo nya sa isa pa si Tyo.
"Be, anong nakikita mo kay Mama Ana mo?"
Humarap sakin si Eyah. Yung dalawang kamay nya, inihawak nya sa magkabilaang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Kevin Eleven And Others
Terrorcompilation of Kevin Eleven, Hunter, and Nasaanmamamue?, Ravenofdeath, ICE, and other's stories. hope you enjoy! (©®Sigaw and Spookify)